^

PSN Showbiz

Ginagawang piknikan ang sagradong lugar ng Bundok Banahaw

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Tuwing Mahal na Araw ay dumaragsa ang mga tao sa ilang sagradong lugar gaya ng Bundok Banahaw at doon sila nagninilay-nilay sa mga nagawang kasalanan. Ang iba naman ay gustong sundin ang kanilang mga panata taun-taon sa pamamagitan ng walang patid na pagdarasal para gumaan ang kanilang pakiramdam. Dinarayo rin ang Bundok Banahaw ng mga celebrities para doon magkaroon ng self-examination.

Kaya lang nakalulungkot isipin na nagkaroon na ng pagbabago na sa halip na mapanatiling sagrado ang lugar ay ginagawa nila itong piknikan kabilang ang magpapamilya na nagdadala ng pagkain doon. Naging makalat ang lugar at ang tubig na sinasabing sagrado na nanggaling pa sa bundok ay lumalabo na.

At kahit sa simbahan ay nananawagan ang pari ng parokya na sa pagdaraos ng Misa lalo na sa kabanalan ng Mahal na Araw ay ipinakikiusap nito na huwag gamitin ang mga cellphone.

Sana ay pairalin natin ang disiplina lalo na sa kalinisan para mapanatili ang pagiging sagrado ng Bundok Banahaw. Sabi nga, ang kalinisan ay salamin ng kalooban, di ba? At sana ay pakinggan din natin ang pari, kalimutan muna ang paggamit ng cellphone habang nagtitika.
Pagmamahal Sa Kapwa Ang Kailangan
Hindi lang pagdarasal, pagbabasa ng Bibliya, pagpepenitensya o pag-aayuno ang kailangang gawin ng isang mabuting Kristiyano kundi higit sa lahat ipadama ang pagmamahal sa kapwa.

Sa showbiz ay talamak ang inggitan, pananapak ng kapwa o pagiging palalo lalo na kapag nasa tugatog na ng tagumpay. Masarap ang pakiramdam kapag wala kang pag-iimbot sa iyong puso, nakakatulog ka ng mahimbing kapag wala kang natatapakang tao o walang kagalit na kasamahan sa industriya.

Masakit ding isipin na mahal ka lang kapag may pakinabang sa ‘yo ang isang tao pero kapag wala na ay ibabasura ka na lang. Hindi rin maganda na kikita ka nga ng salapi pero sinulot mo naman ang trabaho ng iyong kapwa lalo na sa showbiz.

Ang mahalaga ay ang pagiging payak sa lahat ng bagay dahil kapag tumaas na ang lifestyle lalo na kapag malalaking tao ang nakakasama sa showbiz ay nagbabago na rin ang pag-uugali. Higit sa lahat, napupunta sa wala ang mga kinikita dahil sa pagkapit sa bagay na hindi naman kaya. Ang Mahal Na Araw ay isang paggunita sa paghihirap ng Panginoon at sa ganitong pagkakataon ay samahan natin siya sa pamamagitan ng mga gawain ng isang mabuting Kristiyano. Mas mabuti kung gagawin natin ang pagbabago hindi lang tuwing Semana Santa kundi habang tayo’y nabubuhay.
Gloria, Ulirang Artista
Deserving si Gloria Romero para magkamit ng Lifetime Achievement Award sa nakaraang FAP Awards. Sa halos 50 taon na ginugol niya sa pag-aartista ay hindi namantsahan ang kanyang imahe. Nagsilbi siyang magandang halimbawa sa mga kasamahang artista gayundin sa mga kabataan. Siya’y simbolo ng kagandahan, kahinhinan, kababaang loob, propesyonalismo at kahusayan sa pag-arte. Malaki ang naiambag niya sa pelikula at ayon nga sa premyadong aktres ay ipagpapatuloy pa rin niya ang kanyang trabaho hanggang kaya pa niya.

Saludo kami sa ‘yo!
Mga Obserbasyon Sa FAP Awards
Gustuhin ko mang dumalo sa FAP Awards Night ay hindi ko magawa dahil lagi akong nakabantay sa aking ama na nagkaroon ng stroke. Pero tinapos ko ang panonood sa telebisyon at narito ang aming puna:

Maganda ang choices ng Film Academy of the Philippines pagdating sa mga nanalong artista at iba pang bahagi ng industriya. Karapat-dapat silang lahat na manalo at talagang deserving ang napiling Best Actor na si Ricky Davao at Best Actress na si Lorna Tolentino. Panahon na rin para magkaroon ng acting award si Dante Rivero bilang Best Supporting Actor dahil mahusay talaga siyang artista. Lagi na lang kasi siyang nominee but never a winner. Kaya natuwa ako para sa kanya.

Napakaganda ni Gretchen Barretto at wala nang tatalo sa kanya nang gabing yon. Maganda rin si Ruffa Gutierrez kaya lang nakaka-distract ang malusog niyang dibdib sa unang gown na isinuot niya na sa halip na sa magandang mukha ka niya titingin ay doon mapo-focus ang atensyon mo sa kanyang mayamang dibdib. Hindi pa rin nagbabago si Nanette Medved at hindi pa rin siya tumatanda sa pagdaan ng maraming taon.

Maganda naman ang gown ni Charlene Gonzales kaya lang napuna ko na hindi fresh ang kanyang beauty nang mag-host sa Trivia portion ng FAP at halata ang lines sa ilalim ng kanyang mata o baka naman dahil lang sa make-up? Mas maganda siya sa nakaraang Bb. Pilipinas Beauty Pageant kung saan naging anchor din siya.

Maganda pa rin at elegante sina Delia Razon at Barbara Perez. Magaganda ang production number lalo na yong sayaw nina Lana Asanin, Regine Tolentino na super sexy at ang napakagaling na si Jackielou Blanco.

Gusto ko ang Abakada...Ina na nanalong Best Picture na tumatalakay sa pagmamahal ng ina sa kanyang mga anak sa kabila ng kamangmangan.
Blind Item: Parang "Pinaupong Manok" Ang Drama Ng Seksing Aktres
Natawa kami sa kwento ng isang radio announcer tungkol sa maganda at seksing aktres na ito.

Minsan ay naging guest ito sa isang radio station para mag-promote ng kanyang pelikula. Guwapo ang radio announcer kaya nataypan agad ng sexy actress. Gabi na kaya wala nang natirang tao sa radio station. Game naman ang aktres at very open sa pagsasabing type niya ang bata pang announcer? Pero hindi sa kama humantong ang kanilang romansa kundi mismo sa loob ng booth kung saan naupo lang ang aktres sa kandungan ng lalaki at naganap ang milagro.

BUNDOK BANAHAW

CENTER

KAYA

LANG

MAGANDA

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with