^

PSN Showbiz

Cogie, takot sa ina!

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Matagal na nag-bonding ang mag-inang Zennie at Cogie Domingo nu’ng nakaraang Lunes.

Hapon pa lang ay magkasama na silang nanood ng sine sa Glorietta 4, nag-dinner sila at pagkatapos ay namasyal naman sa Eastwood Walk nu’ng gabi na.

Paminsan-minsan mangyari sa mag-iina ang ganito dahil madalas na nasa ibang bansa si Mommy Zennie para sa kanyang recruitment business, pero nagkaroon ng panahon ang dakilang ina na makasama ng mahabang oras si Cogie at ang kambal na sina David at Michael.

Kung gimik ang pag-uusapan ay nasa kainitan ngayon si Cogie sa edad niyang disisais, pero kapag sinabihan siya ni Mommy Zennie na hanggang ganu’ng oras lang siya ay walang magawa ang bagets, batas ang salita ng kanyang ina para sa kanya.

At aminado naman si Cogie na isa lang ang kinatatakutan niyang magalit, yun ay si Mommy Zennie, dahil mahigpit sa disiplina ang kanyang mommy.

Pero ang sarap-sarap tingnan kapag magkasama ang mag-ina, cowboy kasi ang mommy ni Cogs, walang problema kay Mommy Zennie ang gimik-gimik, pwera lang ang masasamang bisyo.

Kaya kapag si Mommy Zennie na ang nagsalita ay tameme na ang guwapong binata, kahit anong imbitasyon pa ang gawin ng kanyang mga kaibigan ay behave lang ang Cogito.

Bahagi si Cogie ng seryeng Kung Mawawala Ka, ang pinagtatambalan nilang soap opera ni Sunshine Dizon, ang seryeng kinababaliwan na ngayon ng mga Pinoy.

Nu’ng minsan ngang nagkita-kita kami sa harapan ng Dulcinea sa Tomas Morato ay apat na gusgusing bata ang lumapit sa amin.

Nanghihingi ng limos ang mga bata, na nang matapat kay Cogie ay Jepoy ang tawag sa kanya, ang pinatay niyang karakter sa dati niyang soap sa Siyete dahil siya na nga si Carlito ng Kung Mawawala Ka.

Iba ang dating sa tao ng mga serye, kahit saan sila magpunta ay ang pangalan na ng kanilang karakter ang itinatawag sa kanila, hindi ang tunay nilang pangalan.

"Lalo ka pa lang guwapo sa personal, Carlito Valiente!" sabi pa kay Cogie ng gusgusing batang babae, kaya ang dapat sana’y baryang ibibigay lang sa mga bata ay naging buo na.
* * *
Marami ang nangungulit sa amin kung totoo bang may relasyon na ngayon sina Cogie at Sunshine, dahil sila nga ang ibinebentang pareha sa Kung Mawawala Ka.

Ang lagi naming sagot ay magkaibigan lang ang dalawa, dahil yun naman ang totoo at nakikita namin, tulad din nina Cogie at Danica Sotto.

Walang girlfriend ngayon si Cogie, dahil dati’y meron pero nagkahiwalay sila nang dahil sa sobrang pagiging abala ng guwapong aktor.

Pero malay naman natin, di ba’t sa madalas na pagsasama ng dalawang tao nabubuo ang isang magandang pagtitinginan?

Malay natin, baka isang araw ay may mas malalim na palang relasyon sina Cogie at Sunshine?

Magkasundo naman ang dalawa, mas marami silang pinagkakasunduan kaysa sa pinagkakakontrahan, at magandang senyal ang ganu’n sa maaaring pagkabuo ng isang relasyon.

Kung pisikal na katangian lang ang pagbabasihan ay bagay na bagay naman sina Cogie at Sunshine, pero hindi lang naman kasi kasimbabaw lang ng pisikal ang pagmamahalan.

Abangan na lang natin kung may milagrong magagawa sa dalawa ang madalas nilang pagsasama sa taping ng Kung Mawawala Ka.

CARLITO VALIENTE

COGIE

COGIE DOMINGO

DAHIL

DANICA SOTTO

KUNG

KUNG MAWAWALA KA

LANG

MOMMY ZENNIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with