^

PSN Showbiz

Irene Enriquez pasisikatin ng World Arts Cinema

-
Kahit magiging busy this year sa paggawa ng pelikula ang newcomer na si Irene Enriquez, di pa rin niya pababayaan ang kanyang studies at singing career. This month ay nakatakda siyang mag-enroll sa La Salle (Taft). Bale Masscom ang kukunin niyang kurso major in broadcasting. Isa rin kasi sa dream ni Irene ang maka-penetrate sa TV newscasting pagka-graduate niya ng kolehiyo.

At bilang paghahanda sa kanyang first album, everyday ang voice lesson ng dalaga sa Center for Pop Music ni Mr. Butch Albarracin. May plano siyang kunin ang serbisyo ng isa sa miyembro ng The CompanY na si Ms. Annie para maging personal voice coach.

Kapag nabuo na ang album ni Irene, tiyak na pag-uusapan ito. Samantala, instead of Snake Sisters 2 ni Direk Celso Ad Castillo ang unang gagawing pelikula ni Irene sa kanyang mother studio, ang World Arts Cinema na pag-aari ni Ms. Jojo Galang, mauunang isasabak ang magandang newcomer sa trilogy movie na idi-direk ni Maryo J. Delos Reyes. Importanteng role ang gagampanan niya sa second episode ng naturang movie. Kasama rin si Irene sa movie na idi-direk naman nina Peque Gallaga at Joel Lamangan. Nag pa- hayag si Ms. Jojo Galang na susuportahan niya ng husto si Irene hanggang sa sumikat ito. — PL

BALE MASSCOM

BUTCH ALBARRACIN

CELSO AD CASTILLO

DELOS REYES

IRENE ENRIQUEZ

JOEL LAMANGAN

JOJO GALANG

LA SALLE

MARYO J

MS. JOJO GALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with