Home theather ang last gift ni Rico kay Claudine !
April 2, 2002 | 12:00am
Iisa ang naging katapusan ng buhay nina Rico Yan at Miguel Rodriguez. Kung ano kasing nangyari kay Miguel bago siya bawian ng buhay noong February 14, 1997, ganoon din ang ginawa ni Rico.
Base sa kuwento ng isang malapit na kaibigan ni Miguel, nagpunta si Miguel sa Manila Peninsula at pagkatapos ay nakipagkantahan sa Conservatory. Kumain ng marami bago umuwi. At nang gigisingin na ng maid, hindi na rin daw ito nagising. Base sa autopsy, acute hemorrhagic pancreatitis din ang cause of death ng sinasabing superman noon ng Pilipinas.
Ganitong-ganito rin ang nangyari kay Rico. Kumain siya ng seafood, nakipagkantahan bago matulog kaya nang i-autopsy siya, indigested pa sa seafood. Kaya naman sana ay tigilan na ang ibat ibang speculation tungkol sa pagkamatay ni Rico. Huwag nang gawan ng intriga.
Anyway, nag-decide na rin ang pamilya ni Rico na payagan nang dumalaw si Claudine at makita ang labi ng boyfriend niya for four years. Actually, nag-try si Paolo Bediones na samahan si Claudine at makunan ang pagdating ni Claudine. Pero hindi siya nakapasok sa chapel. Siyempre hindi papayag ang ABS-CBN na maunahan sila ng GMA 7.
Two weeks ago lang nang mag-split sila Claudine at Rico pagkatapos ng showing ng kanilang pelikulang Got 2 Believe na naging super hit sa takilya. Pero last Christmas ay parang nag-iwan na siya ng magandang alaala sa dating girlfriend. Isang home theater ang regalo nito kay Claudine na may kasamang maraming-maraming tapes. Kahit nga raw ang actress ay na-shock sa nasabing regalo dahil masyadong expensive ang ibinigay sa kanya na hindi niya ini-expect. Minsan lang daw kasing nakuwento ni Claudine ang tungkol dito.
Maging ang mother niyang si Mrs. Teresita Castro Yan ay surprised din sa gift na ibinigay sa kanya ng mga anak niya including Rico. Isang brand new car.
Actually, based sa kuwento ng mother ni Rico noon, hindi talaga maka-relate si Rico sa showbiz. In fact, hindi pa raw natatagalan nang magpaalam ito kay Ms. Malou Santos ng ABS-CBN na magko-quit na siya sa showbiz dahil gusto na lang daw niyang mag-concentrate sa business niya. Pero hindi raw ito pinayagan ni Ms. Santos at sinabing give your self another chance.
Papasok pa sana ng Sa Dulo Ng Walang Hanggan si Rico bago sila mag-split ni Claudine.
Nakagawa si Rico ng pitong pelikula - Flames (The Movie), Radio Romance, Dahil Mahal Na Mahal Kita, Paano ang Puso Ko, Kay Tagal Kitang Hinintay, Madrasta at ang pinaka-huli ang Got 2 Believe kasama si Claudine.
Nakasama siya sa soap opera na Mula Sa Puso, Saan Ka Man Naroroon at sa variety shows na Gimik, Whattamen at Magandang Tanghali Bayan.
Anyway, may ini-assign namang spokesperson ang pamilya Yan - si Emily, anak ni General Edgardo Aglipay ng NCRPO. Asawa ni Gen. Aglipay ang kapatid ng tatay ni Rico. Siya ang nakikipag-usap sa media at naga-up date ng nangyayari sa pamilya.
Gusto ko lang bigyang daan ang reaction ng isang net reader ng PSN all the way from Cuba.
Good day! Im an avid reader of PSN (http://www.philstar.com) and presently working with my husband here at the U.S. Naval Station, Guantanamo Bay, Cuba. Sumulat ako dahil gusto kong mag-react sa insulto ni Nerissa Jose kay Kris Aquino. Ano ba ang problema ng ibang mga Pilipino diyan tulad ni N. Jose? Ayaw ba nilang makita ang isang taong masaya sa piling ng ibang tao? Eh ano kung si Kris Aquino ang masyadong vocal about her feelings, anong masama doon, naperwisyo ka ba nito? Hindi ka ba puwedeng maging masaya kapag may nakakita kang taong masaya na tulad ni Kris at sasabihin mo pang walang nanliligaw siguro at pagbigyan na. Masyado ka naman kung makapag-insulto at sa isa pang Kris Aquino. Hindi ba puwedeng pagbigyang sumaya si Kris at ipanalangin sana na matagpuan na niya ang lalaking dapat sa kanya, hindi ba puwede ang ganoon tutal Semana Santa naman ngayon at kahit hindi Semana Santa sana ang ihangad natin para sa iba ay iyong ikaliligaya nila at ikatatagumpay. Kung nagkamali si Kris noong una at sa palagay ng iba ay mali pa rin ang ginagawa niya ngayon ay hindi makatwiran iyon. Buhay niya iyon at kung saan siya masaya basta hindi siya nakakaapak ng ibang tao ay pabayaan naman natin siya, please. Doon sa mga wala namang magawa kundi mang-insulto at mamintas ng tao, puwede ba magbago-bago na kayo.
Thank you Salve for your time and please give this e-mail a chance to be printed on your page for everybody out there to read specially for those people who always had a "not so good word" on Kris Aquino.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended