Nakakatakot pag walang make-up!
April 16, 2002 | 12:00am
Tawa ako nang tawa sa kwento ng isang kaibigan tungkol sa kontrobersyal na hairdresser na ito na na-link din sa ilang nakababatang character actor kahit may edad na siya.
One time raw ay dumalo ito ng sosyalan na pang-showbiz sa mga showbiz gathering. Palaayos naman ito at laging naka-make-up dahil may parlor siya. Di sinasadya ay nagkrus ang landas nila ng isang baguhang bold actor at siyempre dahil loveless ay naging magiliw siya rito habang nagkukwentuhan at umiinom ng alak ang baguhang aktor.
Ayon sa aking source, nai-take home ng celebrity ang aktor at komo may kadiliman at lasing na ang ka-partner ay hindi niya alam ang kanyang ginagawa habang silay nasa sofa. Feeling siguro ng aktor ay magandang dalaga ang kanyang karomansa. Maya-maya ay inakay ng celebrity ang pasuray-suray na lasing na bold actor. Inihiga ito sa kama. Nagtungo ng banyo ang celebrity at naligo. Siyempre nabura na ang make-up nito. Umaatikabong romansahan ang nangyari at nang itaas ng baguhang bold actor ang kanyang mukha ay nagulat siya sa sex partner na tinamaan ng liwanag ng lampshade.
Ang ending biglang tumayo ang budding actor at nagbihis. Biglang nawala ang kalasingan nito nang makita ang itsura ng sex partner dahil hindi niya ma-take na maka-one night stand ito.
Ayon sa isang source ay original choice ng Siyete si Nora Aunor para sa isang major role ng bagong drama series kaya lang napunta ito kay Lorna Tolentino na hindi rin tinanggap ang offer dahil sa existing contract nito sa ABS-CBN. Ang role ay finally napunta kay Hilda Koronel sa Kung Mawawala Ka. Pumayag naman daw ang superstar at lahat ng kondisyones ay natupad kabilang na ang malaking talent fee na tatanggapin per taping. Pero hindi nakarating ang superstar during the signing of contract. Nakakapanghinayang tuloy ang offer!
Hindi na talaga maabot si Leonard Obal dahil sikat na sikat na siya. Katunayan, mabenta siya ngayon kahit sa malalaking hotel. Nakikipagsabayan na rin siya sa kanyang kaibigang si Allan K. Matagal din siyang naging sing-along master sa ibat ibang sing-along bars hanggang kuning maging host sa Lunchbreak ng MMG Entertainment.
Nakilala si Leonard dahil sa kanilang Si Nura at si Velma ni Allan K. at ipinalalabas na rin ito sa Klownz na pag-aari ni Allan K. Bihira ang nakakaalam na hindi lang pagpapatawa ang forte ni Leonard kundi gayundin ang pag-awit. First love niya ang singing. Mabenta sa audience ang Goryoyoy number ng komedyante kung saan ginagaya niya ang mga tinig nina Yoyoy Villame, Armida Siguion Reyna, Darius Razon, Atang dela Rama at Sylvia la Torre. Nagkaroon na rin ito ng sariling tatak sa mga tao. Natuto na ito ngayon na wag manggaya ng spiels ng ibang mga performer.
Maganda ang team-up nila ni Allan at nanatili silang mabuting magkaibigan. Pangarap din niya na makapagpatayo ng sariling sing-along. Di malayong matupad ito dahil propesyonal si Leonard at di nakakalimot sa Itaas. Maganda rin siyang makisama kaya maraming kaibigan sa showbiz.
Napanood ko ang pilot episode ng NBI Files sa Channel 9 noong Martes at nagustuhan ko ang programa-maaksyon itong dramatization ng mga actual cases na nalulutas ng NBI. Marami ring matutunan sa ibat ibang segment gaya ng law enforcement techniques at technologies na ang nagpapaliwanag ay ang mga eksperto ng NBI. Sa isang segment ay marami akong natutunan tungkol sa ecstacy na ipinaliwanag ni NBI Narcotics Head na si Atty. Ruel Lasala.
Hinihikayat din ang publiko na makapagbigay ng mga impormasyon tungkol sa krimen at mga kriminal sa pamamagitan ng NBI Files Crime Line.
Ang bagong programa na mapapanood tuwing Martes 11-12 ng gabi ay mula sa produksyon ng NBI Retirees at Ex-employees Association sa pakikipagtulungan sa Solar Entertainment sa pamumuno nina NBI Director General Reynaldo Wycoco at Mr. Wilson Tieng sa direksyon ni Albert Cortez. Ang NBI Files ay prodyus din ni Mike Magpayo kasama ang ilang taga-NBI bilang Associate Producers.
One time raw ay dumalo ito ng sosyalan na pang-showbiz sa mga showbiz gathering. Palaayos naman ito at laging naka-make-up dahil may parlor siya. Di sinasadya ay nagkrus ang landas nila ng isang baguhang bold actor at siyempre dahil loveless ay naging magiliw siya rito habang nagkukwentuhan at umiinom ng alak ang baguhang aktor.
Ayon sa aking source, nai-take home ng celebrity ang aktor at komo may kadiliman at lasing na ang ka-partner ay hindi niya alam ang kanyang ginagawa habang silay nasa sofa. Feeling siguro ng aktor ay magandang dalaga ang kanyang karomansa. Maya-maya ay inakay ng celebrity ang pasuray-suray na lasing na bold actor. Inihiga ito sa kama. Nagtungo ng banyo ang celebrity at naligo. Siyempre nabura na ang make-up nito. Umaatikabong romansahan ang nangyari at nang itaas ng baguhang bold actor ang kanyang mukha ay nagulat siya sa sex partner na tinamaan ng liwanag ng lampshade.
Ang ending biglang tumayo ang budding actor at nagbihis. Biglang nawala ang kalasingan nito nang makita ang itsura ng sex partner dahil hindi niya ma-take na maka-one night stand ito.
Nakilala si Leonard dahil sa kanilang Si Nura at si Velma ni Allan K. at ipinalalabas na rin ito sa Klownz na pag-aari ni Allan K. Bihira ang nakakaalam na hindi lang pagpapatawa ang forte ni Leonard kundi gayundin ang pag-awit. First love niya ang singing. Mabenta sa audience ang Goryoyoy number ng komedyante kung saan ginagaya niya ang mga tinig nina Yoyoy Villame, Armida Siguion Reyna, Darius Razon, Atang dela Rama at Sylvia la Torre. Nagkaroon na rin ito ng sariling tatak sa mga tao. Natuto na ito ngayon na wag manggaya ng spiels ng ibang mga performer.
Maganda ang team-up nila ni Allan at nanatili silang mabuting magkaibigan. Pangarap din niya na makapagpatayo ng sariling sing-along. Di malayong matupad ito dahil propesyonal si Leonard at di nakakalimot sa Itaas. Maganda rin siyang makisama kaya maraming kaibigan sa showbiz.
Hinihikayat din ang publiko na makapagbigay ng mga impormasyon tungkol sa krimen at mga kriminal sa pamamagitan ng NBI Files Crime Line.
Ang bagong programa na mapapanood tuwing Martes 11-12 ng gabi ay mula sa produksyon ng NBI Retirees at Ex-employees Association sa pakikipagtulungan sa Solar Entertainment sa pamumuno nina NBI Director General Reynaldo Wycoco at Mr. Wilson Tieng sa direksyon ni Albert Cortez. Ang NBI Files ay prodyus din ni Mike Magpayo kasama ang ilang taga-NBI bilang Associate Producers.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended