^

PSN Showbiz

Lea Salonga, interesado kay Binoe!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Kung may isang actor man na gustong makasama sa pelikula ang international stage actress and singer na si Lea Salonga if ever na magkaroon siya ng time na gumawa ng pelikula sa bansa, si Robin Padilla ang pipiliin niyang leading man. That’s right folks, mismong publicist ni Lea ang nag-inform nito kay Robin. Minsan daw kasi ay tinanong nila si Lea kung sino ang okey sa kanyang leading man at pangalan daw ni Robin ang sinabi ni Lea. Kaya nang sabihin nga kay Robin ang tungkol dito, medyo na-shock siya. "Talaga, may kilala pa ba siyang Filipino actor?"

Anyway, kung may isa namang lugar na gustong puntahan si Robin kasama ang mga anak niya, ‘yun ang Europe. "Gusto kong ma-educate ako at ang mga anak ko," he said. Hindi pa kasi siya nakapunta sa nasabing bansa.

In any case, walang kahit anong action scene si Robin sa Videoke King opposite Pops Fernandez. "Ni isang stunt wala ako rito. Talagang ibang-iba ito sa mga nauna kong pelikula," he said.

Pero wala siyang choice dito kundi kumanta. Ang shocking daw dito, according to my source na naka-trabaho ng actor sa recording for the original soundtrack of the movie, lumabas pang mas magaling na singer si Robin kesa kay Pops. Ayon sa isang insider kung saan nag-record ang dalawa, pakiramdam nila mas professional singer si Robin at may hidden talent pala ito sa singing. Mismong si Robin na kasi ang nagsabi na pinakinggan muna niya ‘yung mga kakantahin niya bago siya nag-recording at every morning siya nagpa-practice. Well, siguro ‘yun ang reason kung bakit lumabas na parang mas magaling na singer si Robin kay Pops.

Kaya hindi siguro nakaka-shock kung one of these days, mag-isip na rin ang Star Records na gawan siya ng sariling album. Kung si Cesar Montano nga may album sa kanila.

At any rate, Videoke King is under the direction of Jerry Sineneng for Star Cinema and set to kick off on May 1, Labor Day.
*****
Hindi n’yo dapat ma-miss ang Snow Dogs starring Cuba Gooding Jr. Aside from nakakatawa ang pelikula, Filipina ang leading lady ni Cuba named Joanna Bacalso na ipinanganak sa bansa.

Joanna is Barb in Snow Dogs na love interest ni Cuba sa on-line reports, Joanna previously appeared in Bedazzled and Dude, Where’s My Car? Her television credits include guest-starring appearances on the series: Kung Fu, La Femme Nikita,Veronica’s Closet and Wish You Were Here. Bacalso also played a recurring role on the CBS series The District and a multiple-episode supporting lead role on the series Ally McBeal.

Ayon pa sa on-line report, nag-start si Joanna bilang model bago siya naka-penetrate sa film and television. Her modeling work included both print and runway, from Miami to Milan, for clients ranging from Tommy Hilfiger to Banana Republic.

Ginawa niya ang film debut niya sa Orion Pictures - Car 54, Where Are You? with Rosie O’Donnell, Fran Drescher and David Johannson. Originally from Toronto, Bacalso now resides in Los Angeles.

Narito ang ilan pa sa mga guest starring roles niya -- Son of the Beach (2001); The District - (2000); PSI Factor: Chronicles of the Paranormal (1999); The Jamie Fox Show (1998); Forever Knight (1995).

Sa isang on-line article ni Louis Hobson entitled ‘Exotic look opens doors,’ na-mention na naghahanap ang Walt Disney ng isang hindi kilalang ethnic actress kaya siya nakuha for the movie na grabeng nakakatuwa. "A lot of doors are opening for ethnic actors. When they were casting for Snow Dogs, Disney actually stated they were looking for an unknown ethnic actress."

Married na si Joanna sa model na si Matthew Garel. Four years ago nang mag-move sila sa LA.

Kapapanganak lang ni Joanna last March ng first baby nila ni Matthew. Pero may 13-year-old son ang Hollywood actress sa kanyang previous relationship.

"Matthew and I really miss Toronto because we have a core of friends there as well as our families. I wish we could move back, but it’s better for my career to be in Hollywood."

Buti pa si Joanna walang publicity dito ‘yun pala malaki na ang pangalan sa Hollywood. Compared naman sa iba nating actresses na nagsasabing may career na sila sa Hollywood pero ang ending bumabalik naman sa bansa para dito na lang mag-trabaho.
*****
Isa ang Odyssey Music stores nationwide na sumusuporta sa programang Call 117 ng DILG, Local Government, Philippine National Police at Foundation for Crime Prevention. "We’re in the best position to help in substantially promoting this program among our clients, particularly the young music audience," sabi ni Robert Jay Fonacier, president ng Odyssey Music.

Dinagdag pa ni Fonacier na ang Odyssey bilang entertainment destination ay matatagpuan sa major urban centers nationwide - meron silang halos over 60 record outlets. "We deal in records, which is mainly entertainment and those who come to our stores are mostly the young crowd who are into all kinds of music, and I imagine that we provide the Call 117 program an effecient venue for teaching the young people," patuloy ng president ng Odyssey.

Ang batang Fonacier, na pumalit sa kanyang ama na si Dakila Ponacier, former BIR Commissioner sa pamamahala sa Odyssey two years ago ay nagsabi na nakikiisa siya sa malasakit ng kanyang ama para maging aware ang mga kabataan sa nangyayari sa paligid. "Being the biggest music retailer in the country, my father had always wanted Odyssey to participate and support in community activities where Odyssey outlets are located. Bahagi kami ng community and we share the community’s concerns."

Ayon sa marketing manager ng nasabing music store na si Ms. Emily Rose Boaquina, nagiging favorite tambayan ang Odyssey sa mga malls as in mas dumarami ang nagpupunta sa mga Odyssey stores. Ang company na nanatili sa kanilang leadership sa music retail business through the years ay nakatakdang mag-celebrate ng kanilang 25th anniversary sa August.

"Ito ay sa kabila ng impact ng CD and video piracy sa bansa. As they say, matira ang matibay. Ito rin ang reason kung bakit gusto naming tumulong para mapanatili ang peace and order in the community, so people can enjoy and continue to move freely with the feeling of security."

Anyway, ang Call 117 na inilunsad last September ay inaasahan ang mga kababayan natin para i-report ang krimen na kanilang nakikita o nalalaman.
*****
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected] o [email protected]

AYON

JOANNA

KUNG

ODYSSEY

ODYSSEY MUSIC

ROBIN

SIYA

SNOW DOGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with