^

PSN Showbiz

Artista ang mga titser sa Summer Camp for kids

- Veronica R. Samio -
Masuwerte ang mga kabataang lalahok sa Snack 2002, isang Summer Nature And Arts For Kids, na magaganap sa Abril 8-13 sa Taal Lake Yacht Club, Talisay, Batangas sapagkat mga sikat na artista ang mga magiging facilitators at instructor nila. Sina Jackielou Blanco para sa kickboxing exercises, taekwondo champion Monsour del Rosario, actress Sharmaine Arnaiz para sa archery at si Lara Fabregas para sa basic acting.

Nasa ika-apat na taon na ang Snack na nagbibigay ng alternative outdoor activities para sa mga kabataang may edad 7-13. Ito ay brainchild ng journalist/artist manager na si Bibsy Carballo who has since made it her cause to develop and instill in young kids a healthy regard for the environment.

Ang mga activities this year ay sailing and kayaking, mountaineering, trekking up Mt. Talamitam, pottery, tie-dyeing, star gazing, photography, a visit to a plant nursery at ang LUBID teambuilding adventure games.

Maaaring magpa-rehistro sa tel. nos. 7210801, 7241762 at 7267164.
*****
Nakalipat na pala sa isang mas malaking lugar ang tinaguriang Nostradamus Ng Asya na si Jojo Acuin. Nasa 45 Gen. Lim, Heroes Hill, QC na siya, hindi kalayuan sa kanyang dating opisina pero mas malaking espasyo ang nagagalawan niya at maging ng napakarami niyang kliyente. Matatawagan siya sa 4108745/4108749/3733866 at 4162341.

Bagaman at nagkatotoo yung hinulaan niyang lindol nung huli ko siyang nakausap, nalulungkot ang magaling na psychic na may mga namatay at nagkaroon ng malaking pinsala ito sa mga taga-Mindanao. Ito ang madalas na maging reaksyon niya sa mga hula niya na nagkakaroon ng kaganapan.

Bago pa siya magdaos ng sabbatical na kalimitan niyang ginagawa tuwing Mahal na Araw, pinilit na namin siyang magbigay ng kanyang mga predictions tungkol sa ilan nating mga artista.

Sinabi niyang taon ni Robin Padilla ang 2002 sa pelikula o pera. Pero, sa ayaw at gusto niya may mga babae na darating sa kanyang buhay na hindi niya maiiwasan.

May darating naman daw na pag-ibig kay Regine Velasquez sa taong ito.

Mananatili naman sa kanyang kinalalagyan si Judy Ann Santos. Habang sinisiraan siya ay lalo siyang magtatagumpay.

Pag-ibig naman ang magiging dahilan para tumamlay ang napakasiglang career ni Jolina Magdangal. Nasasa kanya kung alin sa dalawa ang pipiliin niya.

Patuloy na magiging matatag ang relasyon ng mag-aasawang sina Cesar at Sunshine, Aga at Charlene. May mga celebrity relationships pa ang mawawasak na ang dahilan ay 3rd parties.
*****
Hindi naman nanghihinayang si Onemig Bondoc kahit hindi siya nanalo bilang Darling of the Press sa ginanap na Star Awards For Movies. "Marami pa namang pagkakataon," aniya. Sapat na sa kanya na kinilala siya bilang Huwarang Pilipino For Arts & Entertainment ng 17th Annual Parangal Ng Bayan na ginanap sa Philippine International Convention Center nung buwan ng Pebrero. Ibinibigay ito sa mga outstanding Filipino achievers. Kinilala ang kanyang mga nagawa bilang isang aktor at indibidwal na nakapag-ambag at napalago ang kanyang God-given talent at skills towards nation building.

Sina Senador Robert Barbers at civic leader Jonathan Navea ang nagbigay sa kanya ng pagkilala.

Na-appoint din si Uno ng DECS bilang official youth spokesperson. Pupunta siya sa mga schools and universities para sa promosyon ng kahalagahan ng edukasyon.

ANNUAL PARANGAL NG BAYAN

BIBSY CARBALLO

DARLING OF THE PRESS

HEROES HILL

HUWARANG PILIPINO FOR ARTS

JACKIELOU BLANCO

JOJO ACUIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with