^

PSN Showbiz

Tonton, Glydel ikakasal na ?

- Veronica R. Samio -
Ikakasal na nga ba sina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado sa susunod na buwan? May dalawang taon nang may relasyon ang dalawa at sa kabila ng maraming hiwalayan ngayon sa showbiz, going strong pa rin sila.

Sa isang panayam kay Tonton at maging kay Glydel, sinabi nilang napag-uusapan na rin nila ang kasal pero, hindi pa nila ito napapagplanuhan. Hindi pa pumapasok sa kanilang madaliang plano. If ever na dumating ito, hindi pa ngayon na pareho pa silang nagi-enjoy sa kanilang single blessedness and striking while the iron is hot. Baka raw kapag kasal na sila ay kumaunti ang alok. Ngayon na sila mag-iipon.

Pero may magaganap na kasalan sa dalawa sa Mayo 15, sa pelikula nilang Sana Totoo Na ng World Arts Cinema sa direksyon ni Armand Reyes. Kasama nila sa pelikula si Pyar Mirasol.

Pasado sa MTRCB ang ilang maseselang eksena sa pelikula. Lalo na yung "threesome" nina John Arcilla, ng isang starlet at ng kabit niyang direktor. Tatlo sa isang kama. Ilang beses ding nagbuyangyang ng kanyang boobs si Pyar.

Mayor sa isang lalawigan si Tonton. Si Glydel naman ay nagmemeari ng isang restoran, asawa ng isang bold starlet na si John Arcilla. Binubugbog ni John si Glydel kapag wala siyang makuhang trabaho. Si Pyar ay ampon ng mga magulang ni Tonton na may pagnanasa sa kanya.

Balitang maraming eksena sina Tonton at Pyar na ipinagselos nang husto ni Glydel. Kahit tapos na ang eksena ni Glydel ay hindi ito umuuwi at sa halip ay hinihintay na makatapos si Tonton.
*****
Inamin ni Robin Padilla na nahirapan siyang gawin ang kanyang maaksyong eksena sa Videoke King sapagkat kailangang makita rito na bano siya sa pakikipag-away. "Ang hirap pala kapag sanay ka nang sumusuntok sa pelikula at pagkatapos ay palalabasin mong hindi ka marunong. Mahirap talaga," ani Robin na gumawa ng fight scene na kasama si Victor Neri.

Pero, kumpara sa mga musical scenes niya, mas nahirapan si Robin na mapaghandaan ang kanyang pagiging isang mahilig kumanta. "Umagang umaga pa lamang ay kailangan ko nang mag-vocalize. Sumisigaw ako ng malakas at hanggang kaya ko. Nakita ko na talagang effective pala ito para tuluyang magising ang boses ko. Madali na lamang kumanta afterwards," kwento niya.

More than his singing and fighting, mas na-challenge si Robin sa pagganap sa kanyang role na aniya ay ibang-iba sa tunay niyang katauhan.

For the first time ay kapareha niya sa movie ang itinuturing niyang isang matalik na kaibigan, si Pops Fernandez sa direksyon ni Jerry Sineneng.
*****
Nakapag-bayad na ba kayo ng inyong buwis, nakapag-file ng income tax returns? Sa laki ng tax na ibinabayad naming mag-asawa sa gobyerno, nakalulungkot na pati ang napakaliit na naipon namin sa bangko ay kinukunan pa rin ng tax. At wala yata tayong binibili na walang VAT?

Last year mahigit sa 40,000 ang kinita ng kaunting pera namin sa bangko pero, this year, bakit bumaba ng napakalaking halaga ang naging interes nito? From 40 thousand to four thousand lamang. Nang tanungin namin ang mga taga-bangko kung bakit ganito, ganun daw talaga dahil bumaba ang interes ng aming pera. Nakakainis dahil hindi naman kumonti ang ipon, lumaki pa nga ng bahagya. NAPAKA-UNFAIR !!!. Di bale sana kung bumabalik sa atin ang mga buwis, in the form of services mula sa ating mga opisyal ng gobyerno, pulis at kung magaganda ang mga kalsada natin. Kaso, di naman, di ba?

Minsan ngang muntik masunog ang bahay ko, napakatagal bago rumesponde ang mga pulis at bumbero. At hindi na tayo ligtas sa mga magnanakaw, holdaper, snatcher at mga aksidente na gawa ng mga sirang kalsada.

Ngayon, magtatas na naman daw ng singil ang Meralco at Nawasa. Bakit, eh ang dalas ng brown out at water cut off nang walang babala?

Madam President at mga halal na opisyal ng bayan, asikasuhin n’yo naman kami, dahil patuloy ang paghihirap namin.

ARMAND REYES

GLYDEL

GLYDEL MERCADO

ISANG

JERRY SINENENG

JOHN ARCILLA

TONTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with