^

PSN Showbiz

Regine, may MTV nomination

-
Ang Songbird na si Regine Velasquez na napiling Favorite Artist Philippines sa MTV Asia Awards na ginanap noong February sa Singapore ay may dalawang nominasyon sa MTV Video Awards Pilipinas. Ito ay para sa kanta niyang "To Reach You" mula sa kanyang latest album na "Reigne". Ang music video ng nasabing kanta na dinirek ni Louie Ignacio ay nominado sa Best Female Video at ang "To Reach You" na ginawa nina Lisa Dy at Chat Zamora ay nominado for Best Song.

Ang "Reigne" ay first studio recorded collection ni Regine pagkatapos ng halos dalawang taon. Ang "To Reach You" ang unang hit na kanta sa album. Ito ay sinundan ng "Dadalhin Kita" na composed ni Tats Faustino. Ang album ay naglalaman ng 18 tracks, na ang karamihan ay sinulat ng mga Filipino composer. Ang nag-iisang kanta na gawa ng foreigner ay ang "Love on the Airwaves" ni Chris Thompson at Robert Watson.

Ang mga iba pang kanta na kasama sa album ay ang "This Time", "Nasa Puso", "Free Spirits", "Long for Him", "Sa Aking Pag-Iisa", "Perry’s Will, I Know", "My Destiny", "Bukas Sana", "Nang Makita Ka", "Let You Be", "Could It Be", "What Are You To Me", "Tayong Dalawa" at "Sandcastle".

Ang list of nominees sa MTV Video Awards Pilipinas 2002 also includes "Loving" ni Gabby Eigenmann para sa Best New Artist at Best Male Video. Ang nasabing video ay dinirek din ni Ignacio at isa sa mga kantang kasama sa unang album ni Gabby na produced ni Regine para sa Viva Records.

Ang iba pang Viva Records artists and recordings na nakakuha ng nominasyon ngayong taon sa MTV ay ang "Love Hurts" ni Jaya para sa Best Female Video, "Can We Just Stop and Talk a While" ni Gary Valenciano featuring Kyla, "Kapantay ay Langit" ni Janno Gibbs featuring Pilita Corrales at "Say a Little Prayer" ni Janno Gibbs featuring Pops Fernandez para sa Best Male Video at "Umaaraw Umuulan" ng Rivermaya para sa Best Group Video at Best Song.

BEST

BEST FEMALE VIDEO

BEST MALE VIDEO

BEST SONG

JANNO GIBBS

TO REACH YOU

VIDEO

VIDEO AWARDS PILIPINAS

VIVA RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with