P50-M binigay ni GMA para sa 'bagong cinema'
March 13, 2002 | 12:00am
Pagkakataon na ito ng maraming mahuhusay gumawa ng screenplay at mga script. Sa talumpati ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, sa pagsisimula ng Cinemanila nung Disyembre 6, 2001, nangako siya ng P50 milyong subsidy o tulong para makapag-simula ang Film Development Foundation (FDF) na pinamumunuan ngayon ni director Laurice Guillen, ng paghahanap ng mga magagandang scripts na magagawang pelikula para sa napakaraming film festival na ginaganap sa bansa gaya ng Manila Film Festival, Metro Manila Film Festival, Cinemanila at marami pa.
Maliwanag na bukod sa pagbibigay sa FDF ng kontrol sa P50M, hinahangad din ng Pangulo na ma-encourage ang mga kabataan at bagong filmmakers, lalo na yung mga independent, na makaagapay sa state of art in movies.
Ngayon na ang pagkakataon ng mga malikhain na magsulat ng istoryang pampelikula sapagkat ang Cinemanila ay nagsasagawa ng isang scriptwriting contest. Lima ang pipiliin at ang bawat isa ay mananalo ng P800,000 (mula sa P50M ni GMA). Deadline para sa submission ng script ay sa Mayo 15.
Ihahayag ang limang mapipili sa Hunyo 1. Ang lima ay makakalahok sa isang Roundtable Conference sa Agosto 15, labinglimang Asian/European at limang Pinoy projects ang magpa-participate. Ang mga proyekto ay ipi-prisinta ng mga dadalong producer, director at scriptwriter na magkakaroon ng pagkakataon na mabigyan ng pondo ang kanilang mga proyekto.
Mayroon nga bang humaharang para hindi matuloy ang proyekto ng Viva Films na magtatampok kina Sharon Cuneta at Judy Ann Santos? Sayang naman lalot pumayag nang makasama sa movie si Christopher de Leon na nabalitang ayaw tanggapin ang proyekto sapagkat minor lamang ang kanyang magiging role sa pelikula na may titulong Magkapatid.
Gagampanan niya ang role ng asawa ni Mega na bagaman at isang mahusay na obi-gyne ay iisa lamang ang anak. Samantalang ang nakababata nitong kapatid na gagampanan naman ni Juday ay batang nag-asawa kay Dingdong Dantes at marami ang anak nila.
Magsisimula ang problema nang sabay silang magkapatid na mamatayan ng anak. Dito rin magsisimulang mainggit si Sharon sa pinakamamahal niyang kapatid. Pero ang pelikula ay tungkol sa kung paano hinaharap ang kalungkutan.
Si Joel Lamangan ang nakatakdang mag-direk ng pelikula na ganito kaaga pa lamang ay inaabangan na ng lahat para lamang makita kung paano gagampanan ni Mega ang kanyang bida-kontrabida role at kung bakit may ipinabago ang manager ni Juday sa script.
Maliwanag na bukod sa pagbibigay sa FDF ng kontrol sa P50M, hinahangad din ng Pangulo na ma-encourage ang mga kabataan at bagong filmmakers, lalo na yung mga independent, na makaagapay sa state of art in movies.
Ngayon na ang pagkakataon ng mga malikhain na magsulat ng istoryang pampelikula sapagkat ang Cinemanila ay nagsasagawa ng isang scriptwriting contest. Lima ang pipiliin at ang bawat isa ay mananalo ng P800,000 (mula sa P50M ni GMA). Deadline para sa submission ng script ay sa Mayo 15.
Ihahayag ang limang mapipili sa Hunyo 1. Ang lima ay makakalahok sa isang Roundtable Conference sa Agosto 15, labinglimang Asian/European at limang Pinoy projects ang magpa-participate. Ang mga proyekto ay ipi-prisinta ng mga dadalong producer, director at scriptwriter na magkakaroon ng pagkakataon na mabigyan ng pondo ang kanilang mga proyekto.
Gagampanan niya ang role ng asawa ni Mega na bagaman at isang mahusay na obi-gyne ay iisa lamang ang anak. Samantalang ang nakababata nitong kapatid na gagampanan naman ni Juday ay batang nag-asawa kay Dingdong Dantes at marami ang anak nila.
Magsisimula ang problema nang sabay silang magkapatid na mamatayan ng anak. Dito rin magsisimulang mainggit si Sharon sa pinakamamahal niyang kapatid. Pero ang pelikula ay tungkol sa kung paano hinaharap ang kalungkutan.
Si Joel Lamangan ang nakatakdang mag-direk ng pelikula na ganito kaaga pa lamang ay inaabangan na ng lahat para lamang makita kung paano gagampanan ni Mega ang kanyang bida-kontrabida role at kung bakit may ipinabago ang manager ni Juday sa script.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended