Leandro, mas pinili si Halina kaysa pera
May 8, 2002 | 12:00am
Ipinagpalit ng sexy actor na si Leandro Baldemor ang maraming kikitain niyang lapad para kay Halina Perez, bigla itong napauwi ng Pilipinas dahil dumating ang offer ng Leo Films sa kanya. Ito ay ang pelikulang Ligaya, Pantasya ng Bayan na pinagbibidahan ni Halina Perez.
Hindi kasi mapahindian ng aktor ang offer ng naturang produksyon lalo pat makakasama ang paborito niyang si Ms. Perez. Mula kasi nang makasama ang dalaga sa Ikapitong Glorya ay nangarap siyang muli na makatambal ang sexy star. Aminado ang binata na may paghanga siya sa contract star ng Leo Films.
Bukod kay Halina, nagustuhan ni Leandro ang ganda ng istorya ng pelikula. Ayon nga sa kanya, hindi lang basta bold movie ito. Buong pagmamalaki niyang ito ang pinakamagandang pelikulang nagawa niya.
Matagal-tagal na ring hindi gumagawa ng pelikula si Leandro at masasabi niyang dapat itong panoorin ng lahat dahil kakaiba ito sa lahat ng ginagawa niya. Ipinagmamalaki rin niya ang director ng pelikula na si Arman Reyes.
"Ang suwerte ko dahil ako ang napiling gumanap na asawa ni Halina sa pelikula. Natupad ang mga dasal ko na makasama ko siyang muli. Kahit nasa Japan ako ay umuwi ako ng Pilipinas para lang sa kanya.
"Ang ganda-ganda ng aming pelikula at magaling ang director naming si Arman Reyes. Sigurado akong mapapansin ito ng mga kritiko," pagtatapos pa ni Baldemor.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended