^

PSN Showbiz

Pops, kasama sina Martin, Robin at Ram sa panonood ng Videoke King

RATED A - Aster Amoyo -
Masayang-masaya si Pops Fernandez dahil tinanggap ng publiko ang una nilang tambalan ni Robin Padilla ang Videoke King.

For the first time, nakasama ni Pops ang kanyang dalawang anak na sina Robin at Ram at ex-husband niyang si Martin Nievera sa panonood ng Videoke King sa first day pa lamang ng showing nito nung May 1 at nakita nila kung gaano karami ang tao sa Alabang Town Center.

Although singing ang first love ni Pops, aminado siya na love din niya ang acting. Ano kaya’t pagsamahin sila ni Martin sa isang pelikula tulad nung pareho pa lamang silang nagsisimula sa showbiz?

Since magkaibigan naman ngayon sina Pops at Martin, hindi siguro ito imposible.

Sabik na rin ang mga fans ng dalawa na muli silang mapanood sa isang major concert.

Speaking of Pops and Martin, hindi pa rin gimi-give-up ang respective families and close friends ng dalawa na balang araw ay muli pa ring magkakabalikan sila kahit annulled na ang kanilang kasal.

Marami ang naniniwala (kasama na rito ang malalapit kina Pops at Martin) na mahal pa rin nila ang isa’t isa pero pride umano ang umiiral sa kanila. Nitong huling biyahe ni Pops sa Amerika kasama ang bunso nilang anak ni Martin na si Ram, nagkita dun ang dating mag-asawa. Pinuntahan pa ni Martin ang kanyang mag-ina sa L.A. airport nung pabalik na ang mga ito sa Pilipinas. Kapag magkakasama ang mag-anak, walang mag-aakalang hiwalay na sina Pops at Martin.
* * *
Ngayong nakapag-file na si Parañaque Mayor Joey Marquez ng petisyon ng pagpapawalang-bisa ng kanilang kasal ni Alma Moreno, lumabo na rin ang pag-asa ng marami na muling magkakabalikan ang (dating) mag-asawa lalo pa’t nali-link ngayon si Joey sa bunso ni Tita Cory na si Kris Aquino. Sa kaso ni Ness (Alma), tanggap na rin niya ang lahat kaya naka-focus ngayon ang kanyang attention sa kanyang trabaho at sa kanyang mga anak.
* * *
Gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na on the way out na ang programang Attagirl na tinatampukan nina Jessa Zaragoza, Vanessa del Bianco, Andrea del Rosario at Michelle Bayle?
* * *
Mahigit thirteen years din ang binilang ng singer-comedienne na si Aiai de las Alas bago siya binigyan ng starring role sa Ang Tanging Ina, isang comedy-drama na ididirek ni Wenn Deramas for Star Cinema.

Sa totoo lang, napakaganda ng takbo ng career ngayon ni Aiai dahil bukod sa kanyang pagiging in-demand as concert artist, may apat siyang regular TV shows isa sa ABC-5, ang Sing-Galing at tatlo naman sa ABS-CBN Channel 2, ang Whattamen, MTB at Arriba, Arriba. Tapos ngayon ay lead role siya sa pelikula.

Ano pa nga naman ang mahihiling pa ni Aiai?

Hindi kaya nagsisisi ngayon si Miguel Vera sa pang-iiwan niya kay Aiai?
* * *
Si Assunta de Rossi ang isa sa pinakaabalang artista kung ang schedule ng trabaho ang pag-uusapan. Bukod sa kanyang kabi-kabilang pelikula, may dalawa siyang regular TV shows, ang Beh Bote Nga at Bubble Gang at madadagdagan pa ito ng isang drama serial, ang Hawak Ko Ang Langit kung saan niya mga kabituin sina Jomari Yllana at Jao Mapa mula sa direksyon ni Gina Alajar.

vuukle comment

AIAI

ALABANG TOWN CENTER

ALMA MORENO

ANG TANGING INA

CENTER

MARTIN

POPS

VIDEOKE KING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with