^

PSN Showbiz

Desiree, magbabalik!

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Tiyak na matutuwa ang mga fans ni Desiree del Valle sa balitang nakatakda itong magbalik sa showbiz. Yes, sa first week of June ay darating si Desiree para ituloy ang naunsyami niyang career. Matatandaan na mabigat sa loob na nilisan ni Des ang showbiz para bigyan ang pakiusap ng ama nitong maysakit na mamalagi na lang sa States. Ang balita namin, maganda na ang kondisyon ng ama ni Des at pinayagan na siyang bumalik dito sa Pilipinas.

Pero sa pagbabalik ni Desiree sa showbiz, malaki ang magiging pagbabago sa kanyang career. Hindi malinaw kung sila pa rin ni Paolo Contis ang magka-loveteam. O kung babalik siya sa Tabing Ilog pero ang sigurado namin, ipapasok siya sa isa sa tatlong soap opera ng ABS-CBN. Maganda ang role ni Desiree sa soap na kanyang sasalihan at tiyak na pag-uusapan siya rito. Malamang na ibalik din siya sa ASAP.

Ang balita namin, kasama nina Kaye Abad at Jodi Santamaria, silang tatlo ang ilu-launch to full stardom ng ABS-CBN at Star Cinema. Kaya nga agad silang inilagay sa mga primetime soap opera in preparation for bigger projects.

O ayan, sa pagbabalik ni Desiree sa local showbiz, may pag-uusapan na naman ang mga friends ko sa pinoy exchange. Sa mga gustong ma-entertain, go pasukin n’yo ang www.pinoyexchange.com at titiyakin naming matutuwa kayo sa mga postings doon.
*****
Isa pang newcomer na gumaganda ang career ay si Angelene Aguilar. Sa mga hindi nakakakilala, si Angelene ay unang napanood sa G-Mik at Da Pilya En Da Pilot. Inalis siya sa mga nabanggit na shows para ilagay sa mga programang nababagay sa kanya.

Ngayon ay kasama na si Angelene sa ASAP along with other three new faces, Bea Alonzo at Pia Romero. At higit sa lahat, magiging love interest siya ni Diether Ocampo sa Recuerdo de Amor. Last week ay lumabas na si Angelene sa nasabing daytime soap. Na-inspire ang ABS-CBN management sa nasabing team up dahil nag-number one sa rating ang episode nila sa Star Studio. Si Angelene ’yung gumanap na anak ni Ai-Ai delas Alas sa Maalaala Mo Kaya na nag-number one din sa ratings.

Bukod sa pagiging in-demand sa TV, marami ring product endorsements si Angelene.
*****
Gusto naming iparating ang aming pakikiramay kay Dra. Vicki Belo sa pagyao ng kanyang butihing ina, si Mrs. Imelda Conchita Gonzales-Cancio na sumakabilang buhay kamakailan. Ilang araw ding binurol ang labi niya sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes. Paumanhin din sa mabait na doktora na hindi kami nakapunta dahil huli na nang makarating sa amin ang impormasyon. Kahapon, Miyerkules ay inihatid na si Mrs. Cancio sa kanyang huling hantungan.

Si Dra. Belo na yata ang pinaka-accommodating na beauty doctor/dermatologist na nakilala namin. Kaibigan siya ng halos lahat ng artista, singers, hosts, director, managers, press people at even "yung mga executives ng malaking network. Gusto rin naming pasalamatan si Dra. Belo sa pag-accommodate niya sa amin para sa laser tattoo operation ng isa naming kaibigan.

Maraming salamat at aming pakikiramay, Dra. Belo.
*****
For your comments and feedback, you can reach me at [email protected].

vuukle comment

ANGELENE

ANGELENE AGUILAR

BEA ALONZO

BELO

DA PILYA EN DA PILOT

DIETHER OCAMPO

DRA

IMELDA CONCHITA GONZALES-CANCIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with