Nora Aunor hanggang TV na lang
April 15, 2002 | 12:00am
Hindi na matutuloy ang planong major solo concert ng superstar na si Nora Aunor sa darating na May 18 sa Araneta Coliseum na magsisilbi sanang pre-birthday concert niya sa kanyang libu-libong mga tagahanga. Pero hindi dapat malungkot ang kanyang mga fans dahil simula sa Mayo 17 (Biyernes) sa ganap na alas-12:30 ng tanghali hanggang ala-1:30 ng hapon ay mapapanood na sa kauna-unahang pagkakataon ang kanyang public service TV program sa IBC-13 na pinamagatang N.O.R.A. Mismo kung saan niya magiging co-host ang broadcast journalist ng Naga City na si Jume Abejuela. N.O.R.A. stands for Ngayon Na Ang Oras ng Remedyo at Aksyon. Itoy ipo-produce ng Ace Entertainment at ididirek ni Nory Sayo.
Ayon kay Guy, matagal na niyang pangarap na magkaroon ng public service program at tatlong taon na nilang pinag-uusapan ang tungkol dito pero ngayon lamang maisasakatuparan.
Ang pagnanais niyang makatulong laluna sa mahihirap ang siyang nagbunsod na pasukin ni Guy ang pulitika pero sa kasamaang palad, hindi siya nanalo. Ayon na rin sa kanya, it will be her first and last try sa pulitika.
"Nagsimula ako sa mahirap. Bukod sa pagtitinda ng tubig sa riles ng tren, may mga pagkakataon na ipinag-iigib ko ng tubig ang kapitbahay namin at binibigyan naman ako ng diyes o sampung sentimo," kuwento ni Guy over lunch sa Dulcinea.
Samantala, ang ibat ibang segments ng programang N.O.R.A. Mismo ay ang "Pag-usapan Natin," "Bawal Pong Maglimos," "Problema Ba Yan," "Kaya Kong Magtrabaho," "Bata, Bata," "Wow-Inspirasyon," "Problema Mo, Lunas Ko," "Isa ang ating Planeta" at ang "Babae" na ang focus naman ay tungkol sa isyu ng mga kababaihan. Ang kanilang proteksyon at karapatan.
Sinabi ni Guy na mag-iikot sila sa mga bayan-bayan laluna sa mga depressed areas ng Pilipinas. At para naman hindi gaanong maging mabigat ang talakayan, magkakaroon din si Guy ng lingguhang MTV na ipapalabas sa programa.
Dahil sa pagkakaroon ni Guy ng isang public service program, may mga nagtanong tuloy kung tatalikuran na niya ang kanyang acting and singing career.
"Hinding-hindi ko puwedeng talikuran ang aking acting at singing career dahil bahagi na yon ng buhay ko. Itong public service program na sisimulan ko ay panibagong kabanata lamang ng aking buhay," aniya.
Sinabi rin ni Guy na balak din ng kanyang mga producer na muling i-revive ang kanyang mga nawalang TV shows, ang Superstar at Ang Makulay na Daigdig ni Nora.
Kababalik lang sa bansa ng Concert Queen na si Pops Fernandez last April 4 mula sa kanyang pagbabakasyon sa Amerika (for the Holy Week) kasama ang bunso niyang anak na si Ram para harapin ang kanyang Sunday noontime show sa ABS-CBN, ang ASAP at promo ng upcoming movie niya with Robin Padilla sa Star Cinema, ang Videoke King na dinirek ni Jerry Lopez Sineneng.
Although kilala si Robin sa pagiging lady killer, hindi ito nag-try na ligawan ang ex-wife ni Martin Nievera dahil magkaibigan sila kasama ang kapatid nitong si Rustom Padilla.
Marami silang kissing scenes ng dating bad boy ng local cinema and each time na magkakaroon sila ng kissing scene ay panay ang kanilang tawanan ni Robin.
"Kung tutuusin, mas mahirap maka-kissing scene ang taong kakilala at kaibigan mo na. Nakakailang," ani Pops.
Aminado din siyang masarap umanong katrabaho si Robin dahil napaka-thoughtful nito sa kanyang co-stars.
"Although kakilala at kaibigan ko na si Robin, noon ko lang siya lubos na nakilala nang husto. Marami akong na-discover na magaganda niyang qualities. Kaya pala madaling main-love sa kanya ang mga babae," kuwento pa ni Pops.
Posible bang ma-in love kay Robin ang isang Pops Fernandez?
"Madaling mahalin si Robin. But in may case, iba siguro dahil alam kong may asawa na siya," diin pa niya.
Samantala, habang nagbabakasyon si Pops sa Amerika, nagkita din umano sila roon ng kanyang ex-husband na si Martin. Since maganda ngayon ang relasyon ng ex-couple, willing si Pops na mag-guest sa programa ni Martin (Martin Late @Nite) para i-promote ang movie nila ni Robin.
Ayon kay Guy, matagal na niyang pangarap na magkaroon ng public service program at tatlong taon na nilang pinag-uusapan ang tungkol dito pero ngayon lamang maisasakatuparan.
Ang pagnanais niyang makatulong laluna sa mahihirap ang siyang nagbunsod na pasukin ni Guy ang pulitika pero sa kasamaang palad, hindi siya nanalo. Ayon na rin sa kanya, it will be her first and last try sa pulitika.
"Nagsimula ako sa mahirap. Bukod sa pagtitinda ng tubig sa riles ng tren, may mga pagkakataon na ipinag-iigib ko ng tubig ang kapitbahay namin at binibigyan naman ako ng diyes o sampung sentimo," kuwento ni Guy over lunch sa Dulcinea.
Samantala, ang ibat ibang segments ng programang N.O.R.A. Mismo ay ang "Pag-usapan Natin," "Bawal Pong Maglimos," "Problema Ba Yan," "Kaya Kong Magtrabaho," "Bata, Bata," "Wow-Inspirasyon," "Problema Mo, Lunas Ko," "Isa ang ating Planeta" at ang "Babae" na ang focus naman ay tungkol sa isyu ng mga kababaihan. Ang kanilang proteksyon at karapatan.
Sinabi ni Guy na mag-iikot sila sa mga bayan-bayan laluna sa mga depressed areas ng Pilipinas. At para naman hindi gaanong maging mabigat ang talakayan, magkakaroon din si Guy ng lingguhang MTV na ipapalabas sa programa.
Dahil sa pagkakaroon ni Guy ng isang public service program, may mga nagtanong tuloy kung tatalikuran na niya ang kanyang acting and singing career.
"Hinding-hindi ko puwedeng talikuran ang aking acting at singing career dahil bahagi na yon ng buhay ko. Itong public service program na sisimulan ko ay panibagong kabanata lamang ng aking buhay," aniya.
Sinabi rin ni Guy na balak din ng kanyang mga producer na muling i-revive ang kanyang mga nawalang TV shows, ang Superstar at Ang Makulay na Daigdig ni Nora.
Although kilala si Robin sa pagiging lady killer, hindi ito nag-try na ligawan ang ex-wife ni Martin Nievera dahil magkaibigan sila kasama ang kapatid nitong si Rustom Padilla.
Marami silang kissing scenes ng dating bad boy ng local cinema and each time na magkakaroon sila ng kissing scene ay panay ang kanilang tawanan ni Robin.
"Kung tutuusin, mas mahirap maka-kissing scene ang taong kakilala at kaibigan mo na. Nakakailang," ani Pops.
Aminado din siyang masarap umanong katrabaho si Robin dahil napaka-thoughtful nito sa kanyang co-stars.
"Although kakilala at kaibigan ko na si Robin, noon ko lang siya lubos na nakilala nang husto. Marami akong na-discover na magaganda niyang qualities. Kaya pala madaling main-love sa kanya ang mga babae," kuwento pa ni Pops.
Posible bang ma-in love kay Robin ang isang Pops Fernandez?
"Madaling mahalin si Robin. But in may case, iba siguro dahil alam kong may asawa na siya," diin pa niya.
Samantala, habang nagbabakasyon si Pops sa Amerika, nagkita din umano sila roon ng kanyang ex-husband na si Martin. Since maganda ngayon ang relasyon ng ex-couple, willing si Pops na mag-guest sa programa ni Martin (Martin Late @Nite) para i-promote ang movie nila ni Robin.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended