LA naka-gold din
March 11, 2002 | 12:00am
Ang debut album ni LA Lopez under Star Records na pinamagatang Yakap ay binigyan ng gold record award noong nakaraang Pebrero 24 sa ASAP. Ang album na ito ay ni-release noong Agosto 2001 at nakabenta ito nang humigit kumulang na 20,000 units. Ang carrier single na siya ring pamagat ay nagkamit ng malaking airplay mula sa hottest OPM radio stations ng Maynila at tumanggap ito ng positive na response mula sa mga pop music buffs.
Mayroong labing-dalawang tracks ang Yakap at kasama dito ang espesyal na areglo ng carrier single na kung tawagin ay Im Back Mixx.Ang iba pang mga awitin sa album ay "Make Me A Love Song", "Bakas Ng Lumipas", "Ngayon Lang, Music and Me" at "Ikaw Ang Buhay Ko" (duet with Jolina Magdangal), among many others. Ang ikalawang single ng album ay remake ng classical na awitin ni Raymond Lauchengco at ito ay ang ballad na pinamagatang "Farewell" at may airplay na rin ito sa radyo.
Available ang Yakap sa high quality cassettes at compact disc sa lahat ng pangunahing record outlets sa buong kapuluan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended