JC Castro, may anak nang 5, pero walang planong mag-asawa
April 14, 2002 | 12:00am
Naniniwala si JC Castro, isa sa mga bida sa pelikula ng MMG Films na pinamagatang Masarap Ba Ang Bawal? na hindi pa siya established sa kanyang trabaho bilang artista kung kaya wala pa siyang plano na lumagay sa tahimik. Siguro kapag regular na ang kanyang assignments at ang mga negosyo niya ay matatag na ay maisipan niyang mag-asawa pero, habang hinihintay niya ang panahong ito, magpapatuloy siya sa paglabas sa mga pelikulang bold at seksi.
"Saka na, tutal may mga anak na naman ako na hindi naman umaasa ng sustento sa akin sapagkat may mga kaya naman ang ina nila. Bago pa ako nag-artista may anak na ko, kaya lamang lumitaw sila nang artista na ako. At bago ako magpakasal, makikipag-live in muna ako. Gusto ko talagang sigurado na kami. Ayaw ko agad na magpakasal dahil baka dumating ang araw na ma-realize namin pareho na hindi pala kami bagay, hindi compatible, mahihirapan na kaming maghiwalay," pagtatapat ni JC Castro.
"Pero, kung sakali man, kaya kong sustentuhan ang mga anak ko. Kumikita na naman kahit papaano ang bilyaran ko. Mayron din akong isang maliit na kantina. Nagdi-distribute din ako ng tuna at calamansi juice. Lahat ng pwedeng pagkakitaan, pinapasok ko, pati buy and sell," dagdag pa niya.
Inamin ni JC na mahilig siya sa mga babaeng may edad sa kanya. Katunayan, ang ina ng kanyang mga anak ay pawang mas matanda sa kanya.
Sa Masarap Ba Ang Bawal? isa siyang writer na nagkaroon ng affair sa asawa ng tiyuhin niya (Bob Soler).
Mayron silang eksena ni Pyar Mirasol na kung saan ay hubot hubad sila.
"Actually, ang mga kapareha ko ang talagang bold, hindi ako. Pinaka-bold ko na yung makita ang behind ko," sabi ni JC.
Mangiyak-ngiyak si Camille Roxas habang hinahanap ang kanyang cellfone na nawala during the presscon of her movie Masarap Ba Ang Bawal? para sa Sunlight Films ng Mateo Management Group of Companies (MMG). Ipinatong lamang niya ito sa mesa na kung saan ay kumakain ang maraming press at habang ini-interview nila siya ay pinaglalaruan pa niya ito. Matagal na silang nag-uusap nang mapuna niya na wala na ang cellfone. Hinanap niya ito at ipinagtanong pero, walang makapagsabi kung san ito napunta o kung mayron mang kumuha ay sino?
Ganito rin ang nangyari kay Aya Medel. Nawala rin ang cellfone niya sa presscon ng kanyang movie. Halos maiyak din siya sapagkat medyo may kamahalan ang telepono na ginagamit nilang mga artista.
Si Evelyn Mateo ng MMG ay minsan na ring nawalan ng cellfone sa isang presscon.
Sino kaya ang kumukuha (nagnanakaw?) ng mga telepono sa presscon na nagbibigay ng batik sa mga manunulat na siyang karamihang dumadalo sa mga ganitong pagkakataon? Isa rin kaya siyang myembro ng entertainment press o totoong magnanakaw na nakakasalisi sa mga ganitong pagkakataon?
Kasama ni Camille sa nasabing presscon ang mga co-stars niya sa pelikula na sina Pyar Mirasol, Mike Magat at JC Castro.
"Saka na, tutal may mga anak na naman ako na hindi naman umaasa ng sustento sa akin sapagkat may mga kaya naman ang ina nila. Bago pa ako nag-artista may anak na ko, kaya lamang lumitaw sila nang artista na ako. At bago ako magpakasal, makikipag-live in muna ako. Gusto ko talagang sigurado na kami. Ayaw ko agad na magpakasal dahil baka dumating ang araw na ma-realize namin pareho na hindi pala kami bagay, hindi compatible, mahihirapan na kaming maghiwalay," pagtatapat ni JC Castro.
"Pero, kung sakali man, kaya kong sustentuhan ang mga anak ko. Kumikita na naman kahit papaano ang bilyaran ko. Mayron din akong isang maliit na kantina. Nagdi-distribute din ako ng tuna at calamansi juice. Lahat ng pwedeng pagkakitaan, pinapasok ko, pati buy and sell," dagdag pa niya.
Inamin ni JC na mahilig siya sa mga babaeng may edad sa kanya. Katunayan, ang ina ng kanyang mga anak ay pawang mas matanda sa kanya.
Sa Masarap Ba Ang Bawal? isa siyang writer na nagkaroon ng affair sa asawa ng tiyuhin niya (Bob Soler).
Mayron silang eksena ni Pyar Mirasol na kung saan ay hubot hubad sila.
"Actually, ang mga kapareha ko ang talagang bold, hindi ako. Pinaka-bold ko na yung makita ang behind ko," sabi ni JC.
Ganito rin ang nangyari kay Aya Medel. Nawala rin ang cellfone niya sa presscon ng kanyang movie. Halos maiyak din siya sapagkat medyo may kamahalan ang telepono na ginagamit nilang mga artista.
Si Evelyn Mateo ng MMG ay minsan na ring nawalan ng cellfone sa isang presscon.
Sino kaya ang kumukuha (nagnanakaw?) ng mga telepono sa presscon na nagbibigay ng batik sa mga manunulat na siyang karamihang dumadalo sa mga ganitong pagkakataon? Isa rin kaya siyang myembro ng entertainment press o totoong magnanakaw na nakakasalisi sa mga ganitong pagkakataon?
Kasama ni Camille sa nasabing presscon ang mga co-stars niya sa pelikula na sina Pyar Mirasol, Mike Magat at JC Castro.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
December 23, 2024 - 12:00am