^

PSN Showbiz

Sinasala ng ama ang mga manliligaw ni Jolina ?

-
Hindi madali sa kalagayan ngayon ni Jolina Magdangal ang tumanggap ng mga manunuyo lalo na iyong di nila masyadong alam ang family background.

Hindi istriktong magulang si Daddy Jun dahil sa gulang ngayon ni Jolina ay hinahayaan nitong tumanggap ng mga manliligaw ang anak pero hindi naman nangangahulugan na kung sino ang kinagigiliwan ng aktres ay iyon ang mapipili nitong boyfriend.

"Tinatanong sa akin ni Jolina kung okey iyong taong pumupormal sa kanya, kung maganda ba ang pinanggalingang pamilya. Alam niya na malaking tulong ang maibibigay namin sa kanya pero hindi doon sa puso niya, kundi doon sa isipan niya."

Ayon kay Daddy Jun, ang unang ikinu-konsidera nila sa manliligaw kay Jolina ay iyong pamilyang pinanggalingan at iyong klase ng breeding mayroon ito. "Hindi naman kami nang mamaliit ng tao, mahirap man o mayaman, that’s out of the question. Itinataguyod namin ang aming anak sa magandang paraan ng paglaki hanggang maging upright citizen siya."

Maganda ang ginawang pagpalaki ni Daddy Jun sa anak nitong celebrity dahil ang gusto nito, kung ano ang inani ng anak nito mula sa kanila, inaasahan nilang ito ang ituturo ni Jolina sa magiging mga anak niya kung makapili na ito ng kanyang handang pakasalang lalaki. – Alex Datu

ALAM

ALEX DATU

AYON

DADDY JUN

ITINATAGUYOD

JOLINA

JOLINA MAGDANGAL

MAGANDA

TINATANONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with