Lani On Stage
March 19, 2002 | 12:00am
Matapos niyang mapagtagumpayan ang pagpi-perform sa malalaking venue gaya ng Araneta Coliseum at Cultural Center of the Philippines, ang Song Goddess na si Lani Misalucha ay susubok kumanta sa mga intimate na lugar sa kanyang gagawing concert series na pinamagatang Lani On Stage: A Crossover Special.
Prodyus ng 105.1 FM Crossover na siya ring nag-prodyus ng kanyang matagumpay na konsyerto sa Araneta Coliseum, ang Lani Misalucha: The Crossover Live Tour, ang anim na gabing serye ng pagkanta ay nakatakda sa Abril 12, 13, 19, 20, 26 at 27 sa ika-9 n.g. sa OnStage Greenbelt Makati.
Anim na taon nang kumakanta si Lani pero, ngayon lamang siya gagawa ng isang concert series. Bagaman at may nag-suggest na nito sa kanya, ang Crossover 105.1 lamang ang nagbigay ng katuparan dito.
Ang Crossover din ang nagprodyus ng Martin Nieveras XVIII at ang XV4Ever bilang selebrasyon ng birthday ni Martin. Sila ni Martin ang paboritong artist ng Crossover. Ang Crossover din ang nagprodyus ng live album ng concert ni Lani sa tulong ng Viva Records.
Kagagaling lamang ni Lani sa US na kung saan ay nagkaroon siya ng matagumpay na concerts sa Grand Olympic Auditorium sa LA, Cow Palace sa San Francisco bilang guest ni Martin. Nagkaroon siya ng sarili niyang show sa New Jersey, sa Tropicana Hotel at Casino sa Atlantic City.
Ang tiket sa Lani OnStage ay nagkakahalaga ng P1,200, P900 at P600. Mabibili ito sa National Bookstores, Tower Records (Makati at Alabang), Robinsons (Ortigas at Manila), Music Museum, CCP, Primeline (8976170) at Ticketworld (8915610).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended