'Walang kasalanan si Claudine'
May 4, 2002 | 12:00am
Matagal naming nakakuwentuhan sa telepono si Mommy Inday Barretto kamakailan, bumalik na sa Subic ang ina ni Claudine, kung saan naninirahan na sila ni Daddy Mike.
Pagkatapos nga ng mga bagyo at unos sa buhay ng kanyang bunso ay ang kanilang buhay naman ni Daddy Mike ang kanyang aasikasuhin, ilang linggo rin kasing bumantay siya sa pangungulila at kalungkutan ni Nadine.
Hanggang ngayon, kapag naaalala ni Mommy Inday ang pinagdaanan ni Claudine nang mamatay si Rico Yan, ay napapaluha siya.
Ipinagpapasalamat niya sa Diyos na lumaking matapang si Claudine, kahit paminsan-minsan ay nakikita niya ang mumunting pagsuko nito sa mga intriga.
Nung nakaburol pa lang si Rico ay nagsimula na ang delubyo sa buhay ni Claudine, naturingang apat na taong karelasyon ni Rico ang dalaga, pero ayaw namang payagang makasilip man lang sa bangkay ng aktor.
Nang payagan naman itong makadalaw ay mayroong mga restriksiyon, kailangang hanggang sa ganitong oras lang mamalagi sa burol ang dalaga, at hanggang sa misa bago inihatid sa huling hantungan si Rico ay meron dinisenyong upuan para kay Claudine na malayo sa kinaroroonan ng bangkay ng binata.
Ang pinakahuling bagyong sumukat sa katatagan ni Claudine ay nung mismong libing na ni Rico, gusto man nitong makalapit sa bangkay ng aktor ay hindi pa rin puwede, kailangang malayo ito sa mismong puntod ng aktor.
Ang lahat ng yun, kung paanong nalampasan ng dalaga, ay tanging sa Diyos lang ibinibigay ni Mommy Inday ang kredito kung paano.
Sa isang seryosong pag-uusap nilang mag-ina ay tinanong ni Mommy Inday si Claudine kung bakit hindi nito ipinaalam sa kanila ni Daddy Mike ang mga nagaganap sa buhay nito.
"Ako kasi ang laging huling nakakaalam, Im always the last one to know," sabi ni Mommy Inday.
Sinabi sa kanya ni Claudine na ayaw na nitong madagdagan pa ang kanilang mga problema, kaya sinasarili na lang ni Claudine ang mga problema nito.
"Imagine that? Dahil ayaw niyang magkaproblema kami ng daddy niya, hindi na lang siya nagsasabi sa amin ni Mike?
"Ang sa amin lang kasi, if we could be of help naman sa kanilang magkakapatid, why not?
"Pero ayaw na kaming bigyan ng worries pa ni Claudine, kaya nung malaman namin ang talagang problema, ang laki-laki na pala!" kuwento pa sa amin ni Mommy Inday.
Hiling lang niya na sana, dahil nailibing na rin naman si Rico, ay tigilan na rin ng mga negatibong salita ang kanyang bunso.
"Awang-awa na kasi ako kay Claudine, masyado siyang apektado. She would just cry, napapaiyak na lang siya basta may naalala siya.
"I just hope na makalimot siya agad, she deserves peace of mind naman, wala siyang kasalanan sa pagkamatay ni Rico," pakiusap pa ni Mommy Inday.
Siya ang pumigil kay Claudine na magsalita nung kararating lang nito mula sa Hongkong, para sa kanya ay hindi na dapat pang magsalita si Claudine ng mga bagay-bagay na may kinalaman sa pamilya ni Rico.
"They all listen to me naman, kung ano ang ipayo ko sa kanila, sinusunod ng mga anak ko.
"Yun lang ang maipagmamalaki ko, lumaki silang lahat na may takot sa Diyos at sa aming mga magulang nila," pabuntong-hiningang pahayag pa ni Mommy Inday.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended