^

PSN Showbiz

Sunshine, makakasama rin ni FPJ sa pelikula

-
Posibleng gagawin ang sequel ng Isusumbong Kita Sa Tatay Ko sa taong ito ng Star Cinema na pagtatampukan uli ng mag-ama sa showbiz na sina Fernando Poe, Jr. at Judy Ann Santos. May balita rin na may nilulutong proyekto ang Star Cinema na posibleng pagtambalan ni Da King at si Ms. Jolina Magdangal at tinitiyak ng marami na isang action-comedy.

Ang pinakahuling nababalitang young star na makakasama ni FPJ ay si Sunshine Dizon na hindi akalain ng action star na dalagang dalaga na. Sa pinakahuling pagkikita nila sa nakaraang awards night ng Film Academy of the Philippines ay nagulat ang action superstar dahil parang kamakailan lang nitong kandong-kandong si Sunshine na musmos pa noon sa mga pelikulang ginagawa nila bilang mag-ama.

Sa labis na katuwaan ng aktor ay niyakap niyang mahigpit ang kanyang itinuturing na anak at ayon sa aming source, binulungan daw ang aktres, "Dalagang-dalaga ka na, hayaan mo gagawa uli tayo ng pelikula," pahayag na naging dahilan para maluha sa tuwa ang aktres dahil matagal na niyang miss ang kanyang "Daddy" at ngayon gagawa pa sila ng pelikula.

Isa pa sa malaking ikinatutuwa ng aktres sa mga panahong ito ay ang pamamayagpag ng kanyang soap opera na kapareha si Cogie Domingo, ang Kung Mawawala Ka. "Yes, feeling ko nasa heaven ako. But of course, the credit goes to the great cast headed by Tito Eddie (Garcia). Nandiyan sina Tita Hilda, Tita Gloria, Tita Liza, Princess Punzalan, Sharmaine Arnaiz, Alessandra de Rossi and Ara Mina. Kasama rin dito si Jay (Manalo) at Maybelyn dela Cruz." AD

ARA MINA

COGIE DOMINGO

DA KING

FERNANDO POE

FILM ACADEMY OF THE PHILIPPINES

ISUSUMBONG KITA SA TATAY KO

JOLINA MAGDANGAL

STAR CINEMA

TITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with