'The Hunks' nagkalat sa US
April 8, 2002 | 12:00am
Isang Pinay na nagtatrabaho sa Maui ang iritang nagkukwento sa amin sa pamamagitan ng telepono tungkol sa kapalpakan na ginawa ng Hunks na kinabibilangan nina Carlos Agassi, Diether Ocampo, Jericho Rosales, Bernard Palanca at Piolo Pascual. Kasama sa show sina Vina Morales at Kristine Hermosa na ginanap sa Stan Sheriff Stadium na matatagpuan sa Honolulu.
Naganap noong March 24, Linggo, alas-siyete ng gabi ang naturang show ng Hunks sa isang venue na di napuno ng manonood but in fairness ayon sa aming kausap, sold out ang $75 ticket para sa front seat dahil maraming gustong makita ng malapitan ang naturang grupo.
Prenteng-prente sa pagkakaupo ang aming kausap pero ganoon na lang ang pagkadismaya niya sa mga boses ng grupo na medyo sintunado. Ipinagtaka nito ang pangingibabaw ng accompaniment music at halos di na naririnig ang mga boses ng grupo sa kanilang pagkanta. Lalong narindi siya nang si Diether na ang kumanta dahil pakiwari ng aming kausap ay sadyang pinatay ang mike para di mapansin ang pagkasintunado nito.
Napakalaking pagsisisi ng aming kausap kung bakit nanood pa ito ng show. Dapat di na siya nagsayang ng dolyares dahil nakita niya ang grupo sa Marriott Honolulu Beach Hotel kung saan siya naka-check-in.
Ang kunsuwelo ng aking kausap ay ang partisipasyon nina Vina Morales at Piolo Pascual na talagang magaling sa kanilang performance. Silang dalawa ang nagbigay ng relief sa mga dismayadong mga manonood ng gabing iyon.
Nagtaka lang ang aming kausap kung bakit nandodoon pa ang isang Kristine Hermosa na ang tanging partisipasyon ay ang pakipag-duweto kay Jericho Rosales. Isang kanta lang daw ang kinanta nito at hindi pa nito kabisado. Halatang hindi nag-synchronize ang pagbuka ng labi niya doon sa kanyang nili-lypsinc na awitin.
Naintindihan namin ng mga sandaling iyon ang walang katapusang pagbibitiw ng aming kausap ng mga katagang masasama habang kausap namin siya sa pamamagitan ng overseas call. (Ulat ni Alex Datu)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended