^

PSN Showbiz

Angelika, gusto ring maging Darna

-
Nagpakita ng interes si Angelika dela Cruz na gawin rin ang Darna sa taping ng kanyang Ikaw Lamang Ang Mamahalin. Kahit noon pa napapabalitang gagawin ito nina Judy Ann Santos o Jolina Magdangal, hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na mapunta sa kanya ang naturang komiks karakter dahil naniniwala siya na sa showbiz ay walang kasiguruhan ang lahat. Kahit na iyong nasa harap ka na ng kamera, huwag pasisiguro dahil puwedeng masilat sa iyo ang iyong papel o pelikula.

Ayon pa rin sa aktres, nakahanda siyang isuot ang sexy costume ni Darna at kailanman, hindi niya ito ituturing na malaswa. "Bakit naman aayawan ko iyong costume ni Darna eh talagang ganoon iyon ka-sexy. Wala akong nakitang malaswa doon and I’m very willing to wear it.

"Carry ko naman ah, Pintados ‘ata ako!"

As of presstime, malaki ang posibilidad na kay Angelika maibigay ang naturang komiks karakter lalo na siguro kung i-request ito ng aktres sa big boss ng Viva.

Kung mananatiling nasa ABS-CBN si Jolina, tiyak na gagawa ito ng pang-Metro Manila Film Festival na may pagka-Sa Puso Ng Pasko ang dating. Posible namang gawin ni Judy Ann ang isang pelikulang pagtatambalan nila ni Piolo na may temang pantasya rin.

So, para kanino si Darna? Napapanahon ba ang paglipad niya ngayong Kapaskuhan? O hanggang press release lang muna siya? (Ulat ni Alex Datu)

ALEX DATU

ANGELIKA

DARNA

IKAW LAMANG ANG MAMAHALIN

JOLINA MAGDANGAL

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

KAHIT

METRO MANILA FILM FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with