Alma, suportado ng lahat ng anak!
March 27, 2002 | 12:00am
Kung ang pelikulang Tuhog na pinagbidahan nina Ina Raymundo at Klaudia Koronel at dinirek ni Jeffrey Jetturian for Regal Films ang nakapag-uwi ng pinakamaraming awards nung ika-18 taon ng Star Awards for Movies ng PMPC ang pelikulang Abakada
Ina na pinangunahan ni Lorna Tolentino at directorial comeback ni Eddie Garcia for Viva Films ang siya namang nakapag-uwi ng may pinakamaraming awards nung nakaraang Film Academy Awards na ginanap sa UP Theater nung nakaraang Sabado ng gabi.
Pitong awards ang naiuwi ng Abakada Ina ng Viva Films at kasama rito ang Best Picture, Best Actress (Lorna Tolentino), Best Director (Eddie Garcia), Best Cinematography (Romulo Araujo), Best Editing (Ike Jarlego, Jr.), Best Sound (Roel Brusn) at Best Screenplay (Shaira Salvador).
Samantala, ang pelikulang Tuhog ng Regal ay nakapag-uwi lamang ng isang award, ang Best Supporting Actor (Dante Rivero) habang ang pelikulang Bagong Buwan ay may dalawang trophy, ang Best Supporting Actress (Caridad Sanchez) and Best Production Design (Judy Lou de Pio).
Mukhang may chance si Ricky Davao na maka-grandslam sa taong ito kung saan siya ang papaboran ng Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino at ng FAMAS na siyang susunod na mamimigay ng award. Si Ricky din ang tinanghal na Best Actor ng Film Academy Awards.
Of course, hindi puwedeng kuwestiyunin ang special award na iginawad sa nag-iisang hari ng pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. na ginawaran ng Golden Reel Award. Karapat-dapat din ang Lifetime Achievement Award na iginawad kina Gloria Romero at sa namayapang si Nida Blanca (Posthumous).
Ang surprise appearance ni Gretchen Barretto ay nakabuti sa kanya dahil siya ang tinanghal na Celebrity of the Night. Sa kabila ng matagal na nawala sa sirkulasyon ang ate nina Marjorie at Claudine Barretto, hindi pa rin nagbabago ang ganda nito. Katunayan, mas lalo pang tumingkad ang kanyang anyo ngayong happily married siya kay Tony Boy Cojuangco at meron na rin silang supling na si Dominique.
Kung nanaisin ni Gretchen na muling balikan ang kanyang acting career, tiyak na hindi siya mahihirapan. Ang kanyang special participation sa soap opera ni Claudine, ang Sa Dulo Ng Walang Hanggan ay isang magandang indikasyon na tanggap pa rin siya ng publiko sa kabila na matagal siyang tumigil sa pag-aartista.
May pitong taon o mahigit pa na nanahimik si Gretchen sa kanyang bagong mundo pero aminado siya na nami-miss niya nang husto ang trabahong kanyang kinagisnan, ang showbiz.
Muling nagkita ang estranged couple na sina Parañaque Mayor Joey Marquez and Alma Moreno sa school graduation ng mga anak nilang sina Yeoj, Winwin at VJ sa Southville International School sa BF Las Piñas nung Lunes (March 25, 2002) kung saan tumanggap ng second honor sina Yeoj at Winwin. Grade V si Yeoj at Grade IV naman si Winwin. After the ceremonies, lumabas ang mag-anak at kumain sila sa Fridays Alabang na animoy buo pa rin ang kanilang pamilya.
Sa kabila ng mga nangyari sa (dating) mag-asawa, marami pa rin talaga ang naniniwala na may malaking chance pa ring magkakabalikan sina Alma at Joey kung hindi lamang sila pakikialaman ng mga taong nakapaligid sa kanila.
Sa aming panayam kay Ness for S-Files last Sunday, inamin nito sa amin na mahal pa rin niya ang kanyang (dating) asawa at hindi umano niya ipinipinid ang posibilidad ng muli nilang pagkakabalikan. Pero ang lahat ay iniaasa na lamang niya sa Diyos.
Patapos na halos ang show ni Alma Moreno sa Downtown ng Rembrandt Hotel kamakailan lang nang kamiy dumating dahil nanggaling pa kami sa isang mahalagang meeting na hindi namin maiwanan. Ganunpaman, napanood pa rin namin siyang nag-perform kasama ang kanyang special guests na sina Leonard Obal. Kit Kats at Raffy Chan na dinirek ni Andrew de Real. First time namin siyang napanood sa isang live performance at masasabi na malaki na talaga ang kanyang ini-improve bilang isang performer. She might not be a good singer, pero magaling siyang mag-perform kaya enjoy ang mga tao. First time din niyang mag-perform with a live band kaya lalo siyang ganado. Towards the end of her performance, tinawag niya sina Tirso Cruz III at Marco Sison who were part of the audience at nakipag-jamming ang mga ito sa kanya at sa kanyang special guests.
Habang nakaupo kami sa may bar wala nang available table, lumapit sa amin ang kanyang panganay (by Rudy Fernandez) na si Mark Anthony. Kitang-kita namin sa binata ang pagiging proud nito sa kanyang ina nung gabing yon at ipinakita talaga niya ang kanyang suporta dito. Naroon din ang kanyang kapatid (by Joey Marquez) na sina Yeoj, Winwin at VJ habang si Vandolph (by Dolphy) ay humabol after the show. Kahit pagod, nakipagtsikahan pa sa amin ni Ronald Constantino si Ness sa lobby ng Hotel Rembrandt.
Email:[email protected]
Pitong awards ang naiuwi ng Abakada Ina ng Viva Films at kasama rito ang Best Picture, Best Actress (Lorna Tolentino), Best Director (Eddie Garcia), Best Cinematography (Romulo Araujo), Best Editing (Ike Jarlego, Jr.), Best Sound (Roel Brusn) at Best Screenplay (Shaira Salvador).
Samantala, ang pelikulang Tuhog ng Regal ay nakapag-uwi lamang ng isang award, ang Best Supporting Actor (Dante Rivero) habang ang pelikulang Bagong Buwan ay may dalawang trophy, ang Best Supporting Actress (Caridad Sanchez) and Best Production Design (Judy Lou de Pio).
Mukhang may chance si Ricky Davao na maka-grandslam sa taong ito kung saan siya ang papaboran ng Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino at ng FAMAS na siyang susunod na mamimigay ng award. Si Ricky din ang tinanghal na Best Actor ng Film Academy Awards.
Of course, hindi puwedeng kuwestiyunin ang special award na iginawad sa nag-iisang hari ng pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. na ginawaran ng Golden Reel Award. Karapat-dapat din ang Lifetime Achievement Award na iginawad kina Gloria Romero at sa namayapang si Nida Blanca (Posthumous).
Ang surprise appearance ni Gretchen Barretto ay nakabuti sa kanya dahil siya ang tinanghal na Celebrity of the Night. Sa kabila ng matagal na nawala sa sirkulasyon ang ate nina Marjorie at Claudine Barretto, hindi pa rin nagbabago ang ganda nito. Katunayan, mas lalo pang tumingkad ang kanyang anyo ngayong happily married siya kay Tony Boy Cojuangco at meron na rin silang supling na si Dominique.
Kung nanaisin ni Gretchen na muling balikan ang kanyang acting career, tiyak na hindi siya mahihirapan. Ang kanyang special participation sa soap opera ni Claudine, ang Sa Dulo Ng Walang Hanggan ay isang magandang indikasyon na tanggap pa rin siya ng publiko sa kabila na matagal siyang tumigil sa pag-aartista.
May pitong taon o mahigit pa na nanahimik si Gretchen sa kanyang bagong mundo pero aminado siya na nami-miss niya nang husto ang trabahong kanyang kinagisnan, ang showbiz.
Sa kabila ng mga nangyari sa (dating) mag-asawa, marami pa rin talaga ang naniniwala na may malaking chance pa ring magkakabalikan sina Alma at Joey kung hindi lamang sila pakikialaman ng mga taong nakapaligid sa kanila.
Sa aming panayam kay Ness for S-Files last Sunday, inamin nito sa amin na mahal pa rin niya ang kanyang (dating) asawa at hindi umano niya ipinipinid ang posibilidad ng muli nilang pagkakabalikan. Pero ang lahat ay iniaasa na lamang niya sa Diyos.
Habang nakaupo kami sa may bar wala nang available table, lumapit sa amin ang kanyang panganay (by Rudy Fernandez) na si Mark Anthony. Kitang-kita namin sa binata ang pagiging proud nito sa kanyang ina nung gabing yon at ipinakita talaga niya ang kanyang suporta dito. Naroon din ang kanyang kapatid (by Joey Marquez) na sina Yeoj, Winwin at VJ habang si Vandolph (by Dolphy) ay humabol after the show. Kahit pagod, nakipagtsikahan pa sa amin ni Ronald Constantino si Ness sa lobby ng Hotel Rembrandt.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended