Hindi overnight sensation si Kyla
April 21, 2002 | 12:00am
Matagal nang kumakanta si Kyla, ang pinagkalooban ng award sa taong ito ng MTV Pilipinas ng Best New Artist at Best Video Awards. Kundi pa sa dalawang nabanggit na awards, baka hanggang ngayon ay nangangapa pa sa dilim ang tinatayang magiging isang malaking diva sa hinaharap.
With the release of Gary Valenciano "One2One" na kung saan magkasama nilang inawit ang naunang hit ni Jose Mari Chan na pinamagatang "Can We Stop And Talk A While." Bago ito tumunog na ang pangalan ni Kyla sa mundo ng recording sa pagbulusok ng "Hanggang Ngayon" at "I Feel For You".
Nakatakda siyang mas sumikat pa sa pamamagitan ng dalawang gabing konsyerto na pinamagatang Emotions at prodyus ng MDM Productions.
Matagumpay ang unang gabi na ginanap nung Abril 16 na kung saan ay nakasama niya sina Rey Kilay at ang grupong Synch O.
Sa Abril 30, ibabalik siya ng MDM sa concert stage, sa Ratsky Morato. Naroroon muli si Rey Kilay para bigyan siya ng suporta, at si Willie Revillame.
Kakaunti ang nakakaalam na galing ng Thats Entertainment si Kyla. Kabilang siya sa Wednesday group. Iba lamang ang pangalang ginagamit niya nun. Hindi siya isang overnight sensation na gaya ng akala ng marami. Dumaan din siya, so to speak, sa butas ng karayom para niya nakamtan ang tagumpay.
Bago man lamang lumagay sa tahimik ang bise gobernador ng Pampanga na si Mikey Arroyo ay sinabi nito na inaasikaso niya ang pagpapalabas ng P700 milyong pondo para sa pagpapatupad ng mga proyektong imprastraktura sa kanilang probinsya. Kasabay nito ang paghahayag niya ng kanyang mga nagawa (accomplishment report) sa mga kababayan niya na nataon sa kanyang ika-34 na kaarawan sa Abril 26 at ang kanyang unang taong anibersaryo bilang bise gobernador.
Habang wala siyang ginagawa pang pelikula, abala si Mikey sa pinamumunuan niyang Mikey Against Poverty (MAP) at ang muling operasyon ng Diosdado Macapagal International Airport sa Clark. Sinabi ni Mikey na ang lahat ng kanyang mga proyekto ay may mithiing mapabuti ang kabuhayan ng kanyang mga kababayan sa Pampanga.
With the release of Gary Valenciano "One2One" na kung saan magkasama nilang inawit ang naunang hit ni Jose Mari Chan na pinamagatang "Can We Stop And Talk A While." Bago ito tumunog na ang pangalan ni Kyla sa mundo ng recording sa pagbulusok ng "Hanggang Ngayon" at "I Feel For You".
Nakatakda siyang mas sumikat pa sa pamamagitan ng dalawang gabing konsyerto na pinamagatang Emotions at prodyus ng MDM Productions.
Matagumpay ang unang gabi na ginanap nung Abril 16 na kung saan ay nakasama niya sina Rey Kilay at ang grupong Synch O.
Sa Abril 30, ibabalik siya ng MDM sa concert stage, sa Ratsky Morato. Naroroon muli si Rey Kilay para bigyan siya ng suporta, at si Willie Revillame.
Kakaunti ang nakakaalam na galing ng Thats Entertainment si Kyla. Kabilang siya sa Wednesday group. Iba lamang ang pangalang ginagamit niya nun. Hindi siya isang overnight sensation na gaya ng akala ng marami. Dumaan din siya, so to speak, sa butas ng karayom para niya nakamtan ang tagumpay.
Habang wala siyang ginagawa pang pelikula, abala si Mikey sa pinamumunuan niyang Mikey Against Poverty (MAP) at ang muling operasyon ng Diosdado Macapagal International Airport sa Clark. Sinabi ni Mikey na ang lahat ng kanyang mga proyekto ay may mithiing mapabuti ang kabuhayan ng kanyang mga kababayan sa Pampanga.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended