Aktres, pati tuhod pina-retoke!
March 26, 2002 | 12:00am
Naibulong ng isang kasamahan sa hanapbuhay na halos lahat ng parte ng katawan ng aktres ay ipinaretoke nito gaya ng pagpapatangos ng ilong, pagpapalaki ng dibdib at pati tuhod nito ay pinaretoke rin. Dispormado kasi ang mga tuhod nito at halata ito kaya hindi siya nakakapagsuot ng mini-skirt. Napakaganda ngayon ng aktres na isa ring singer at halos perpekto na ang ganda nito kaya lang naging miyembro siya ng "Salamat po, Doktor".
Ang actress-singer ay sikat na sikat at in-demand ito sa mga shows sa loob at labas ng bansa.
Kung pambato ng Dos si Kristine Hermosa dahil sa malaganap na soap opera na Pangako Sa Yo at si Claudine Barretto dahil Sa Dulo ng Walang Hanggan ay tatlo naman ang babandera sa Syete. Silay sina Angelika dela Cruz, Jolina Magdangal at Judy Ann Santos. Nauna nang pambato ng GMA si Sunshine (palayaw ni Angelika) at magkasama na sila ni Juday sa SOP. Balitang lilipat na rin ng Syete si Jolina kaya magkakasama na ang tatlo doon.
Ano ang reaksyon ni Angelika ngayong naroon na si Juday at malamang na lumipat na rin si Jolens? "Masaya ako dahil mga malalapit kong kaibigan ang dalawa. Komportable ako sa kanila at kung magkaroon man ng competition ay hindi naman maapektuhan ang aming pagiging magkaibigan. Its a friendly competition," aniya.
Malaking suporta rin ang ibibigay ng Syete kay Juday gayundin kay Jolens sakaling lumipat doon.
Ayon sa isang insider, maipagmamalaki nila ang soap opera na Ikaw Lang Ang Mamahalin dahil pagdating sa nationwide rating ay number one ito dahil maraming taga-lalawigan ang supporter ng teleserye. Isa pa, napakaraming commercial load ang soap opera kaya hindi totoo ang balitang matsutsugi na ito sa ere.
Nakilala si James Blanco sa isang soap commercial hanggang mapasama sa Click at Ikaw Lang Ang Mamahalin. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang kahusayan niya sa pag-arte lalo na sa drama kaya nabibigyan ng magagandang break.
Nakakalungkot lang dahil kung kailan naman nakakapag-invest na ang guwapong aktor ay saka naman na-carnap ang kanyang sasakyan na nakaparada lang sa harap ng kanyang bahay. Ang konswelo na lang niya ay ang pagdating sa kanya ng mga offer. Kung nawala man ang Click ay kasama naman siya sa isa pang drama series bukod pa sa Ikaw Lang Ang Mamahalin.
Nagpapasalamat si Michael Flores sa Dos dahil ngayon ay nagbabalik-telebisyon siya via Klasmeyts. Dati ay mainstay siya ng Pintados sa Syete at na-link pa siya kay Angelika dela Cruz dahil sa pagiging malapit nilang magkaibigan.
Hindi naman siya totally nawala sa limelight pagkatapos ng Pintados dahil paminsan-minsan ay nagkakaroon siya ng mga TV appearances. Kapag walang ginagawang pelikula o hindi busy sa taping ay tumutulong siya sa pagpapatakbo ng kanilang family business.
May nagtatanong kung ang pagpapakalbo ba ni Michael ay hudyat na gusto na niyang maging komedyante? Sinabi ng aktor na pinangatawanan na niyang huwag magpatubo ng buhok dahil unang-una ay gusto niyang mag-iba naman ang kanyang itsura. Pangarap niyang maging kontrabida dahil para sa kanya, mas challenge ito at hindi rin nawawalan ng offer ang artista kapag kontrabida.
Ngayong nagbabalik-telebisyon si Michael ay ipinangako niya na gagalingan pa niya ang pag-arte. Ayaw din muna niyang pumasok sa isang seryosong relasyon dahil mas type niyang ibalik ang sigla ng career niya.
Maraming natuwa nang malaman nilang nililigawan ni Raymart Santiago si Claudine Barretto lalo nat break na sila ni Rico Yan. Una, mas malakas daw ang dating ng action star kaysa sa ex-boyfriend ng aktres at bagay sila ni Claudine.
Sa kabilang banda, ipinaliwanag ni Marjorie Barretto na hindi ang kanyang mister na si Dennis Padilla ang naging tulay para magkakilala ang dalawa. Kaibigang matalik pala ng konsehal ang action star dahil magkasama sila sa Kool Ka Lang. Mas gusto nga ni Dennis na huwag munang magpaligaw si Claudine dahil bata pa naman ito at gusto niyang mag-concentrate na lang muna sa pag-aartista ang hipag.
Ang actress-singer ay sikat na sikat at in-demand ito sa mga shows sa loob at labas ng bansa.
Ano ang reaksyon ni Angelika ngayong naroon na si Juday at malamang na lumipat na rin si Jolens? "Masaya ako dahil mga malalapit kong kaibigan ang dalawa. Komportable ako sa kanila at kung magkaroon man ng competition ay hindi naman maapektuhan ang aming pagiging magkaibigan. Its a friendly competition," aniya.
Malaking suporta rin ang ibibigay ng Syete kay Juday gayundin kay Jolens sakaling lumipat doon.
Nakakalungkot lang dahil kung kailan naman nakakapag-invest na ang guwapong aktor ay saka naman na-carnap ang kanyang sasakyan na nakaparada lang sa harap ng kanyang bahay. Ang konswelo na lang niya ay ang pagdating sa kanya ng mga offer. Kung nawala man ang Click ay kasama naman siya sa isa pang drama series bukod pa sa Ikaw Lang Ang Mamahalin.
Hindi naman siya totally nawala sa limelight pagkatapos ng Pintados dahil paminsan-minsan ay nagkakaroon siya ng mga TV appearances. Kapag walang ginagawang pelikula o hindi busy sa taping ay tumutulong siya sa pagpapatakbo ng kanilang family business.
May nagtatanong kung ang pagpapakalbo ba ni Michael ay hudyat na gusto na niyang maging komedyante? Sinabi ng aktor na pinangatawanan na niyang huwag magpatubo ng buhok dahil unang-una ay gusto niyang mag-iba naman ang kanyang itsura. Pangarap niyang maging kontrabida dahil para sa kanya, mas challenge ito at hindi rin nawawalan ng offer ang artista kapag kontrabida.
Ngayong nagbabalik-telebisyon si Michael ay ipinangako niya na gagalingan pa niya ang pag-arte. Ayaw din muna niyang pumasok sa isang seryosong relasyon dahil mas type niyang ibalik ang sigla ng career niya.
Sa kabilang banda, ipinaliwanag ni Marjorie Barretto na hindi ang kanyang mister na si Dennis Padilla ang naging tulay para magkakilala ang dalawa. Kaibigang matalik pala ng konsehal ang action star dahil magkasama sila sa Kool Ka Lang. Mas gusto nga ni Dennis na huwag munang magpaligaw si Claudine dahil bata pa naman ito at gusto niyang mag-concentrate na lang muna sa pag-aartista ang hipag.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended