Ang pagbabalik ni Cocoy
April 10, 2002 | 12:00am
Nagbabalik sa concert scene si Cocoy Laurel sa pamamagitan ng Journeys of My Heart sa April 26 sa NBC Tent sa Fort Bonifacio. Taong 1989 nang makasama si Cocoy sa Miss Saigon kung saan gumanap siyang assistant commissar at hindi nagtagal ay engineer. Tumagal siya sa London ng dalawang taon at hindi nagtagal ay napasama siya sa Miss Saigon sa Australia bilang engineer. Pinuri ang kanyang pagganap sa Australia.
Sa isang review ni Marjory Bent, "if anybody stole the show it was Cocoy Laurel as the engineer - the hip-rolling sleazy pimp with the big roguish grin and a flashy Cadillac, was the high point in this Cameron Mackintosh production."
Ayon naman sa Sydney Morning Herald, "Cocoy Laurel is rich in subversive charm."
Cocoy made a big splash noong 1967 nang mapili siyang Romeo sa Paramount Pictures search para sa promo ng Romeo and Juliet ni Franco Zefirelli. Pagkatapos non, nagsunod-sunod na ang ginawa niyang pelikula at theater works. Naging leading man siya ni Nora Aunor sa ilang pelikula kasama na ang Lollipops and Roses. Naging bahagi rin siya ng Repertory Philippines.
Nag-aral siya ng portrait painting sa Academia Real de Bellas Artes sa Madrid. Nag-enroll din siya sa American Academy of Dramatic Arts at sa Julliard School of Music.
Huli siyang napanood na nag-concert sa Music Museum para sa promo ng kanyang Spanish CD na "Te Quiero".
Ang Journeys of My Heart ang magpapakita ng journey ni Cocoy bilang isang artist.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended