^

PSN Showbiz

Mr. Nice Guy and The Boy Next Door

- Veronica R. Samio -
Hindi naman nakaapekto sa pagiging endorser ng mga pabango ng Sara Lee ang mga naglalabasang balita tungkol kina Jericho Rosales at Piolo Pascual tungkol sa kanilang pagiging binatang ama.

Bagaman at marami rin ang nagulat nang lumitaw ang anak ni Piolo na si Iñigo, unti-unti ay natanggap na rin ng kanyang mga tagahanga ang hindi na mapigilang katotohanan na minsan sa kanyang buhay ay nagmahal siya ng isang non-showbiz girl at ang kanilang relasyon ay nagbunga ng isang anak. Bagaman at ang paternity ni Iñigo ay hindi kinukwestyon sapagkat magkamukha silang dalawa, isinailalim rin ang bata sa isang DNA test na nagpatunay na mahigit sa 90% ang posibilidad na mag-ama nga sila.

Ganito rin sana ang gustong mangyari ni Jericho sa kanyang anak sa isang babaeng nagngangalang Kai Palomares. At kung ano ang kahihinatnan ng kanilang kaso ay siyang pinakaaabangan ng marami.

Samantala, tuloy ang pagpapalaganap ng dalawang kabataang lalaki ng mga pabango na sa kanila ipinangalan ng Sara Lee, ang Mr. Nice Guy kay Jericho at The Boy Next Door kay Piolo naman. Inaasahan na lamang ng kumpanya na kumuha sa kanila bilang endorser na ang gulo sa kanila ngayon ay hindi na maulit o madagdagan pa bagaman at parehong walang morality clause ang kanilang mga kontrata sa nasabing kumpanya.

Sinabi ng Sara Lee na anim na artistang lalaki ang pinagpilian nila para mag-endorso ng dalawang fragrances. Kina Piolo at Jericho bumagay ito.

Sa pag-eendorso ng Mr. Nice Guy, madaragdagan ang mga larawan ni Echo sa mga lansangan ng siyudad. Nung una itong maganap, sa ad ng i2i, bumalik siya sa lugar na kinatagpuan niya ng poster, sa EDSA, at kinunan ito ng larawan. Bago ito ay lumabas siya sa kanyang kotse at nagsisigaw sa kahabaan ng EDSA. Marami ang nakakita sa kanya ang namangha at nag-isip kung ano ang nagtulak sa kanya para magka-ganun. Ngayon alam na nila.
*****
Medyo may kabigatan ang binitawang pangako ng bagong singer na si Malik — aagawin niya sa mga pop divas ang pansin ng balana.

Dating lead vocalist ng Unioun Band si Malik. Lumagda siya kamakailan ng kontrata sa PolyEast Records ng MCA Universal Music upang palawakin ang kanyang musical experience.

Talaga sigurong nakatakda siyang sumikat dahil ang una niyang hirit sa recording ay ang "You Are My Heart", isang komposisyon ng tanyag na si Brian McKnight . "Kahit ako ay nagulat nang malaman ko na isa sa mga awitin sa album ko ay regalo sa akin ni Brian McKnight. Kaya ibinuhos ko ang lahat ng aking makakaya sa awitin. Ninerbyos ako habang isinasaplaka ito kasi padadalhan nga siya ng kopya," pahayag ni Malik.

Hindi lamang ang boses ni Malik ang maganda kundi maging ang kanyang katawan. Dahil dito, nakikinita ng mga tagasubaybay ng OPM industry na si Malik ay madaling makakatawag ng pansin lalo na ang kababaihan na tiyak na magkakaroon ng pagnanasa na mapalapit sa kanya.
*****
Ipagdiriwang ng FWM at Monde Nissin, mga gumagawa ng Lucky Me!, ang Mother’s Day sa taong ito sa pamamagitan ng isang blowout.

This year isang line- up ng mga treats ang tatanggapin ng mga moms sa Fiesta World Mall. Sa Mayo 12, 10 n.u.-6 n.g. bibigyan sila ng libreng haircut, hairstyling, manicure, pedicure, facial cleansing at body massage. Mayro’n ding libreng pictorial ang moms kasama ang kanilang pamilya.

Mula Mayo 15 hanggang 19, magkakaroon ang FWM ng Back To Back Mall Wide Sale.
*****
Super-saya naman sa Barangay Rancho Verde dahil sa kanilang kapistahan. Bukod sa walang katapusang handaan at nakakaaliw na banda, mayroon din silang perya na may duwende, payaso, Boy Sapot (Eddie P ng Hunghunks) and ang babaeng sirena (Victoria London).

Tuluy-tuloy na ba ito o may mga taong manggugulo sa barangay ni Kap Miong?

Huwag palampasin ang Idol Ko Si Kap ngayong Sabado, Mayo 11, 7:00 n.g. sa GMA.

vuukle comment

BACK TO BACK MALL WIDE SALE

BAGAMAN

BARANGAY RANCHO VERDE

BOY NEXT DOOR

BOY SAPOT

EDDIE P

MR. NICE GUY

SARA LEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with