Wala nang gamit ang aktres, pati bahay ay baka mawala rin!
April 5, 2002 | 12:00am
Naihatid na sa kanyang huling hantungan sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque kahapon ng umaga matapos ang 9:00 a.m. Mass sa La Salle Greenhils gym ang young actor na si Rico Yan. Bukod sa kanyang pamilya, mga kaanak at mga kaibigan (in and out of showbiz), libu-libong mga tagahanga ng sikat at guwapong aktor ang nakipaglibing sa kanya.
Kung sumakabilang buhay si Rico Yan nung nakaraang Biyernes Santo, March 29, kinalingguhan naman ay binawian ng buhay ang national artist na si Maestro Lucio San Pedro and two days later nung Abril 2 ay sumunod naman ang isa pang National Artist na si Mang Levi Celerio.
Si Maestro Lucio San Pedro ang nag-compose ng maraming classic Tagalog songs at kasama rito ang "Ugoy ng Duyan" at "Lahing Kayumanggi". Habang si Mang Levi naman ay marami ring naiambag na mga kilalang awitin tulad ng "Dahil Sa Isang Bulaklak," "Pipit," "Ang Pasko Ay Sumapit," "Saan Ka Man Naroroon," "Kahit Na Magtiis" at "Kahit Konting Pagtingin" na pinasikat ng mang-aawit na si Ric Segreto na sumakabilang buhay na rin dahil sa isang motorcycle accident sa Makati may ilang taon na ang nakakaraan. Pumasok din si Mang Levi sa Guinness Book of World Record dahil siya lamang ang tanging nakagamit ng dahon bilang isang instrumento ng musika.
Kung nung isang taon ay binalot ang entertainment industry ng kalungkutan sanhi ng sunud-sunod na pagpanaw ng mga kilalang personalidad na ang huli ay ang beteranang aktres na si Nida Blanda (na hanggang ngayon ay wala pa ring nakukuhang hustisya sa kanyang pagkamatay), sana naman, hindi na ito muling maulit sa taong ito.
Nakakalungkot isipin na naghihirap na (umano) ang kilalang aktres na ito na diumanoy nagugumom sa sugal ngayon. Ayon sa isang source, halos wala na umanong kagamit-gamit ang aktres sa kanyang bahay which is up for sale na ngayon dahil itoy nakasanla.
She earned her first millions at a very young age at wala pang nakaabot sa kasikatang kanyang nararating.
Minsan, may inutusan ang aktres na magbenta ng isang antigong salamin at itoy ibinenta sa isang kilalang parlor owner na nagkataong kaibigan namin. Ibinigay lang ito sa halagang P2,500 dahil kailangang-kailangan daw ng aktres. Binili ang salamin ng aming kaibigan at pagkatapos ay ibinigay ito sa amin dahil alam niyang mahilig akong mangolekta ng mga antique. Ibinalita pa ng aming mga kaibigan na maging ang mga aircon ng bahay ay ibinenta lamang umano ng tig-P5,000 ang bawat isa.
Paano na lamang kung wala ng gamit ang aktres na puwedeng ibenta? Saan na lamang siya pupulutin?
Ang nakakapanghinayang lang sa aktres, hindi na ito natuto sa kanyang mga past mistakes. Sa halip na magbago at ituwid ang kanyang buhay at makinig sa payo sa kanya ng mga taong concerned sa kanya, sariling diskarte pa rin nito ang kanyang sinusunod. Tuloy napag-iwanan na siya ng milya-milya ng dati niyang karibal sa kasikatan.
Sana lang, magising ang aktres na ito bago pa man maging huli ang lahat.
Tulad ni Claudine Barretto, iniyakan din nang husto ni Judy Ann Santos ang maagang pagkamatay ni Rico Yan. Lingid sa kaalaman ng marami, naging malapit na magkaibigan ang dalawa nung wala pa sa buhay ni Rico si Claudine. Katunayan, marami ang nagsuspetsa na nagkaroon ng relasyon ang dalawa na hindi lamang nila inamin sa publiko.
Di nga bat nasaktan nang husto si Juday nang lumantad ang relasyon nina Rico at Claudine? Talagang nasaktan si Juday at dumating pa sa punto na ayaw na nitong makapareha ang yumaong aktor.
Bago pumanaw si Rico, balik-tambalan sana sila ni Juday sa sequel ng Isusumbong Kita Sa Tatay Ko na pangungunahan ni FPJ under Star Cinema. Pero hindi na ito nangyari o mangyayari pa.
Nang dumalaw si Juday sa burol ni Rico nung gabi ng Sabado, hindi nito napigilan ang pag-iyak sa harap ng kabaong ng dating kaibigan.
At bilang pagbibigay halaga sa isang espesyal na kaibigang yumao, nagpa-misa si Juday para kay Rico nung linggo ng hapon sa Outlet Yard (kung saan siya may sariling puwesto) sa may Quezon Avenue in Quezon City at pagkatapos ng Misa ay nagpalipad siya ng dalawang puting kalapati at itim na paru-paro.
Up to the end, minahal ni Juday si Rico bilang espesyal na kaibigan.
Email:([email protected])
Kung sumakabilang buhay si Rico Yan nung nakaraang Biyernes Santo, March 29, kinalingguhan naman ay binawian ng buhay ang national artist na si Maestro Lucio San Pedro and two days later nung Abril 2 ay sumunod naman ang isa pang National Artist na si Mang Levi Celerio.
Si Maestro Lucio San Pedro ang nag-compose ng maraming classic Tagalog songs at kasama rito ang "Ugoy ng Duyan" at "Lahing Kayumanggi". Habang si Mang Levi naman ay marami ring naiambag na mga kilalang awitin tulad ng "Dahil Sa Isang Bulaklak," "Pipit," "Ang Pasko Ay Sumapit," "Saan Ka Man Naroroon," "Kahit Na Magtiis" at "Kahit Konting Pagtingin" na pinasikat ng mang-aawit na si Ric Segreto na sumakabilang buhay na rin dahil sa isang motorcycle accident sa Makati may ilang taon na ang nakakaraan. Pumasok din si Mang Levi sa Guinness Book of World Record dahil siya lamang ang tanging nakagamit ng dahon bilang isang instrumento ng musika.
Kung nung isang taon ay binalot ang entertainment industry ng kalungkutan sanhi ng sunud-sunod na pagpanaw ng mga kilalang personalidad na ang huli ay ang beteranang aktres na si Nida Blanda (na hanggang ngayon ay wala pa ring nakukuhang hustisya sa kanyang pagkamatay), sana naman, hindi na ito muling maulit sa taong ito.
She earned her first millions at a very young age at wala pang nakaabot sa kasikatang kanyang nararating.
Minsan, may inutusan ang aktres na magbenta ng isang antigong salamin at itoy ibinenta sa isang kilalang parlor owner na nagkataong kaibigan namin. Ibinigay lang ito sa halagang P2,500 dahil kailangang-kailangan daw ng aktres. Binili ang salamin ng aming kaibigan at pagkatapos ay ibinigay ito sa amin dahil alam niyang mahilig akong mangolekta ng mga antique. Ibinalita pa ng aming mga kaibigan na maging ang mga aircon ng bahay ay ibinenta lamang umano ng tig-P5,000 ang bawat isa.
Paano na lamang kung wala ng gamit ang aktres na puwedeng ibenta? Saan na lamang siya pupulutin?
Ang nakakapanghinayang lang sa aktres, hindi na ito natuto sa kanyang mga past mistakes. Sa halip na magbago at ituwid ang kanyang buhay at makinig sa payo sa kanya ng mga taong concerned sa kanya, sariling diskarte pa rin nito ang kanyang sinusunod. Tuloy napag-iwanan na siya ng milya-milya ng dati niyang karibal sa kasikatan.
Sana lang, magising ang aktres na ito bago pa man maging huli ang lahat.
Di nga bat nasaktan nang husto si Juday nang lumantad ang relasyon nina Rico at Claudine? Talagang nasaktan si Juday at dumating pa sa punto na ayaw na nitong makapareha ang yumaong aktor.
Bago pumanaw si Rico, balik-tambalan sana sila ni Juday sa sequel ng Isusumbong Kita Sa Tatay Ko na pangungunahan ni FPJ under Star Cinema. Pero hindi na ito nangyari o mangyayari pa.
Nang dumalaw si Juday sa burol ni Rico nung gabi ng Sabado, hindi nito napigilan ang pag-iyak sa harap ng kabaong ng dating kaibigan.
At bilang pagbibigay halaga sa isang espesyal na kaibigang yumao, nagpa-misa si Juday para kay Rico nung linggo ng hapon sa Outlet Yard (kung saan siya may sariling puwesto) sa may Quezon Avenue in Quezon City at pagkatapos ng Misa ay nagpalipad siya ng dalawang puting kalapati at itim na paru-paro.
Up to the end, minahal ni Juday si Rico bilang espesyal na kaibigan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended