Operasyon ng boobs, nakita sa TV!
March 16, 2002 | 12:00am
Kahit anong gawing pagyurak sa pagkatao ni Kristine Hermosa, tuluy-tuloy pa rin ang pagdating ng biyaya sa sikat na teen actress. Kaliwat kanan ang bira ngayon kay Kristine. Nakapagtataka lang kung kanino nanggaling ang mga paninirang ito. At kung sino ang pasimuno.
Sa ngayon, tahimik na ginagawa ni Kristine ang kanyang trabaho. Halos wala nang pahinga ang aktres dahil sa sunud-sunod na pagdating ng trabaho. Kasalukuyang tinatapos ngayon ni Kristine ang Mango Orchard, ang launching movie nila ni Jericho Rosales under Star Cinema. Isang dahilan ito kung bakit wala siyang pahinga.
Bukod sa pelikula, nariyan pa rin ang Pangako Sa Yo na patuloy na humahataw sa ratings. Linggu-linggo ay napapanood din siya sa ASAP bilang isa sa mga main hosts.
At ang pinaka-latest nga ay ang duet album nila ni Jericho under Star Records. Naglalaman ito ng ilan sa pinakamagandang love songs.
Next week, March 22 to be exact, aalis si Kristine kasama ng Hunks na kinabibilangan nina Diether Ocampo, Piolo Pascual, Carlos Agassi, Bernard Palanca at Jericho para sa US show nilang Pacific Nights With the Hunks and Vina Morales. Si Kristine ang special guest dito. Marami nang naghihintay kay Kristine sa Pinoy community sa Guam, Hawaii at San Diego. Bale sa April 3 ang balik ng buong tropa.
Pagbalik niya, ilu-launch naman ang tatlong ibat ibang produkto na kanyang ini-endorso. Kapag naglabasan na ang mga nasabing TVC, tiyak na si Kristine ang tatanghaling commercial queen.
Kaya kung kami kay Kristine, hindi na namin papansinin at papaapekto sa mga tumitira sa kanya. Basta gawin lang niya ang kanyang trabaho para mapasaya niya ang kanyang pamilya at ang mga tagahanga.
Bongga ang episode ng Talk TV noong Huwebes. On-air nilang ipinakita kung paanong isinasagawa ang pagpaparetoke ng boobs. Si Yda Manzano ang bold star na walang takot na pumayag iparetoke ang kanyang boobs. Isang doktor sa Belo Medical Group ang nag-opera kay Yda.
First time niyang nakakita ng ganong proseso. Hindi kami sanay na nakakakita ng operasyon sa telebisyon. Buti na lang, present si Dr. Vicky Belo na masusing tinitingnan ang aktuwal na operasyon.
Ibat iba ang reaksyon ng tao sa pagpaparetoke. Mayroon na hindi pabor at mayroon na willing na magpadagdag ng kanilang dibdib. Tulad ni Marjorie Barretto (isa sa mga live guests) na okey lang daw magpadagdag ng boobs kapag may asawat anak na.
After the operation, ipinakita ang naging resulta ng operasyon. Siyempre, ibang-iba na ang dating ni Yda. Ang suwerte nga niya dahil libre ang naturang operasyon at sagot ng Belo Medical Group ang lahat ng gastos.
After the episode, hindi na kami magtataka kung maraming babae (lalo na yung di nabiyayaan ng malaking boobs) ang susugod sa ibat ibang ospital para magdagdag ng kanilang dibdib.
Gusto naming batiin ang hosts na sina Christine Bersola, Julius Babao at Ryan Agoncillo at staff ng Talk TV sa kakaiba nilang week-long 1st anniversary presentation.
Abangan ninyo sina Baron Geisler, Alwyn Uytingco, Meg Reyes at Dennis Trillo sa isang fashion at musical show billed "Harvard Jeans USAs Summer Party" bukas, Linggo, 4 p.m. sa Sta. Lucia East Mall. Pormal na ipakikilala ang apat bilang mga celebrity endorsers ng Harvard Jeans USA.
Si Baron ay popular dahil sa mga programa niyang Tabing Ilog at Recuerdo de Amor. Si Alwyn naman ay sikat dahil sa programang OkaTokat. While si Dennis naman ay ang sinasabing pinakabagong crush ng bayan at kasama siya sa soap operang Sa Dulo Ng Walang Hanggan. Siya ngayon ang bini-build up bilang bagong ka-loveteam ni Kaye Abad.
Kaya kung gusto ninyo ng libreng entertainment at wala rin lang kayong gagawin, watch kayo ng "Harvard Jeans USAs Summer Party" bukas.
For your comments and feedback, you can e-mail me at [email protected]
Sa ngayon, tahimik na ginagawa ni Kristine ang kanyang trabaho. Halos wala nang pahinga ang aktres dahil sa sunud-sunod na pagdating ng trabaho. Kasalukuyang tinatapos ngayon ni Kristine ang Mango Orchard, ang launching movie nila ni Jericho Rosales under Star Cinema. Isang dahilan ito kung bakit wala siyang pahinga.
Bukod sa pelikula, nariyan pa rin ang Pangako Sa Yo na patuloy na humahataw sa ratings. Linggu-linggo ay napapanood din siya sa ASAP bilang isa sa mga main hosts.
At ang pinaka-latest nga ay ang duet album nila ni Jericho under Star Records. Naglalaman ito ng ilan sa pinakamagandang love songs.
Next week, March 22 to be exact, aalis si Kristine kasama ng Hunks na kinabibilangan nina Diether Ocampo, Piolo Pascual, Carlos Agassi, Bernard Palanca at Jericho para sa US show nilang Pacific Nights With the Hunks and Vina Morales. Si Kristine ang special guest dito. Marami nang naghihintay kay Kristine sa Pinoy community sa Guam, Hawaii at San Diego. Bale sa April 3 ang balik ng buong tropa.
Pagbalik niya, ilu-launch naman ang tatlong ibat ibang produkto na kanyang ini-endorso. Kapag naglabasan na ang mga nasabing TVC, tiyak na si Kristine ang tatanghaling commercial queen.
Kaya kung kami kay Kristine, hindi na namin papansinin at papaapekto sa mga tumitira sa kanya. Basta gawin lang niya ang kanyang trabaho para mapasaya niya ang kanyang pamilya at ang mga tagahanga.
First time niyang nakakita ng ganong proseso. Hindi kami sanay na nakakakita ng operasyon sa telebisyon. Buti na lang, present si Dr. Vicky Belo na masusing tinitingnan ang aktuwal na operasyon.
Ibat iba ang reaksyon ng tao sa pagpaparetoke. Mayroon na hindi pabor at mayroon na willing na magpadagdag ng kanilang dibdib. Tulad ni Marjorie Barretto (isa sa mga live guests) na okey lang daw magpadagdag ng boobs kapag may asawat anak na.
After the operation, ipinakita ang naging resulta ng operasyon. Siyempre, ibang-iba na ang dating ni Yda. Ang suwerte nga niya dahil libre ang naturang operasyon at sagot ng Belo Medical Group ang lahat ng gastos.
After the episode, hindi na kami magtataka kung maraming babae (lalo na yung di nabiyayaan ng malaking boobs) ang susugod sa ibat ibang ospital para magdagdag ng kanilang dibdib.
Gusto naming batiin ang hosts na sina Christine Bersola, Julius Babao at Ryan Agoncillo at staff ng Talk TV sa kakaiba nilang week-long 1st anniversary presentation.
Si Baron ay popular dahil sa mga programa niyang Tabing Ilog at Recuerdo de Amor. Si Alwyn naman ay sikat dahil sa programang OkaTokat. While si Dennis naman ay ang sinasabing pinakabagong crush ng bayan at kasama siya sa soap operang Sa Dulo Ng Walang Hanggan. Siya ngayon ang bini-build up bilang bagong ka-loveteam ni Kaye Abad.
Kaya kung gusto ninyo ng libreng entertainment at wala rin lang kayong gagawin, watch kayo ng "Harvard Jeans USAs Summer Party" bukas.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended