^

PSN Showbiz

Rosanna, dinisgrasya ang 'Startalk'

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Mula Lunes, inobserbahan ko ang aking mga kasama sa bahay, sabay ng umpisahan ang mahabang kadramahan sa GMA-7, from 6:30 to 9 p.m.! Napansin ko na kasapi na rin sila sa "Telebabad Brigade".

Bago pa mag-alas-6 nagmamadali silang tapusin ang mga trabahong bahay. Nagsasaing agad, nagluluto na o nag-iinit na ng ulam. Tapos, kakain na kahit before six p.m.

Yon pala manonood lang ng mga drama series ng Siyete mula 6:30 p.m.

Kahit sa mga beauty parlor, huwag kayong magtangkang magpagupit o magpaayos sa pagitan ng mga oras na nabanggit. Baka lang mabalbon o hindi lumabas na maganda ang gupit o ayos ninyo. Ang kaso kasi kahit bakla o babae ang mga beauticians, tutok sa TV kahit may inaasikasong costumer. Higit na nasa pinanonood ang concentration kaysa sa ginugupitan.

Minsan nga sa sarap ng panonood, hindi na napansin na sobrang sumadsad na sa likod ang buhok. Mantak naman ninyo ang listahan ng kanilang inaabangan–Marimar, Monica Brava, Ikaw Lang Ang Mamahalin, Sana Ay Ikaw Na Nga at ang pinaka-latest na Kung Mawawala Ka.

Mahilig talaga sa drama ang mga Pinoy kaya’t di katakataka kung sa iba’t ibang lugar ay nagsulputan na ang marami pang "Telebabad Brigades".
* * *
Maganda ang pagkakanta nina Karylle at Ogie Alcasid ng theme tune na Kung Mawawala Ka. Sabi nga ng mga fans ni Karylle, sana ay masama sa plaka ni Karylle ang magandang duet number na ito.

Aba maganda rin si Karylle sa music video ng Kung Mawawala Ka. Kaya sa ngayon ay marami nang naipon na magagandang video ng soap operas ang GMA na mula sa iba pang shows tulad ng Sana Ay Ikaw Na Nga at Ikaw Lang Ang Mamahalin. Isama pa rito ang galing sa Monica Brava, at iba pang natapos na teledrama ng Siyete. Maaari na silang maglabas ng isang collector’s item na VCD na tampok ang mga music videos mula sa mga drama series.
* * *
Marami ang nag-react kay Rosanna Roces sa kanyang walang prenong pahayag sa Startalk noong nakaraang Sabado.

Ako naman ay hindi na nagulat sa ginawa ng bold star. Unang-una, alam naman natin kung saan siya nanggaling. Hindi siya isang tunay na entertainment o broadcast journalist at maaaring hindi siya gaanong aware sa mga responsibilidad ng isang TV personality na tulad niya, kapag nasa ere na. Marahil ang tanging alam lamang niya ay sikat siya at hilig na maging controversial.

Higit sa sinabi niya tungkol sa yumaong si Rico Yan at mga kaibigan, mas nag-boomerang kay Osang ang pag-amin niyang "gumamit na rin ako niyang Ecstacy."

On the air na milyong kabataan ang nakapanood buong ningning pang sinabi niyang isa siyang user ng bawal na gamot. Tunay na hindi magandang influence ito sa viewers–bata man o matanda.

Noong unang isinalpak siya sa Startalk, ang pakiramdam ko para magkaroon ng isang novelty o seksing dekorasyon lamang sa show. Pero obvious na hindi talaga mawawala ang hilig niyang magpapansin o magpakontrobersyal kaya’t may hatid din siyang disgrasya sa palabas.

Tunay na makabubuti sa kanya na magbakasyon muna sa show o kaya’y tuluyan nang umalis dito.

Ito namang si Butch Francisco na kasama din sa show, ayaw na raw mag-Startalk kung wala na roon si Rosanna. Hindi ko alam na magka-loveteam pala sila!

Sa isang showbiz talk-show naman, kahit sino ang ilagay, basta’t tuloy ang mga fresh news and intrigues, papanoorin.

BUTCH FRANCISCO

IKAW LANG ANG MAMAHALIN

KARYLLE

KUNG MAWAWALA KA

MONICA BRAVA

SANA AY IKAW NA NGA

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with