Pyar, ayaw makipag-away kay Maricar
March 28, 2002 | 12:00am
Kahit anong pilit ay ayaw patulan ni Pyar Mirasol ang pambubuyo sa kanya ng press na mag-comment sa ginawang pag-iitsa-pwera sa kanya ng World Arts Cinema sa promo ng Buko Pandan na siya ang isa kundi man pangunahing bida sa pelikula. Sa halip, ay kay Maricar de Mesa ang kanyang co-star ibinigay ang promo.
"Nasa Romblon na ako at nagsu-shooting ng Masarap Ba Ang Bawal? para sa Sunlight Films pero, palagi akong tumatawag para alamin kung kailan ako dapat mag-promote. Obviously, di na nila ako isinali," ani Pyar nang huli kong makausap para sa promo ng Masarap Ba Ang Bawal? Kasama niya ang mga co-stars niya sa movie na sina Camille Roxas, JC Castro at Mike Magat.
"Wala kaming naging away ni Maricar. Kaya ako palaging tumatawag ay para alamin ang sked ko sa promo. Napakalayo ng location ko. Dalawang beses lamang sa isang linggo dumaraan ang sasakyan at almost one month ako dun. Pero, bago ako umalis para mag-shooting ay nagpaalam muna ako ng mahusay sa producer ng World Arts Cinema na si Ms. Jojo Galang. Pumayag naman siya. Umalis ako na walang inaasahang magiging problema. Nagulat na lamang ako nang marami akong nabasa nang di ako makasama sa promo ng movie," dagdag pa niya.
For the first time ay pumayag si Pyar na magkaroon ng lovescene kay Bob Soler. "Kailangan sa pelikula dahil mag-asawa ang role namin. Bukod sa kanya ay may lovescenes din ako kina JC at Mike," imporma niya.
Sa Abril 17 ang release ng Masarap Ba Ang Bawal?
Matapos ang matagumpay niyang pelikulang Kung Ikaw Ay Isang Panaginip na sinundan ng mga matatagumpay na concerts at launching ng mga Jolina products at pagbubukas din ng mga prangkisa ng Jolinas Gallery sa abroad, hindi naman mami-miss ng kanyang mga fans si Jolina Magdangal sapagkat marami ang nakakapanood ng kanyang hosting job sa programang Cover Story ng Cinema One sa Cable Channel. Bagaman at kumpara sa mga iba pang hosts ng nasabing channel (Nanette Medved at Tintin Bersola) ay maituturing na isang bagito si Jolens, still hindi naman siya napag-iiwanan ng mga ito pagdating sa kanyang trabaho. Nagagawa niyang maging interesting ang kanyang mga interviews at habang lumalaon ay nagiging mahusay na rin siyang host.
Sa kalipunan ng nga bagets na artista, maituturing na isang magandang halimbawa si Jolina di lamang ng mga kapwa niya artista kundi maging ng masa. Sa dami ng intriga na dumating sa kanyang buhay ay never na pumatol siya. She has remained as humble.
Nagkaroon na rin ng ups and downs ang kanyang career pero, hindi siya nawalan ng loob bagkus at lalo pang pinatatag ang kanyang status sa pamamagitan ng pagbaling ng pansin sa ibang gawain kapag walang pelikula (like singing) at ngayon, hindi lamang siya maituturing na isang box office movie star kundi isa ring maipagkakapuring concert artist na naka-penetrate na sa international market.
"Nasa Romblon na ako at nagsu-shooting ng Masarap Ba Ang Bawal? para sa Sunlight Films pero, palagi akong tumatawag para alamin kung kailan ako dapat mag-promote. Obviously, di na nila ako isinali," ani Pyar nang huli kong makausap para sa promo ng Masarap Ba Ang Bawal? Kasama niya ang mga co-stars niya sa movie na sina Camille Roxas, JC Castro at Mike Magat.
"Wala kaming naging away ni Maricar. Kaya ako palaging tumatawag ay para alamin ang sked ko sa promo. Napakalayo ng location ko. Dalawang beses lamang sa isang linggo dumaraan ang sasakyan at almost one month ako dun. Pero, bago ako umalis para mag-shooting ay nagpaalam muna ako ng mahusay sa producer ng World Arts Cinema na si Ms. Jojo Galang. Pumayag naman siya. Umalis ako na walang inaasahang magiging problema. Nagulat na lamang ako nang marami akong nabasa nang di ako makasama sa promo ng movie," dagdag pa niya.
For the first time ay pumayag si Pyar na magkaroon ng lovescene kay Bob Soler. "Kailangan sa pelikula dahil mag-asawa ang role namin. Bukod sa kanya ay may lovescenes din ako kina JC at Mike," imporma niya.
Sa Abril 17 ang release ng Masarap Ba Ang Bawal?
Sa kalipunan ng nga bagets na artista, maituturing na isang magandang halimbawa si Jolina di lamang ng mga kapwa niya artista kundi maging ng masa. Sa dami ng intriga na dumating sa kanyang buhay ay never na pumatol siya. She has remained as humble.
Nagkaroon na rin ng ups and downs ang kanyang career pero, hindi siya nawalan ng loob bagkus at lalo pang pinatatag ang kanyang status sa pamamagitan ng pagbaling ng pansin sa ibang gawain kapag walang pelikula (like singing) at ngayon, hindi lamang siya maituturing na isang box office movie star kundi isa ring maipagkakapuring concert artist na naka-penetrate na sa international market.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended