^

PSN Showbiz

Aiko, napuruhan ang imahe

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Sa paglutang ng balitang nagsasama pa sina Jomari Yllana at Aiko Melendez ay may umeeksena na palang lalaking nagngangalang Phillip Palma ay parang sinaksakan ng suwero ang lupaypay nang katawan ni Ara Mina dahil sa mga salitang ipinakain sa sexy star ng aktres-politiko nu’ng nakaraang linggo.

Siguro’y napangisi si Ara, may katotohanan man o imbento lang ang balita, dahil kung ano ang mga akusasyong ibinato sa kanya ni Aiko ay ’yun din ang ipinataw ngayon ng ibang tao sa konsehalang aktres.

Kung sasariwain ang mga pahayag ni Aiko ay ganu’n na lang ang pagdidiin ng politikong aktres sa diumano’y pakikitulog ni Ara sa bahay ni Jomari, bagay na ayaw namang aminin ng seksing aktres.

Sarkastiko ang naging ganti ni Ara sa mga patutsada ni Aiko, "Kung may ipino-promote siyang produkto, e, huwag na lang niya akong gambalain, nananahimik na ako, di ba?" sagot ni Ara.

Lalong nabulabog ang langgaman ni Aiko, "Kung gusto niyang huwag siyang nababanggit, manahimik talaga siya, hindi ‘yung malalaman mo na lang na nakikipagkita pa rin naman siya!" balik-birada naman ng konsehala.

Pero ngayon nga ay pinagpipistahan ang balitang habang nagsasama pa bilang mag-asawa sina Jomari at Aiko ay nakikitulog na rin pala siya sa bahay ni Phillip Palma, isang bata pang negosyanteng nakatira sa Valle Verde 5, na sabi’y naging karelasyon ni Aiko.

Lumalabas na mas nauna palang ginawa ng aktres ang mga bagay na ipinaparating niya kay Ara, dahil noon pa ang kay Aiko, samantalang nito lang ang kay Ara.

Opinyon tuloy ng iba ay inunahan lang ni Aiko ang sitwasyon na puwedeng ibato sa kanya ni Ara, kaya mas nauna siyang nagsalita.
* * *
Hindi namin minemenos ang pagkatao ni Ara Mina, tulad ni Aiko ay may pinangangalagaan din siyang karangalan at reputasyon, pero kung imahe ang pag-uusapan ay mas malaking negatibong epekto ang magagawa ng isyung ganito kay Aiko.

Si Ara ay sexy star, gumawa o hindi ng milagro si Ara ay tanggapin na natin ang katotohanang isang bahagdan pababa ang tingin ng publiko sa mga artistang naghuhubad sa harap ng mga kamera.

Aktres si Aiko, at nangunguna pang konsehala sa kanyang distrito sa Quezon City, kaya higit kay Ara ay mapupuruhan ang imahe ni Aiko sa mga ganitong uri ng isyu.

Marami pang malalaking pangarap si Aiko sa mundong pulitika, pausbong pa lang siya ngayon kung tutuusin, kaya tiyak na makakaapekto sa kanya ang isyu ng pakikipagrelasyon sa iba habang nagsasama pa sila ni Jomari.

Hindi naman sa wala nang mawawala pa kay Ara dahil boldstar naman siya, ang mga babaeng nagtatalop sa pelikula ay mga tao pa ring nasasaktan at umaaray, kaya nga lang ay talagang mas malaking kasiraan ang idudulot kay Aiko ng paksa tungkol sa kanila ni Phillip Palma.

Kailangan nang kumilos nang agaran si Aiko ngayon bago pa mahuli ang lahat, patuloy na masusunog ang kanyang pangalan tungkol sa isang isyung personal na tiyakang matatatak sa kanyang pangalan kung hindi niya agad ito matutugunan nang sapat na paliwanag.

Totoo o gawa-gawa lang ang kuwento ay kailangan pa ring magpaliwanag ni Aiko kung mahal niya ang kanyang pangalan at mga pangarap.

vuukle comment

AIKO

AIKO MELENDEZ

ARA

ARA MINA

JOMARI

KUNG

LANG

PHILLIP PALMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with