Magpapakasal o makikipaghiwalay si Ruffa ?
April 26, 2002 | 12:00am
Sa darating na Mayo 11 ay magda-dalawang taon nang magkasintahan si Ruffa Gutierrez at ng kanyang Turkish boyfriend na si Yilmaz Bektas. Sa petsang ito rin nakasalalay ang magiging final decision ng unica hija nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, kung tatanggapin na nito ang proposal ng kasintahan na magpakasal na sila.
Kung si Yilmaz lang talaga ang masusunod, gusto na nitong magpakasal na sila ni Ruffa pero si Ruffa ang atubili dahil nagi-enjoy pa siya sa kanyang pagiging dalaga.
"Sa akin kasi, kapag nag-asawa na ako, maraming bagay ang mababago. Hindi ko na puwedeng gawin ang mga bagay na nagagawa ko ngayong dalaga pa ako. Siyempre, kailangan kong magpaalam parati sa magiging mister ko. Besides, para sa akin, ang pag-aasawa ay forever commitment. I just wanna make sure that Ill end up with the right person. I will make a decision if were to get married this summer or we separate forever," paliwanag ni Ruffa nang makausap ko sa kanilang bahay sa White Plains.
Ang isa pang ikinatatakot ni Ruffa ay baka mauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ni Yilmaz kapag nagpakasal na sila dahil ang mga kapanabayan niyang sina Aiko Melendez at Carmina Villaroel ay pareho nang hiwalay sa kanilang respective partners na sina Jomari Yllana at Rustom Padilla.
"Most of my friends are now single parents dahil hiwalay na sila sa kanilang mga asawa. As much as possible, I dont want it to happen to me," deklara niya.
At kung mag-aasawa si Ruffa, gusto niyang magkaroon ng apat na anak.
Sa ngayon, nami-miss pa rin ni Ruffa ang showbiz kaya pabalik-pabalik siya ng Pilipinas. May posibilidad ding muli siyang mag-renew ng kontrata sa Century Productions although last October pa nag-expire ang kanyang kontrata. Shes also currently celebrating her 15th year sa showbiz.
"Nami-miss ko rin yung dati kong ginagawa sa Century Productions. Since welcome naman ako sa kanila, nasa akin na yon kung muli akong pipirma ng panibagong kontrata o hindi na. After all, nang dahil sa Century Productions, nagkaroon ako ng chance na mapuntahan ang mga lugar na hindi ko pa napupuntahan noon at makapanayam ang mga kilalang celebrities sa Hollywood at iba pang kilalang personalities. Nang dahil din sa kanila, nakilala ko ang boyfriend ko ngayon," natatawa niyang kuwento.
Sina Ruffa at Yilmaz ay nagkakilala nung Mayo 2000 sa ika-53 taon ng Cannes Film Festival.
"I was there for work at si Yilmaz naman ay business. I have to admit that it was a whirlwind romance," pag-amin pa ng dating Miss World 2nd Princess.
"Wala akong ideya who he was at ganundin siya sa akin. Basta, nagkakilala kami at naging simula na yun ng constant communication naming dalawa despite na very busy ako noon sa trabaho ko," paglalahad pa niya.
Dahil sa kanilang long-distance love affair, gumagastos si Yilmaz ng $6,000 to $8,000 sa telephone bills at si Ruffa naman from $600 to $1,000 a month. There are times na umaabot ng tatlo hanggang limang oras ang kanilang pag-uusap sa telepone at may time na twenty times silang mag-usap sa loob ng isang araw.
Kapag tinanggap ni Ruffa ang marriage proposal ni Yilmaz, she can live like a princess. Tanggap na si Ruffa ng pamilya ni Yilmaz at ganun din naman ito sa pamilya ni Ruffa. Katunayan, nagtungo na sa Turkey sina Eddie at Annabelle.
Pappy ang tawag ni Ruffa kay Yilmaz at My Princess naman ang tawag sa kanya.
Paano idi-describe ni Ruffa ang kanyang kasintahan?
"Strong, funny, sweet, loving, dashing, powerful, handsome at insecure," natatawang sabi niya.
"When Im in L.A., nai-insecure yun dahil alam niyang maraming guwapo run. Pero secured ang kanyang pakiramdam kapag nandito ako sa Pilipinas dahil nandito ang family ko."
Kapag nagpakasal sina Ruffa at Yilmaz, tiyak na dalawang beses silang magpapakasal isa sa Muslim rites at isang Catholic wedding ceremony. Hindi rin pini-pressure ni Yilmaz si Ruffa na magpa-convert sa Islam religion. After all, very European na ang upbringing ng binata.
Samantala, hindi ikinakaila ni Ruffa na marami siyang natutunan nang mamuhay siya ng solo sa L.A. without her family.
"I learned how to become independent, naging responsible at naging tough ako because I am now on my own," aniya.
Sa darating na May 2 ay muling aalis si Ruffa patungong Cannes, France for the Cannes Film Festival at para doon din nila i-celebrate ang kanilang ikalawang anibersaryo ni Yilmaz on May 11 kung saan sila unang nagkakilala. Dito rin magkakaalaman kung tatanggapin na ni Ruffa ang alok na kasal ni Yilmaz at kung ipagpapatuloy pa rin niya ang kanyang sinimulang career dito sa Pilipinas at sa Amerika.
Email:[email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended