Gustong maging matangkad kaya nagsusuot ng makapal at mataas na sapatos
March 15, 2002 | 12:00am
Isang buwan na hindi makakasama ni Zsazsa Padilla ang live-in sweetheart na si Dolphy at dalawa nilang anak na sina Nicole at Zia dahil nakatakdang umalis si Zsazsa patungong Amerika sa katapusan ng buwang ito kasama ang kanyang kaisa-isang anak sa una niyang mister na si Dr. Modesto Tatlonghari, si Karylle. Ito bale ang magiging birthday treat ni Zsazsa sa kanyang dalaga whos turning 21 on March 22 at magtatapos din ito on March 23 sa Ateneo de Manila University ng BS Management.
Magmula nang magkahiwalay sina Zsazsa at Dr. Tatlonghari, hindi nagkasama ang mag-ina sa biyahe dito man o sa ibang bansa. First time bale ito nina Zsazsa at Karylle na magkasama sa biyahe kaya tiyak na babawi siya nang husto sa kanyang mga pagkukulang kay Karylle.
Ang mag-ina ay magtutungo sa Las Vegas, Disneyland at sa iba pang lugar. Patitingnan na rin ni Zsazsa sa Amerika ang kanyang lalamunan na siyang dahilan ng kanyang pansamantalang pamamahinga sa kanyang singing and acting career. Magkakaroon din ng pagkakataon ang mag-ina na makipagkita sa estranged parents ni Zsazsa na sa Amerika na naka-base.
Sa totoo lang, parehong excited sina Zsazsa at Karylle sa kanilang napipintong biyahe na binasbasan naman ni Dolphy at ng ama ni Karylle na si Dr. Tatlonghari.
Nawala man si Regine Velasquez sa poder ni Ronnie Henares, masaya naman ang mister ni Ida Henares dahil meron namang Lani Misalucha na kapalit.
Kung gaano ka-in-demand ngayon si Regine, hindi naman nagpapahuli ang song goddess na si Lani na kabi-kabila rin ang mga singing commitments hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Matapos niyang mapuno ang Araneta Coliseum at CCP, susubukan naman ni Lani ang pagkakaroon ng special six-night concert series sa On- Stage in Greenbelt Mall, Makati City na nakatakdang ganapin on April 12, 19, 20, 26 and 27, all week-ends sa buwan ng Abril. Itoy pinamagatang Lani On Stage: A Crossover Special na produced ng 105.1 FM Crossover na siya ring nag-produced ng matagumpay na concert niya sa Araneta Coliseum.
Mapa-pelikula man o telebisyon, ang rivalry among friends and siblings ay hindi talaga maiiwasan.
Si Zsazsa Padilla ay isa sa mga regular mainstays ng ASAP tuwing araw ng Linggo sa ABS-CBN Channel 2 habang ang kanyang anak na si Karylle ay isa rin sa mga regular co-hosts ng katapat na programa, ang SOP ng GMA-7.
Si Claudine Barretto ang bida sa Sa Dulo ng Walang Hanggan ng Dos habang ang kapatid niyang si Marjorie Barretto ay kasama sa katapat nitong programa sa ang Ikaw Lang Ang Mamahalin.
Although magkakatapat ang kanilang mga programa, hindi naman ito nangangahulugan na magkakaaway din sila sa tunay na buhay.
May gap man ngayon sina Mother Lily Monteverde ng Regal Films at ang nanalong Best Director (for Tuhog) na si Jeffrey Jeturian, tiyak na maaayos ito dahil pitong awards ang nakuha ng Tuhog na siya ring nanalong best movie of the year.
Maliit lamang ang Tuhog, hindi naman nag-suffer ang quality nito dahil mahusay ang director nito na si Jeffrey, isa sa mga promising among the new directors.
Dapat siguroy bawasan na ni Isabel Granada ang pagsusuot ng mga clogs dahil nakakaasiwa na siyang tingnan. Tulad na lamang nung nakaraang Star Awards for Movies kung saan ay isa si Isabel sa nag-perform ng special sing-and-dance number. Sa pagnanais niyang tumangkad, nagsuot siya ng pagkakapal-kapal at pagkataas-taas na clogs na hindi na bumagay sa kanyang kasuotan. Tuloy pangit na tingnan. Bakit si Antoinette Taus na hindi rin katangkaran, marunong itong magdala ng kanyang height?
Email: [email protected]
Magmula nang magkahiwalay sina Zsazsa at Dr. Tatlonghari, hindi nagkasama ang mag-ina sa biyahe dito man o sa ibang bansa. First time bale ito nina Zsazsa at Karylle na magkasama sa biyahe kaya tiyak na babawi siya nang husto sa kanyang mga pagkukulang kay Karylle.
Ang mag-ina ay magtutungo sa Las Vegas, Disneyland at sa iba pang lugar. Patitingnan na rin ni Zsazsa sa Amerika ang kanyang lalamunan na siyang dahilan ng kanyang pansamantalang pamamahinga sa kanyang singing and acting career. Magkakaroon din ng pagkakataon ang mag-ina na makipagkita sa estranged parents ni Zsazsa na sa Amerika na naka-base.
Sa totoo lang, parehong excited sina Zsazsa at Karylle sa kanilang napipintong biyahe na binasbasan naman ni Dolphy at ng ama ni Karylle na si Dr. Tatlonghari.
Kung gaano ka-in-demand ngayon si Regine, hindi naman nagpapahuli ang song goddess na si Lani na kabi-kabila rin ang mga singing commitments hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Matapos niyang mapuno ang Araneta Coliseum at CCP, susubukan naman ni Lani ang pagkakaroon ng special six-night concert series sa On- Stage in Greenbelt Mall, Makati City na nakatakdang ganapin on April 12, 19, 20, 26 and 27, all week-ends sa buwan ng Abril. Itoy pinamagatang Lani On Stage: A Crossover Special na produced ng 105.1 FM Crossover na siya ring nag-produced ng matagumpay na concert niya sa Araneta Coliseum.
Si Zsazsa Padilla ay isa sa mga regular mainstays ng ASAP tuwing araw ng Linggo sa ABS-CBN Channel 2 habang ang kanyang anak na si Karylle ay isa rin sa mga regular co-hosts ng katapat na programa, ang SOP ng GMA-7.
Si Claudine Barretto ang bida sa Sa Dulo ng Walang Hanggan ng Dos habang ang kapatid niyang si Marjorie Barretto ay kasama sa katapat nitong programa sa ang Ikaw Lang Ang Mamahalin.
Although magkakatapat ang kanilang mga programa, hindi naman ito nangangahulugan na magkakaaway din sila sa tunay na buhay.
Maliit lamang ang Tuhog, hindi naman nag-suffer ang quality nito dahil mahusay ang director nito na si Jeffrey, isa sa mga promising among the new directors.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended