Isang cook book ang regalo ni Sharon kay Juday
May 10, 2002 | 12:00am
Parang pinagtiyap ng pagkakataon ang naging karanasan ng batang superstar na si Judy Ann Santos at ng sexy star na si Ara Mina sa una nilang pagtatangka sa pagnenegosyo.
Parehong restaurant business ang nilinyahan nina Juday at Ara, blangko ang kanilang kaalaman nang pasukin nila ang bagong mundo ng kanilang buhay, kaya nakipagsosyo sila.
Inilaan nilang dalawa ang sobra-sobrang atensyon sa itinayo nilang negosyo, ipapahinga at itutulog na lang nilay ipinamamahala pa nila sa kani-kanyang restaurant, pero nang lumakas at napalakas na nila ang lugar ay saka naman ipinanganak ang mga problema.
Sa kaso ni Judy Ann ay isang gabing nag-walk-out ang kanilang mga tauhan dahil hindi na matiis ng mga ito ang pagtratong tinatanggap mula sa kasosyo ng batang aktres.
Sinubukang tagpian ni Juday ang problema, pero wala pa ring nangyari, kaya ngayon ay ibinebenta na ng batang superstar ang kanyang sosyo sa pinalakas niyang Kilimanjaro Bar.
Kapag nakuha na ni Juday ang kanyang kapital sa naturang lugar ay plano niyang magtayo uli ng restaurant, pero ayaw na niya ng may kasosyo, nadala na ang batang aktres sa unang karanasang nanakit sa kanyang damdamin.
Marami ang nagsasabing masyado kasing mabait si Juday kaya ginawan siya ng ganun ng kanyang kasosyo, bagay na sinasang-ayunan namin, dahil dinadaan na lang sa hindi pagkibo ng dalaga ang mga nangyayari sa kanyang business.
Kung ibang tao lang ang nakapareha sa negosyo ng natagpuan ni Juday, siguroy naghahalo na ang balat sa tinalupan ngayon.
Katwiran ng dalaga, anumang masamang ginawa mo sa kapwa mo ay babalik sa iyo ng sampung beses o higit pa, kaya ipinagpapasa-Diyos na lang niya ang pangyayari.
Pansamantala ay ang bubuksang restaurant muna ng kanyang Kuya Jeffrey ang tutulungan-tututukan ni Judy Ann, sa Scout Madriñan matatagpuan ang bagong negosyo ng kanyang kuya bukod sa isang cellphone shop, doon muna ibubuhos ni Juday ang kanyang nalalaman sa culinary art.
Kahit saan magpunta ang dalaga ay binabasa-basa niya ang isang makapal na cook book na regalo sa kanya ng megastar na si Sharon Cuneta.
Nagkakasundo ang dalawa sa paksa ng pagkain, pareho kasi silang "matakaw" at mahilig magluto, kaya kapos ang mga oras ng break nila sa shooting kapag nagkukuwentuhan ang mag-ate.
Hindi naman nagkukulang sa pangaral ang megastar sa batang superstar, minsan-makalawa na rin kasing naloko ng ilang kapareha sa negosyo si Sharon, kaya may boses itong magbigay ng tips kay Juday.
Kung ang manager ni Judy Ann ang masusunod, ang gusto ni Mama Alfie Lorenzo ay ang tumutok na lang siya sa kanyang career, pero si Juday ba naman ang tipong mapahihinto mo sa pagtatrabaho?
Kung saan kumukuha ng lakas si Juday ay hindi rin namin alam, dahil kahit magdamagan ang kanyang shooting at taping, maidlip lang siya ng ilang oras ay kumpleto na naman ang kanyang lakas.
Hindi siya napipirmi lang sa isang lugar, galaw siya ng galaw, ang gusto niya ay meron siyang nasisimulan at natatapos na trabaho sa maghapon.
Itutulog na lang niya ay makikita mo pa ang dalaga na nagba-vacuum ng kanyang sasakyan, nag-aayos ng mga damit niyang gagamitin sa shooting kinabukasan, ganun katindi ang stamina ng batang superstar.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended