^

PSN Showbiz

Rico pinagsilbihang parang hari ni Claudine nung nabubuhay pa

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Maraming naniwala na hindi kaplastikan ang ipinakitang pakikiramay ni Claudine Barretto sa pagyao ng ex-boyfriend na si Rico Yan. May nakapagkuwento sa aking aktres na very close sa kanila kung gaano kamahal ni Claudine ang aktor noong nabubuhay pa ito. Kaya sobrang sakit ang idinulot sa pagyao nito.

Natatandaan pa ng aktres na laging may baong lampin si Claudine sa set ng kanilang pinagsamahang soap opera at pagkatapos ng taping ay tumatakbo agad ang aktres kay Rico at pinupunasan ang likod nito. Kapag nagtutungo ito sa condo ng aktor ay tsini-tsek ang kabayahan. Kapag walang laman ang ref ay namimili ito ng pagkain para ilagay doon. Kapag wala nang shampoo at cottonbud sa banyo ay bibili rin ito. Ito rin ang naglilinis ng inidoro ng aktor. ‘‘Ganyan kamahal ni Claudine si Rico. Bago ito umalis ng condo ng nobyo ay nililinis pa rin nito ang mukha ng yumaong aktor kung saan para itong isang dermatologist. Kaya minahal nito nang labis si Rico at hindi pakitang-tao lang ang pakikiramay niya rito. Matatagalan pa siguro bago niya malimutan ang aktor kahit magkaroon ito ng bagong relasyon,’’ anang source.
Prinsipyo Ang Ipinaglalaban Ni Kc Castillo
Sayang nga naman si KC Castillo kung hindi niya ipaglalaban ang kanyang prinsipyo laban sa kanyang producer na dahilan lamang sa paglabas niya sa ibang kumpanya ng pelikula ay nagsisimula nang sirain siya sa pamamagitan ng pagsulat sa mga ibang prodyuser ng pelikula at sinasabi na kapag kinuha nila siya ay magkakaproblema sila sa showing ng kanilang pelikula sapagkat hindi ito maipapalabas. Ibinibigay nilang dahilan ang pagsasampa nila ng demanda dito ng breach of contract.

Bilang sagot ay nag-file ng kontra demanda ang seksing aktres para bigyan ng annulment ng kanyang producer ang kanyang natapos na kontrata sa kanila.
Devils Mask, Naiibang Horror Movie
Gusto n’yo ba nang isang bagong obra na punumpuno ng katatakutan? Pwes, nagbabalik ang master ng horror movie na si George Romero sa isa na namang makapanindig-balahibong pelikulang pinamagatang Devils Mask na iri-release ng Solar Films. Kung matatandaan si Romero rin ang may-likha ng Night Of The Living Dead na naging hit sa takilya.

Ito’y umikot sa buhay ng isang taong laging nasa ayos ang pamantayan sa buhay. Pero isang umaga ay nagising siya na wala na ang sariling identity. Sumabog ito sa galit at bilang paghihiganti ay pumatay ito ng mga tao lalo na yung nagkasala sa kanya na kinabibilangan ng nagtaksil na asawa, kaibigang nagwalanghiya at among itinuring siyang parang hayop. May demonyong sumapi sa kanyang katauhan na nagiging makapangyarihan sa bawa’t pinapatay niya.

Ayon kay Romero ang Devils Mask ay talagang katatakutan ng mga manonood sa bagong henerasyon dahil hindi ito gumamit ng masyadong prosthetics at special effects pero nanonoot sa kalamnan ang matinding takot.

Ang pelikula ay tinatampukan nina Jason Fleyng (Deep Rising), Peter Stormare (Armageddon), Leslie Hope at Nina Garbiras. Palabas na ito sa Abril 24 sa inyong mga paboritong sinehan.

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DEEP RISING

DEVILS MASK

GEORGE ROMERO

JASON FLEYNG

KAPAG

RICO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with