^

PSN Showbiz

Sydney hamon sa ibang bold stars?

-
Bagaman at sinasabi ni Aya Medel na wala siyang dapat ikatakot sa baguhang si Sydney Segovia pagdating sa pag-arte at paseksihan, naniniwala naman ang marami na nakapanood na ng kanilang movie na Bukang Bibig na malaki ang potensyal ni Sydney na makilala sa larangang kanyang pinasok – ang bold movies. Hindi lamang malakas ang kanyang loob, wala ring takot maghubad at sumabak sa mga love scenes, may ibubuga rin siya sa pag-arte.

Sa panahon ngayon na lugmok na ang industriya ng pelikulang lokal at tanging ang mga bold movies lamang ang pinanonood, dapat ay pagandahin na ng mga producer ang ganitong uri ng pelikula upang kahit papaano ay makaahon muli ang industriya sa kanyang kinalugmukan.

After all, karamihan sa mga pelikula natin na nagbibigay sa atin ng karangalan sa ibang bansa ay pawang nasa ganitong genre.

Aware si Sydney sa ganitong kalagayan ng pelikula kaya kahit sa kanyang munting kakayahan ay makakatulong siyang mapanumbalik ang sigla sa industriya. Kahit na magtaas pa ng kilay ang mga kapwa niya bold stars.

vuukle comment

AYA MEDEL

BAGAMAN

BOLD

BUKANG BIBIG

GANITONG

KAHIT

KANYANG

SYDNEY SEGOVIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with