Nagkabasag-basag ang mga pigurin habang nakikipag-romansa
April 10, 2002 | 12:00am
Natawa kami sa syete ng aming kaibigan tungkol sa isang seksing aktres na sobra pala kung makipagromansa sa kama. One time ay niyaya ito ng kanyang boyfriend sa isang class na motel somewhere in Metro Manila. Super excited ang magandang aktres kaya sa sobrang excitement sobrang lakas itong humalinghing na dinig pa sa katabing kuwarto kahit naka-aircon ito. Malakas pa ring yumugyog ang kanilang kama kayat nagkandahulog at nagkabasag-basag ang mga pigurin.
Ang ending bukod sa ibinayad na bill sa pagmomotel ay kabilang pa rin ang mga nabasag na pigurin. Nagbida na ang seksing aktres at ngayon ay madalas na napapanood sa telebisyon. Semi-regular ito ng isang programa.
Isa raw sa mga dahilan kung bakit hindi umangat ang career ni Geneva Cruz ay ang pagiging unpropesyonal nito.
Isang halimbawa ay ang pagiging late nito sa taping ng Ikaw Lang Ang Mamahalin.
Minsan ay pinaghihintay daw nito ang ibang sikat at beteranang artista sa set.
Minsan ay bigla na lang itong nawawala sa set at ang dahilan ay para puntahan ang kasabay na natanguang commitment.
Ang problema kasi kay Geneva ay tumatanggap ito ng ibang appointment sa naka-schedule na araw ng taping ng ILAM.
Sa kabila ng magandang pagsasama nina Gretchen Barretto at Tony Boy Cojuangco ay may ilan pa ring intriga tungkol sa kanila kaya sinasabing maghihiwalay na sila. Pero sa totoo lang ay matatag pa rin ang kanilang relasyon. Ano ba ang sikreto ni Gretchen?
May nakapagkuwento sa akin na malapit sa aktres na alas-singko pa lang ng umaga ay gising na ito para asikasuhin ang kanilang anak mula sa pag-aalmusal hanggang sa paghatid sa kanya sa eskuwela. Pagdating nito ng bahay ay si Tony Boy naman ang aasikasuhin at personal na naghahanda ng almusal nito. Kapag binibigyan niya ito ng coffee ay puro papuri ang natatanggap niya mula rito gaya ng Honey, youre so Beautiful. Paano ay alagang-alaga pa rin ni Gretchen ang kanyang kagandahan at pangangatawan. Pagkagising sa umaga ay hindi niya nakakalimutan ang pag-aayos sa sarili.
Sa presscon ng Seven Seasons ng GMA 7 noong Linggo ay may napuna kami kina Tanya Garcia at Dingdong Dantes ng Sana Ay Ikaw na Nga.
Nasa unahan lang namin ang kanilang mesa kaya kitang-kita namin kung gaano sila ka-sweet. Mula sa simula hanggang sa katapusan ng affair ay magkasama ang dalawa at bulungan nang bulungan samantalang magkatabi lang naman sila ng upuan. Nang tawagin sila sa stage ay magka-holding hands pa sila. Nang magpapaalam na ang dalaga ay waring pinipigilan pa ito ni Dingdong.
Ang ganda ngayon ni Tanya at blooming na blooming. Tanda na umiibig na ito. Hindi kaya sa kanilang madalas na pagsasama ni Dingdong ay nagka-developan sila?
Linggu-linggo ay umuuwi ako ng Lucban, Quezon para dalawin at dalhan ng gamot ang aking ama na nagbabakasyon doon. Pagkakataon ko rin yun para makapagpahinga sandali at mag-enjoy sa pagsu-swimming sa Batis Aramin na paboritong location ng mga director. Nagsusyuting ngayon doon ng Mga Munting Tinig na tinatampukan ni Alessandra de Rossi at 15 kids, kabilang na rito si Bryan Homecillo, sa direksyon ni Gil Portes.
Ang ganda-ganda ng swimming pool doon pero nakakalungkot isipin na kulang pa rin sa disiplina ang mga tao. Habang lumalangoy kami ay kung anu-ano ang itinatapon ng mga bata gaya ng basyo ng canned softdrinks, balat ng mga cheesecurls at iba pa. Hindi kaya mapagsabihan ng mga magulang ang kanilang mga anak? May lugar naman doon para sa kainan. Hindi mo tuloy ma-enjoy ang paglangoy dahil sa kung anu-anong kalat na nasa swimming pool.
Ang ending bukod sa ibinayad na bill sa pagmomotel ay kabilang pa rin ang mga nabasag na pigurin. Nagbida na ang seksing aktres at ngayon ay madalas na napapanood sa telebisyon. Semi-regular ito ng isang programa.
Isang halimbawa ay ang pagiging late nito sa taping ng Ikaw Lang Ang Mamahalin.
Minsan ay pinaghihintay daw nito ang ibang sikat at beteranang artista sa set.
Minsan ay bigla na lang itong nawawala sa set at ang dahilan ay para puntahan ang kasabay na natanguang commitment.
Ang problema kasi kay Geneva ay tumatanggap ito ng ibang appointment sa naka-schedule na araw ng taping ng ILAM.
May nakapagkuwento sa akin na malapit sa aktres na alas-singko pa lang ng umaga ay gising na ito para asikasuhin ang kanilang anak mula sa pag-aalmusal hanggang sa paghatid sa kanya sa eskuwela. Pagdating nito ng bahay ay si Tony Boy naman ang aasikasuhin at personal na naghahanda ng almusal nito. Kapag binibigyan niya ito ng coffee ay puro papuri ang natatanggap niya mula rito gaya ng Honey, youre so Beautiful. Paano ay alagang-alaga pa rin ni Gretchen ang kanyang kagandahan at pangangatawan. Pagkagising sa umaga ay hindi niya nakakalimutan ang pag-aayos sa sarili.
Nasa unahan lang namin ang kanilang mesa kaya kitang-kita namin kung gaano sila ka-sweet. Mula sa simula hanggang sa katapusan ng affair ay magkasama ang dalawa at bulungan nang bulungan samantalang magkatabi lang naman sila ng upuan. Nang tawagin sila sa stage ay magka-holding hands pa sila. Nang magpapaalam na ang dalaga ay waring pinipigilan pa ito ni Dingdong.
Ang ganda ngayon ni Tanya at blooming na blooming. Tanda na umiibig na ito. Hindi kaya sa kanilang madalas na pagsasama ni Dingdong ay nagka-developan sila?
Ang ganda-ganda ng swimming pool doon pero nakakalungkot isipin na kulang pa rin sa disiplina ang mga tao. Habang lumalangoy kami ay kung anu-ano ang itinatapon ng mga bata gaya ng basyo ng canned softdrinks, balat ng mga cheesecurls at iba pa. Hindi kaya mapagsabihan ng mga magulang ang kanilang mga anak? May lugar naman doon para sa kainan. Hindi mo tuloy ma-enjoy ang paglangoy dahil sa kung anu-anong kalat na nasa swimming pool.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended