Tapos na ang 'Diskarte' ni Rudy
May 13, 2002 | 12:00am
Nakatanggap ako ng balita galing sa aming kaibigang entertainment writer sa Los Angeles, California na si Oliver Carnay na nakatakdang lumipad patungong LA ang kilalang beauty expert-cum actor na si Fanny Serrano para tanggapin ang isang Special Achievement Award sa ika-walong taon ng Ulirang Awards na gaganapin sa Otani Hotel sa LA sa darating na Mayo 19. Ang award na tatanggapin ni TF (Fanny) ay may kinalaman sa kanyang diversified talent sa pagpapaganda, negosyo at acting na nakapagbigay ng malaking kontribusyon sa Philippine entertainment industry. Nakatakdang lumipad si TF sa LA sa Mayo 15. Habang nasa LA, magbibigay din ng love offering si TF sa Praise Christian Church, isang born-again Christian group kung saan siya naimbitahan ni Mary Ann Pagsibigan-Pimenta.
Samantala, ang veteran actor-comedian na si Oscar Obligacion (na naka-base sa Amerika) ang siyang tatanggap ng "Ulirang Artista" award. Inaasahan din ang pagdalo sa Ulirang Awards nina Aurora Salve, Djoanna Garcia, Eddie Gutierrez, Annabelle Rama at iba pang artista na naka-base na sa LA at mga karatig lugar.
Nakapag-last shooting day na si Rudy Fernandez ng movie nila ni Ara Mina, ang Diskarte na nakatakdang ilahok ng Maverick Films sa darating na Manila Film Festival.
Speaking of Daboy, gusto namin siyang pasalamatan at purihin sa kanyang pagiging isang tapat na kaibigan.
Last Friday (May 10) sa aming kaarawan, may shooting ito sa Antipolo (sa bahay ni FPJ sa Beverly Hills sa Antipolo). Ito bale ang kanyang last shooting day. Nung hapon, tumawag sa akin si Daboy na dadalo umano siya sa aming party sa Virgin Café after the shooting. Pero nung sabihin niya sa amin na meron pa siyang change location, medyo nagduda kami na makakarating pa ito sa aming paanyaya sa kanya.
Nang matapos ang aming party at past 1 a.m., hindi na namin inaasahan pa na makakarating pa si Daboy. At kung kelan tapos na ang party at nag-alisan na ang aming mga bisita ay saka naman kami nakatanggap ng tawag na papunta na siya sa Virgin Café (sa Tomas Morato) from his shooting sa Antipolo. Tinawagan namin si Boss Orly (Ilacad) na nakauwi na rin ng bahay na bumalik dahil parating nga si Daboy. Kahit pagod sa kanyang shooting, talagang pinilit pa rin ni Daboy na makarating para personal kaming batiin sa aming kaarawan. Dumating siya nang pasado alas-dos ng madaling araw kasunod ang mag-asawang Dondon at Grace Monteverde with Paola (of Regal) na nanggaling pa sa party ni Ara Mina at isa pa naming kaibigan na si Nesty Isla na may pinanggalingan ding ibang okasyon. Nag-stay pa kami roon until about 3:30 ng umaga.
Sa totoo lang, wala pa kaming paanyaya kay Daboy na hindi ito nakadalo. There was even a time na kinaray namin ito sa kanyang shooting para lamang makadalo sa ribbon-cutting ng Virgin Café at pagkatapos ay saka siya bumalik sa kanyang shooting.
And guess kung sino ang pinakaunang celebrity na dumating sa aming party, ang Kilabot at Kembot star na si Bong Revilla na may dubbing para sa movie nila ni Assunta de Rossi. Maaga ring dumating ang ABS-CBN talent na si Dennis Trillo (who celebrated his birthday kahapon, May 12) kasama ang aming kaibigan at kasamahan sa panulat na si Eric John Salut. Maaga ring dumating ang aming long-time friend na si Mike Enriquez, ng Saksi at Imbestigador ng Bayan ng GMA 7. Although may story conference siya sa ABS-CBN, sumaglit din si Lorna Tolentino.
Masayang-masaya kami dahil sa pagdalo ng ating mga kaibigan in and out of the business.
Sa pamamagitan ng aming kolum, nais kong pasalamatan unang-una na ang aming (former) boss sa OctoArts na si G. Orly Ilacad, ang aking present boss na si G. Koji Miyashita, Rudy Fernandez, Lorna Tolentino, Bong Revilla, Mike Enriquez, Pops Fernandez, Kyla, Big Men at Renz Verano (na pare-parehong nagpaunlak ng impromptu numbers), Pampanga Vice-Governor Mike Arroyo and girlfriend Angela Montenegro, Beth Tamayo, Angge, Jo Canonizado, Yam Ledesma, John and Camille Pratts with their dad Dondie Pratts, Eva Eugenio, Dulce Lukban, Mother Ricky Reyes, Gener Gozum, Dr. Jonathan Dizon, Wowie Roxas, Bibeth Orteza, Direk Gil Portes, Mr. & Mrs. Nelson Yau and Dino Medina of Chanel Manufacturing Corporation, Kristopher Peralta, Michael Soler, Red Peralta, Ramona Revilla, Von Arroyo, Tim Muñoz, Angelica Jones, Terrence Miguel, Mark Solis, Cody Moreno, Evangeline Pascual and daughter Eggpie, Kuya German Moreno, Gilmer Dy, Pablo Santiago, Gelo Serrano, Tirso Cruz III and Lyn Cruz, Butch Francisco, Korina Sanchez, Tintin Bersola and Julius Babao, Boy Abunda, mga kasamahan ko sa panulat na sina Veronica Samio, Salve Asis, Eugene Asis, Ian Fariñas, Manay Ethel Ramos, Ronald Constantino, Mario Bautista, Mario Hernando, Manay Letty Celi, Nora Calderon, Isah Red, Rowena Agilada, Nitz Mirales, Joe Cezar, Ed de Leon, Erlinda Rapadas, Nards and Crispina Belen, Julie Fe Navarro, Noel Asiñas, Bibsy Carballo, Mr. & Mrs. Herbert Dy, Carlos Florist, Pilipinas International Marketing Services, Inc. officers and staff, Global Publishing & Ent. Corporation staff, Masako Uemori at iba pang mga bisita na hindi ko na puwedeng isa-isahin ganundin sa iba pang mga kaibigan na nagpadala ng kanilang mga pagbati. Sa inyong lahat, maraming-maraming salamat!
Email:[email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended