^

PSN Showbiz

Dawn, nagbuburda na lang!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
"They are popular, but we chose them not so much for their fame, they are real role models for the youth," said Ricco Ocampo, president ng Astoria Group of Companies matapos nilang piliin sina Donita Rose and Jericho Rosales as endorser ng i2i eyewear. He added, "We interviewed a lot of people, but Donita and Jericho were the best choice because of who they are inside."

Sa nasabing presscon lang for the first time nagkita ang dalawa. "Guwapo pala niya (referring to Jericho) in person," Donita whispered nang dumating ang actor before 12:00 sa presscon held at Kitchen Restaurant in Megamall Strip.

Actually, kinikilig si Donita kay Jericho. In fact, willing siyang gumawa ng movie with Jericho in case na may magandang project. Admitted naman si Jericho na mas sexy in person si Donita although everytime na makikita niya sa magazine ang picture ng MTV veejay, gandang-ganda na siya.

Pero kahit kinikilig siya kay Jericho, may ibang crush si Donita, named Eric na naka-based sa San Francisco. "Crush pa lang," she averred.

Matagal-tagal na ring loveless si Donita since mag-split sila ng Singaporean boyfriend niya.

Anyway, pumunta lang dito si Donita for the said presscon. In fact, 4:00 p.m. that same day, umalis din siya pabalik ng Singapore.

Busy day for her ang Monday. Pero pagdating ng Thursday afternoon, available na siya up to Sunday. ‘Yun ang panahon na nandito siya sa bansa para naman i-fullfill ang mga commitment niya rito. In case naman na gusto niyang mag-rest on that particular days, pinapa-cancel niya sa Genesis ang mga commitment niya sa bansa para mag-rest na lang sa Singapore.

Anyway, si Donita ang sinasabing next to Sharon Cuneta kung commercial ang pag-uusapan. Aside from i2i, kaka-sign lang niya ng contract sa Fila Philippines as official endorser ng nasabing sporting goods.

Donita and Jericho have each signed a two-year contract sa i2i kung saan maga-appear sila sa print ads and billboards.
*****
Naiinip na raw si Dawn Zulueta na magkaanak. In fact, gusto na raw nitong mag-comeback sa showbiz in a good project and if the price is right. Ayon sa isang friend ni Dawn na nakausap ng actress lately, nabo-bore na raw si Dawn dahil gustung-gusto na niyang magkaanak sila ng asawang si Anton Lagdameo. Pero sad to say, hanggang ngayon ay hindi pa rin sila binibiyayaan ng Diyos. Ilan taon na rin naman kasi silang kasal kaya gusto na nilang magka-baby.

For the meantime, habang naghihintay ang actress na magbuntis, pinagkakaabalahan nito ang pagbuburda. You read it right folks, "lahat nga raw ng pillow cases nila, bed sheets, table cloth, may burda na dahil naka-concentrate ang buhay niya ngayon sa pagiging plain housewife," my source revealed.

Pabalik-balik daw ng Manila-Davao and vice versa ang actress. Pag may taping daw si Dawn ng The Price is Right na napapanood sa ABC 5 pumupunta siya ng Maynila.

There was a time na na-rumor si Dawn na naging alcoholic siya dahil daw sa influence ng taong malalapit sa kanya.

Well, sayang naman kung magbuburda na lang ang isang magaling na artista na tulad ni Dawn Zulueta. Ito na siguro ang chance ng mga producer na bigyan ng magandang project si Dawn habang hindi pa siya nagbubuntis.
*****
Greatest fear ni Robin Padilla ang bumalik sa drugs. Hindi niya raw kasi kayang i-handle ang drugs na nangyari sa kanya noon. "May mga tao kasing kahit naka-drugs na, parang wala pa rin. Ako kasi pag may karga, iba na ang takbo ng buhay ko," he said after the presscon of Videoke King last tuesday over lunch.

During the time na lulong siya sa drugs, hindi na maalala ni Robin ang mga nangyari sa kanya. Kaya ngayon, kahit pain killer ayaw niyang uminom dahil sa takot.

Anyway, naka-schedule magpa-opera si Robin. May na-dislocate kasi siyang bone sa spinal at ini-advise ng doctor na magpa-opera siya. Kitang-kita sa likod niya ang nasabing buto na na-dislocate nang madulas siya CR ng Delgado Hospital nang ma-confine siya doon dahil sa LBM last April 3. "Di ba pag may LBM ka, manghihina ka? So ‘yun ang nangyari. Nagpunta ako sa CR, nadulas ako," he recalled.

Ayaw daw kasi niya ng may bantay kaya wala siyang kasama nang mangyari ang aksidente. "Hindi ko gusto ‘yung may nakabantay pa kasi iintindihin mo pa kung kumain na ba siya o kung okey ba siya," he added.

Grabeng sakit daw pero ayaw niya talagang mag-take ng pain reliever, tinitiis na lang niya lahat ng sakit.

Pero para sa actor, mas masakit pa rin niyang naramdaman niya nang masunog siya sa shooting ng Utol Kong Hoodlum 2 with Vina Morales. Hindi na nga lang niya ma-recall exactly kung anong naramdaman niya. Ang rason: high siya during that time sa drugs.

At any rate, excited si Robin sa Videoke King opposite Pops Fernandez dahil for the first time in his entire career, kumanta siya ng apat na beses sa pelikula.

The movie is under the direction of Jerry Sineneng for Star Cinema and set to kick off on May 1, Labor Day.
*****
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]

vuukle comment

DAWN ZULUETA

DONITA

DONITA AND JERICHO

JERICHO

LANG

NIYA

PERO

SIYA

VIDEOKE KING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with