^

PSN Showbiz

Donita, kinikilig kay Jericho

- Veronica R. Samio -
Marami ang nakapuna na nung launching ng i2i sa kainang may pangalang Kitchen na matatagpuan sa Strip ng Megamall ay kilig na kilig si Donita Rose kapag nababanggit ang pangalan ni Jericho Rosales, na katulad niya ay endorser din ng nasabing brand ng eyewear for two years. Kahit pa ulit-ulitin sa kanya na mayroon nang Kristine Hermosa sa buhay si Jericho ay hindi dahilan para mabawasan ang interes niya sa binata.

"I won’t steal him from her. It’s just that it excites me to be endorsing a product with him. Ang guwapo niya, ang galing pang umarte," sabi niya.

Also, it doesn’t discourage her a bit na may limang taon ang tanda niya sa binata dahil sabi niya ay wala sa edad ang maturity ng isang lalaki. Nasa attitude niya ito, kung paano niya hinaharap ang buhay. And she thinks na mature na si Jericho sa ganitong pamantayan. She would welcome a movie with him.

Sa totoo lang kahit na napaka-hectic ng schedule ni Donita bilang MTV veejay, umuwi siya ng Pilipinas para lamang dumalo sa nasabing presscon. Umalis din siya kinahapunan para bumalik ng Singapore. Babalik siya para sa May 5 launching/fans day ng i2i sa Glorietta Activity Center. Napapanood siya regularly sa MTV Most Wanted, MTV Asia Hitlist, MTV Jams, MTV Fresh, MTV Non Stop Hits, MTV Hang Out at MTV Select.

Kahit na nasa Singapore siya ay nagagawa niyang mamintina ang kanyang career dito sa pamamagitan ng mahusay na pangangasiwa sa kanya ni Angeli Pangilinan-Valenciano ng Manila Genesis Entertainment and Management, Inc. Huli siyang napanood sa Hesus Rebolusyonaryo kasama si Mark Anthony Fernandez. Mapapanood siyang muli sa Nine Mornings kasama si Piolo Pascual.

Hindi naman pahuhuli ang career ni Jericho na napiling Best Young Actor ng Parangal Ng Bayan at Prince of Philippine Movies ng Guillermo Mendoza Memorial Awards.

Huli siyang napanood sa Bagong Buwan na kung saan ay tumanggap siya ng maraming nominasyon bilang Best Supporting Actor.
*****
Sa dami ng malalaking artista na pumupunta ng TV, hindi malayong di na makaahon ang pelikulang lokal sa kanyang kinalugmukan. Sino pa nga naman ang pupunta pa ng sinehan para lamang malagay sa panganib ang buhay sa panahong ito na usung-uso ang kaguluhan na dulot ng mga taong gustong magkaroon ng kapangyarihan. Di man pumuputok ang mga bombang natatagpuan sa maraming lugar sapat nang pagkatakutan ito ng maraming tao na maaaring magdulot ng kaguluhan at mauwi sa kapahamakan para sa marami. Manatili ka na lamang ng bahay at sa pamamagitan ng isa o dalawang pelikula o panonood lamang ng mga palabas sa Cable stations at kaunting meryenda ay masaya na ang weekend n’yong mag-anak. Nakatipid ka pa ng malaki.

This is the reason kung bakit matagumpay ang negosyo ng piracy dito sa bansa. Ekonomiya ang dahilan. Nakakalungkot na maging ang negosyo ng mga video and tape rentals ay hindi mapigil ang pagbaba sa biglang pagdagsa sa bansa ng mga pirated tapes. Tatlo isang daan ang halaga ng pirated tapes. Kumpara sa sinehan na ang halaga na kinakailangan ng isang manonood ay hindi bababa ng P50. Paano kung kasama mo ang pamilya mo na marahil ang pinakamaliit na bilang ay apat? At ang kinakailangang gastos para sa baon sa sine, pagkain sa labas pagkatapos ng panonood. Nakapagtataka ba kung ang pamilya ay nananatili na lamang ng bahay o kaya ay naghahanap ng mga parke na kung saan ay pwede silang mamasyal na may dala-dalang kaunting mapagsasaluhan?

ANGELI PANGILINAN-VALENCIANO

ASIA HITLIST

BAGONG BUWAN

BEST SUPPORTING ACTOR

BEST YOUNG ACTOR

DONITA ROSE

GLORIETTA ACTIVITY CENTER

MTV

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with