^

PSN Showbiz

P.5M, ibibigay sa pinakamagandang pelikula buwan-buwan

- Veronica R. Samio -
Para mas lalong ma-encourage ang mga film makers na gumawa ng mga de kalidad na pelikula at para rin mabigyan ng trabaho ang mga manggagawa sa industriya ng pelikula, magbibigay ang Metro Manila Film Festival-Philippines 2002 ng parangal sa mapipiling PGMA Picture of the Month bukod pa sa mga awards na ibinibigay sa panahon ng festival. Ang mananalong pelikula ay pipiliin ng isang Screening committee mula sa tatlong first run local films na ipinalalabas buwan-buwan.

Magsisimula ang pagpili sa Hulyo 2002 hanggang Disyembre 24, 2002 at may premyong P500,000 na matatanggap ang producer ng mapipiling movie. Ang seven final entries na mapipili para sa Metro Manila Film Festival ay hindi makakasali rito.

Ang Metro Manila Film Festival-Philippines 2002 ay extended na sa ilang pangunahing lungsod sa bansa, gaya ng Davao at Cebu. Katulad nang filmfest sa Maynila na sinisimulan ng isang Parade of Stars na ginaganap sa bisperas ng Pasko, magkakaroon din ng parada ng mga artista sa dalawang nasabing lungsod, Disyembre 20 para sa Metro Davao at Disyembre 22 sa Metro Cebu.

Inaasahan na makatatayo na ang industriya ng pelikula sa napaka-garbong plano na ito para sa darating na MMFF.

Hindi mapasusubalian na halos wala nang hininga ang industriya na patuloy pa ring pinapatay ng mga film pirates. Bagaman at naa-absorb ang maraming artista ng mga TV networks, marami pa ring manggagawa ang naiiwang walang source of income.

Let us hope na sa ganda ng incentives na ipinagkakaloob ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay muling mabigyan ng isa pang pagkakataon ang industriya na makagawa ng mas magaganda pang pelikula, kung ang kawalan nga ng quality-produced movies ang dahilan ng kamatayan ng idustriya ng pelikula.
*****
Tama lamang ang desisyon ng mga namumuno ng Nestea Beach Volley University Championships na lagyan ng mga showbiz personalities ang kasalukuyang ginaganap na sports event sa sand court ng La Salle Greenhills. Mas naging exciting ang games at mas tumawag ng pansin ng mas maraming manonood.

Okay na sa manonood kahit dadalawang teams lamang ang naglaban nung Abril 13. Napatunayan nila na bukod sa pag-arte ay may aktibong lifestyle ang mga artistang kalahok, naglalaro talaga at katulad ng pag-arte na masaya nilang ginagampanan, excited din silang players.

Ang white team ay pinangunahan ni Hans Montenegro ng programang Unang Hirit. Varsity volleyball player siya sa high school. Teammates niya sina Angela Velez ng Magandang Tanghali Bayan, isa ring varsity volleyball player nung college, ang model-actress na si Wilma Doesnt, ang matinee idol na si James Blanco at si Beth Tamayo, beterano ng Star Olympics sa ganito ring laro.

Kalaban nila ang blue team na lider naman si Marc Nelson ng Sports Unlimited. Kakampi niya ang sports caster na si Anthony Suntay, ang Bb. Pilipinas Universe na si Nina Ricci Alagao na bago sumali ay nakapag-workout pa sa gym, ang malapit nang maging piloto at sexy actress na si Isabel Granada at ang komedyanteng si John Lapuz.

Tinalo ng blue team and white team.

Gaganapin ang National Finals ng 6th Nestea Beach Volley University Championships sa Boracay sa Mayo 11 at 12.
*****
Kahapon nagbayad ako ng first sem tuition fee ng anak ko. Napakalaking halaga! I was told simula na ito ng mas malaki pang gastos because my daughter is in her first year in medicine proper. Bigla, naisip ko, bakit nga pala hindi ko na siya dependent? Sana man lamang makabawas ang malaking gastos ko sa kanya sa tax na binabayaran namin sa gobyerno. Siya at ang kapatid niya ay hindi na mga menor kaya, hindi na namin pwedeng i-declare na mag-asawa pero, sa amin pa rin sila umaasa dahil nag-aaral pa rin sila. Yung kuya niya is scouting for another course in computer. At habang wala pang asawa eh, sa amin pa naman nakaasa. Whatever extra na kitain niya, iniipon niya para naman kapag naisip niya na mag-asawa, may ipon na siya.

Napakalaki ng tax na ibinabayad namin sa gobyerno eh, karaniwang manggagawa lamang kami. It will take my daughter another four or five years bago siya makatapos ng pag-aaral pero dahil lamang sa hindi na siya menor de edad kung kaya hindi namin siya pwedeng i-declare na tax deductible.

Sana rin ay bigyan pansin ng mga namumuno sa ating bayan ang mga kasong katulad ng sa akin. I’m sure hindi ako nag-iisang magulang na may dependent pang anak for her education kahit nasa hustong gulang na.

vuukle comment

ANGELA VELEZ

ANTHONY SUNTAY

BETH TAMAYO

DISYEMBRE

HANS MONTENEGRO

METRO MANILA FILM FESTIVAL-PHILIPPINES

NESTEA BEACH VOLLEY UNIVERSITY CHAMPIONSHIPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with