'Hindi natutulog ang Diyos' - Mila Pascual
May 15, 2002 | 12:00am
Ito ang mga katagang nasambit ng producer ng El Niño Films na si Mila Pascual.]
Pumabor kasi ang korte sa kanya dahil tuloy ang TRO ng pelikulang Kapirasong Gubat ng 20 araw.
Ibinababa ang pasya ng korte sa pamamagitan ni Judge Marquez ng RTC Branch 40 noong nakaraang Biyernes, alas 6:00 ng gabi.
Bago pa man ang naturang desisyon, nakarating sa lady producer na dudurugin daw siya at paluluhain ng dugo ng producer ng Kapirasong Gubat.
Hindi pinatulan ni Mila Pascual ang masasakit na sinasabing ito ng kapwa niya producer. Ipinaubaya niyang lahat sa korte at napagtagumpayan niya.
"Prinsipyo ang pinaglalabanan ko, karapatan at paninindigan. Naniwala ang korte na exclusive talaga ang contract ni KC Castillo sa produksyon ko kaya pumabor sa akin," ang sabi pa ng producer.
Samantala, palabas na sa darating na May 29, ang pelikulang Pagsaluhan na pinagbibidahan ni Aya Medel kasama sina Sydney Segovia, Francis Enriquez at Jeffrey Gonzales.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended