Daddy na naman si Gary Estrada!
March 31, 2002 | 12:00am
Ninerbyos daw ng husto si Gary Estrada nung ipanganak ng misis niyang si Bernadette Allyson ang kanilang first born na isang baby girl.
Napuluputan daw pala ng pusod ang bata kaya napilitang i-caesarean si Berna. Alalang -alala si Gorio na baka maapektuhan ang kanilang baby pero, awa naman ng Diyos ay maluwalhati itong naisilang.
Both mother and child are doing fine.
Magpa-donut ka naman Gorio! Nakakadalawa ka na!
Hindi na bago sa akin yung commercial na ginawa ni Nora Aunor para sa pamahalaan ni Pangulong GMA. Ginawa na rin niya ito para kay ERAP nun.
Nakatutuwa lamang na malaman na tinatanggap pa rin ng pamahalaan ang kahalagahan ng mga artista pagdating sa pangungumbinsi sa masa. Na ang mga artista ay isang malaking tulong sa pulitikat pulitiko.
Sigurado nang magiging isang malaking tagumpay ang gagawing konsyerto ng the Hunks sa Hawaii. Alam naman nyo ang mga Pilipino, kahit na saang lugar kapag ang entertainer ay Pilipino rin talagang pinanonood nila. Ganun nila ka-miss ang kanilang bansa at mga kababayan. Hindi nga lamang sila makabalik ng bansa sa takot na wala silang makitang trabaho rito at makadagdag lamang sa kahirapan ng bansa.
Speaking of the Hunks, mayroon ba silang vocal coach? Sana naman mayroon dahil naka-penetrate na sila ng international market, dapat lamang ay magagandang shows ang ibigay nila. Marami kasi ang nagsasabi sa akin na paminsan-minsan ay sumesemplang ang boses nila. This is unforgivable as far as Im concerned. Sabi nga sa isang TV ad, di pwede yung pwede na, dapat pwedeng pwede na.
Wala akong maisip na iba pang artistang lalaki, lokal man o foreign na kasing-tagal nang artista ni Fernando Poe, Jr. at nag-aakyat pa rin ng pera sa takilya. Kaya hindi ako nagtataka na pagkalooban siya ng Golden Reel Award ng FAP dahilan sa kanyang achievement na ito nung FAP Awards night. About time na bigyan natin ng parangal ang mga artista nating achievers. Huwag nating hintayin na wala na ang mga artista bago natin sila parangalan.
Speaking of FAP Awards, di ba ang ganda-ganda ni Gretchen Barretto? Ako ang nag-convince sa kanya na mag-attend ng awards night dahil active na naman siya sa pag-arte kahit sa TV lamang. At the last moment may duda pa ang producer ng show na darating siya pero, true to her promise, dumating siya at nanalo pa siya bilang Star Of The Night na talaga namang karapat-dapat na ipagkaloob sa kanya nang gabing yun, di ba?
Happy Easter sa inyong lahat. Naging meaningful ba ang inyong Holy Week? Sana naman. At sana rin ay marami tayong magandang pagbabago na masaksihan sa ating bansa. At huwag nating iasa sa iba ang mga pagbabagong ito. Simulan natin sa ating mga sarili.
Napuluputan daw pala ng pusod ang bata kaya napilitang i-caesarean si Berna. Alalang -alala si Gorio na baka maapektuhan ang kanilang baby pero, awa naman ng Diyos ay maluwalhati itong naisilang.
Both mother and child are doing fine.
Magpa-donut ka naman Gorio! Nakakadalawa ka na!
Nakatutuwa lamang na malaman na tinatanggap pa rin ng pamahalaan ang kahalagahan ng mga artista pagdating sa pangungumbinsi sa masa. Na ang mga artista ay isang malaking tulong sa pulitikat pulitiko.
Speaking of the Hunks, mayroon ba silang vocal coach? Sana naman mayroon dahil naka-penetrate na sila ng international market, dapat lamang ay magagandang shows ang ibigay nila. Marami kasi ang nagsasabi sa akin na paminsan-minsan ay sumesemplang ang boses nila. This is unforgivable as far as Im concerned. Sabi nga sa isang TV ad, di pwede yung pwede na, dapat pwedeng pwede na.
Speaking of FAP Awards, di ba ang ganda-ganda ni Gretchen Barretto? Ako ang nag-convince sa kanya na mag-attend ng awards night dahil active na naman siya sa pag-arte kahit sa TV lamang. At the last moment may duda pa ang producer ng show na darating siya pero, true to her promise, dumating siya at nanalo pa siya bilang Star Of The Night na talaga namang karapat-dapat na ipagkaloob sa kanya nang gabing yun, di ba?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended