Artista, malaking tulong para mapalakas ang sinehan sa Baliuag
April 2, 2002 | 12:00am
Sa kabila ng pangyayari na malaki ang epekto sa mga sinehan sa Baliuag, Bulacan ang paglaganap ng mga pirated CDs at VCDs, malaking tulong ang ginawang pagbisita ng ilang mga artista sa mga sinehan sa Baliuag kamakailan lamang. Nagsimula yun ng paglakas ng mga sinehan.
Actually, isang kilalang burger house ang nagpaimbita sa mga artista. Nagdiriwang ito ng ika-10th anniversary at dahil ang kainan ay matatagpuan sa loob ng Glorietta de Baliuag, minabuti na rin ng mga artistang sina Rodel Velayo, Leonardo Litton, Nini Jacinto at ang tatlong lalaki ng Whattamen na pasyalan na rin ang mga sinehan na nagpapalabas ng mga pelikulang lokal.
Ayon sa booker ng Victoria Theater na si Renato Amang de Guzman. "Lumalakas ang mga sinehan kapag nakakakita ang mga tao ng artista. Bukod sa mga artista, malaking tulong din ang gumagandang mga pelikula natin ngayon," aniya. Vir Gonzales

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended