^

PSN Showbiz

Judy Ann at Piolo secretly married na?

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Kung papatulan natin lahat ang mga dumarating na e-mails sa mga publikasyon ay hindi matutuyuan ng isyu sa showbiz.

Ang bawat isa sa atin ay may kakambal na kalayaang ilabas ang ating opinyon, ang marinig ang ating boses tungkol sa mga bagay-bagay, pero ang lahat ba ng impormasyong idinadaan sa pamamagitan ng e-mail ay kapani-paniwala?

Gaano ba kalaki ang kredibilidad ng sumusulat, sigurado ba tayong ang mga impormasyong isinusubo niya sa mga manunulat ay totoo at hindi kakuwestiyon-kuwestiyon?

Madaling mangwasak ng personalidad, kahit pa ang kapita-pitagang si Ms. Susan Roces, magpadala lang ng e-mail ang isang tarantadong walang magawa ay kayang wasakin ng negatibong balita na wala namang basehan.

Kaya ang pagpatol sa mga nagpapadala ng e-mail ay delikado, kailangan muna nating balansehin at imbestigahan ang mga kuwento, dahil baka ang mga sumusulat pang ‘yun ang magpahamak sa atin.

Tulad na lang ng tinanggap ng text message ni Mommy Carol Santos kamakailan, sabi ng nag-text sa kanya ay nagpa-SM na raw sina Judy Ann at Piolo Pascual.

SM, ibig sabihi’y nagpa-secret married na ang dalawa, nagpakasal nang lihim, kaya napatawa na lang si Mommy Carol sa kanyang natanggap na impormasyon.

Paulit-ulit ang pagti-text sa kanya ng kung sinumang ‘yun, kalat na kalat na raw sa internet ang balitang nagpakasal nang lihim ang dalawa, may nag-e-mail din daw sa nagti-text kay Mommy Carol na kasal na nga sina Juday at Piolo.

Nagalit si Mommy Carol, sinagot niya ang nagti-text sa kanya, "Kung ayaw mong maniwala, di huwag! Kung gusto mo, ikaw na lang ang magpakasal kay Piolo, huwag mo nang idamay pa ang anak kong nananahimik at walang kaalam-alam sa mga sinasabi mo!"

Sagot ng texter kay Mommy Carol, "Sige, tingnan lang natin sa mga darating na araw kung ano ang masasabi mo, Mrs. Santos. Kapag lumabas na ang totoo, mapapahiya ka sa mga sinasabi mo!"

Kalat na kalat na raw kasi sa internet ang balita, maraming e-mail na rin daw na tinatanggap ang nagti-text kay Mommy Carol na lihim na ngang kasal ang magka-loveteam.
* * *
Kamakailan lang ay may nag-e-mail naman sa isang pahayagan tungkol sa kabastusan daw ni Piolo Pascual nang tawagin ng aktor na monay si Judy Ann habang kausap ang kanyang ina.

Isang kuwentong kutsero na naman ito na kapos sa basehan at kredibilidad, dahil hindi ang tipo ni Piolo ang magsasabi ng ganu’n, seryosohan man o biruan lang.

Kung ang pagkakilala namin sa batang aktor ang paniniwalaan ay pwede pa naming panindigan na may pagkasuplado kung minsan si Piolo, pero ang pagbintangan siyang bastos, ay isang kalabisan.

Matindi ang paggalang ni Piolo sa kanyang kapwa, kung bastos ang batang aktor, di sana’y inaway na niya’t sinita ang mga manunulat na wala nang ginawa sa araw-araw kundi ang kuwestiyunin ang kanyang kasarian?

Pero ano’ng ginagawa niya? Nananahimik na lang ang guwapong aktor, pinababayaan na lang niya ang mga taong ang layunin ay maliwanag na ibagsak siya, karma na lang ang sinasabi niyang bahala sa mga taong hindi niya naman sinasaktan ay kung bakit ayaw siyang tantanan.

Ang kausap daw ni Piolo, ayon sa nag-e-mail, ay ang kanyang ina. Tinawag daw niyang monay si Juday, sabi ng sumulat, kaya mula noon ay ayaw na nila sa batang aktor.

Salat sa pruweba ang mga ganu’ng uri ng kuwento, lalo na’t ang idinadamay pa nilang personalidad sa istorya ay isang aktor na kilala naman sa showbiz bilang marespeto at mabait na tao.

May mga artista kaming alam na kung makapamintas ng kanilang kapwa ay parang wala nang bukas pa, pero hindi kasama sa listahang ‘yun si Piolo Pascual.

CAROL SANTOS

JUDAY

JUDY ANN

KUNG

LANG

MOMMY CAROL

PIOLO

PIOLO PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with