^

PSN Showbiz

Piolo, biggest attraction ng Manila Filmfest

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Isang malaking boost sa acting career ni Onemig Bondoc ang pagkakasama niya sa teleseryeng Pangako Sa ‘Yo. Last Tuesday ay nag-report na si Onemig sa set with Rory Quintos as his director. Medyo kabado ang aktor sa kanyang role dahil alam niyang malaki ang expectation sa kanya ng management ng ABS-CBN.

Tiyak na pag-uusapan ang role ni Onemig dahil magiging ka-love triangle siya nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa. He plays Errol who is a field reporter.

"Inabot siya ng 4 am reading his script and memorizing his lines. Kabado siya pero he is willing to face the challenges. Hindi niya palalampasin ang opportunity na ito," kuwento sa amin ni Vangie Aguilar, Onemig’s girl-Friday.

Inamin ni Onemig na after Labs Ko Si Babes, umaasa siya na mapapasama siya sa anumang primetime soap opera ng Dos. Hindi naman nasayang ang kanyang tiyaga dahil heto na nga’t kasama na siya sa Book 2 ng pinakamatagumpay na teleserye sa Philippine television.
*****
Excited kami sa grand event ng Particles and Molecules bukas, Biyernes, April 26 na gaganapin sa World Trade Center sa Roxas Boulevard. Iba’t ibang events ang magaganap mula 6 to 9 pm. Nariyan ang launch ng mga bagong designs ng Particles and Molecules. Magkakaroon siyempre ng fashion show to be participated in by the top models of the country. Ipakikilala rin sa public ang ilan pang-teen endorser ng produkto like Chubi del Rosario, Melissa Martinez at Shaina Magdayao.

Magkakaroon din ng tribute para kay Rico Yan, ang dating image model ng Molecules. Kasabay ng pagpapakilala kay Marvin Agustin bilang bagong model. Higit sa lahat, ito ang first public appearance ni Claudine Barretto mula nang maganap ang sigalot sa kanyang buhay pag-ibig. Dito ay ipakikita ng management ng Particles and Molecules ang kanilang buong suporta kay Claudine.

Inaasahan ang pagdalo ng almost 200 guests mula sa fashion world, advertising at sa media. Ang inyong lingkod at si Rikka Dylim ang maghu-host ng question-and-answer (presscon proper).

Ang kaibigan naming si Dino Medina ang punong abala sa big event na ito.
*****
Si Piolo Pascual ang inaasahang pinakamalaking male attraction sa Manila Film Festival sa June. Bukod kina Sharon Cuneta at Judy Ann Santos (na mayroon ding entry sa festival), si Piolo ang isa sa mga dahilan kung bakit siguradong magiging matagumpay ang festival. Inaasahan ang participation ni Piolo sa iba’t ibang activities ng festival like santacruzan, motorcade at iba pa.

Si Piolo ang bida sa pelikulang I Think I’m In Love opposite Joyce Jimenez. Ito ‘yung dating Sweetheart na dinirek ni Maryo J. delos Reyes for Regal Films. Ang premyadong scriptwriter na si Jun Lana ang sumulat ng script ng movie.

Gauging the reaction ng mga nakita na ang rushes ng movie, mukhang kikita ang movie. "Hindi mabigat ang movie. Feel good na talagang lalabas ka na may ngiti sa labi. I think ‘yun ang gusto ng tao ngayon, after Got 2 Believe. Plus the fact na talagang ang guwapo-guwapo at ang husay ni Piolo sa movie," kuwento sa amin ni Tita Dolor Guevarra.

Ang director ng Bakit’ Di Totohanin na si Boots Plata ang inatasan ni Mrs Lily Monteverde na gumawa ng trailer ng I Think I’m In Love. Knowing Boots Plata, alam nito ang kiliti ng publiko as proven sa kinita ng Bakit ‘Di Totohanin.

Dahil walang entry ang Star Cinema sa Manila Film Festival ngayong taon, buo ang kanilang suporta sa movie nina Piolo at Joyce. Eh, kasi artista naman nila sina Piolo at Joyce sa dalawang certified hit movies nila like Bakit ‘Di Totohanin at Narinig Mo Na Ba Ang L8st? opposite Aga Muhlach naman.

BAKIT

BOOTS PLATA

CLAUDINE BARRETTO

DI TOTOHANIN

I THINK I

IN LOVE

ONEMIG

PARTICLES AND MOLECULES

PIOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with