Sampu-sampera ang drama series
April 27, 2002 | 12:00am
Kung inihahanda na ng GMA-7 ang isang soap opera na pangungunahan nina Christopher de Leon at Richard Gomez, isa ring kakaibang drama serial ang pinaplantsa ngayon ng ABS-CBN para sa award-winning actress na si Lorna Tolentino.
Sa takbo ng mga pangyayari ngayon sa telebisyon, game shows at drama serials ang nauuso ngayon. Bukod sa mga imported soap operas na nilalapatan ng Tagalog dubbing, sampu-sampera ngayon ang mga local drama soap sa ibat ibang istasyon lalung-lalo na ang ABS-CBN at GMA-7 at hindi rin nagpapahuli ang RPN-9 at IBC-13.
Kung napapanood na sa telebisyon ang mga artista na nagda-drama at nagpapatawa, sino pa nga naman ang magkakainteres na panoorin pa sila sa pelikula.
Nagbunga rin ng maganda ang pagba-back-out ni Sunshine Dizon sa Ikaw Lang Ang Mamahalin bilang kontrabida ni Angelika de la Cruz. Sa halip na magalit kay Sunshine ang management ng GMA-7, binigyan pa ito ng sarili niyang drama series na siya mismo ang pangunahing bituin, ang Kung Mawawala Ka na star-studded ang cast. Bukod sa soap opera, magkakaroon din si Sunshine ng isang sitcom, ang Da Boy en Da Girl na pangungunahan naman nina Rudy Fernandez at Rosanna Roces.
Siyempre pa, bukod kay Sunshine, masayang-masaya ang kanyang butihing ina na si Dorothy Laforteza sa magandang takbo ng career ng kanyang bunso.
Talagang patalbugan ang ASAP ng ABS-CBN at ang SOP ng GMA-7 tuwing Linggo ng tanghali.
Kung tututukang maigi ang dalawang nasabing programa, walang itulak kabigin ang mga production numbers ng magkaibang programa. The other Sunday, parehong nagbigay ng tribute ang dalawang programa sa dalawang yumaong National Artists na sina Maestro Lucio San Pedro at Levi Celerio at patalbugan sila sa pagandahan ng production numbers. Pero aminado kami na mas marami ang totoong singers sa SOP kesa ASAP but in terms of popular stars, mas marami nito ang ASAP.
Ang dalawa pang programang nakakatuwang panoorin tuwing Linggo ng hapon ay ang The Buzz at ang S-Files. Makikita sa dalawang programa na hindi sila nagpapahuli in terms of presentation at content. May kani-kanya silang scoop na balita at magkaiba totally ang presentation ng kanilang respective segments.
Email:[email protected]
Sa takbo ng mga pangyayari ngayon sa telebisyon, game shows at drama serials ang nauuso ngayon. Bukod sa mga imported soap operas na nilalapatan ng Tagalog dubbing, sampu-sampera ngayon ang mga local drama soap sa ibat ibang istasyon lalung-lalo na ang ABS-CBN at GMA-7 at hindi rin nagpapahuli ang RPN-9 at IBC-13.
Kung napapanood na sa telebisyon ang mga artista na nagda-drama at nagpapatawa, sino pa nga naman ang magkakainteres na panoorin pa sila sa pelikula.
Siyempre pa, bukod kay Sunshine, masayang-masaya ang kanyang butihing ina na si Dorothy Laforteza sa magandang takbo ng career ng kanyang bunso.
Kung tututukang maigi ang dalawang nasabing programa, walang itulak kabigin ang mga production numbers ng magkaibang programa. The other Sunday, parehong nagbigay ng tribute ang dalawang programa sa dalawang yumaong National Artists na sina Maestro Lucio San Pedro at Levi Celerio at patalbugan sila sa pagandahan ng production numbers. Pero aminado kami na mas marami ang totoong singers sa SOP kesa ASAP but in terms of popular stars, mas marami nito ang ASAP.
Ang dalawa pang programang nakakatuwang panoorin tuwing Linggo ng hapon ay ang The Buzz at ang S-Files. Makikita sa dalawang programa na hindi sila nagpapahuli in terms of presentation at content. May kani-kanya silang scoop na balita at magkaiba totally ang presentation ng kanilang respective segments.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended