3 balikbayan singers
March 23, 2002 | 12:00am
Tatlong mang-aawit na pawang mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa ang nag-perform sa Celebrity Night ng NPC kagabi.
Si Teresa Morales ay kararating lang mula sa Canada kung saan siya nag-recording ng kanyang pangalawang album at dito sa bansa niya ipu-promote. Siya ang nagpasikat muli ng kanta ni Freddie Aguilar na "Kumusta Ka".
Mula naman sa California si Jay B na isang baguhan sa larangan ng recording. Kalalabas lang ng kanyang unang album na ni-record niya sa Estados Unidos. Ang kantang "Larawan" na sarili niyang komposisyon ang nais niyang pasikatin ngayon dito sa Pilipinas. Nakapaloob ito sa kanyang self-titled album.
Multi-awarded singer si Jimz Demillo na isang Fil-Canadian. Lagi siyang panalo sa mga singing contests doon at marami na rin siyang nasalihang international shows na ang iba ay pawang mga stage musicales.
Maliban sa Canada, nagtungo na rin si Jimz sa USA at Australia para sa ilang singing engagements.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended