^

PSN Showbiz

Willie, ibebenta ang bahay para mapag-aral si Meryll

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
A star-studded celebrity match takes place sa opening ng 6th Nestea Beach Volleyball University Championships at the La Salle Greenhills beach volleyball court today, March 9. The match featuring bright luminaries in entertainment as well as beauty queens is scheduled to start at 2 p.m.

Pangungunahan ng mainstays ng Attagirl, heartthrob Onemig Bondoc, sexpot Andrea del Rosario and Reggie Curley, chosen just last week by Philippine Star as one of the six handsomest models sa bansa sa kasalukuyan ang naka-schedule maglaro. Added attraction si Alessandra de Rossi.

Two more hunks will spice up the event with the presence of action star and sportsman Monsour del Rosario kasama ang stage actor na si Toffee Calma. Pero ang presence ng Bb. Pilipinas-Universe 2001 na si Zorayda Ruth Andam and Miss World Tourism 2001 na si Michelle Reyes ang magpo-provide ng icing sa beach volleyball celebrity games.

Magri-resume immediately right after the celebrity match ang competition between Manila-based colleges and universities.

Over half a million pesos in prizes ang at stake ngayong taon sa six year old event kung saan kasali ang colleges and universities from all over the country.

The event is made possible through Speedo, Mikasa, Asian Spirit, Astring-o-Sol Ice, Kenny Rogers, Carl’s Jr., WG&A and Boracay resorts Villa De Oro and Boracay Gold Crown Club.
*****
Naka-recover na si Vandolph sa pagkamatay ng girlfriend niyang si Ishi Raquiza. Mismong si Dolphy ang nagkukuwento kung paano na-accept ni Vandolph ang nangyari. "Wala na kaming choice dahil naghahanap na siya no’ng medyo okey na siya. Sabi ko sa doctor ayokong magsinungaling. So no’ng first time niya akong tanungin, sinabi kong magpagaling siya at pupuntahan namin si Ishi. Hindi naman ako nagsisinungaling dahil sabi ko lang pupuntahan namin. No’ng second time na magtanong siya sa akin, ganoon din ang sinabi ko.

"Hanggang kinausap ko ang doctor na kailangan na naming sabihin. Ipinatawag kaming lahat, pati si Marissa (referring to Ishi’s mom). Umiyak siya, grabeng iyak. Nag-explain naman si Marissa dahil sinisisi ni Vandolph ang sarili niya, na aksidente lang ang nangyari," he recalled in a chance interview.

Ngayon, paminsan-minsan na lang daw umiiyak si Vandolph particular na pag may naririnig siyang song na pareho nilang favorite ni Ishi.

Regular na rin daw itong nagpupunta sa Manila Memorial. No’n nga raw libing ng lola niya (Alma Moreno’s mom), natulog pa sa puntod ni Ishi ang young actor.

Actually, hindi ini-expect ni Dolphy na hindi mahihirapang tanggapin ni Vandolph ang nangyari.

Well, good for Vandolph. Ngayon nagti-taping na ito ng Home Along Da Riles na mapapanood tomorrow, Sunday.
*****
Tuluyan nang iiwan ni Meryll Soriano ang showbiz. Pumayag na kasi ang father niyang si Willie Revillame na mag-aral siya sa London by September. Ayon kay Willie, nag-heart to heart talk silang mag-ama at nag-decide siyang pagbigyan ang anak sa matagal na nitong pangarap. "Future niya ang nakataya, so okey lang. Bahala na, alam ko namang tutulungan ako ng Diyos para masuportahan ko ang studies niya," he said sa isang chance interview sa Dish kung saan nakipag-jam siya that night sa Side A na incidentally ay iisa ang manager nila, si Wyngard Tracy na manager na rin ngayon ni Maricel Soriano.

Isa-sacrifice ni Willie sa pag-aaral ng anak ang bahay na tinitirhan niya ngayon. Yes folks, ibibenta ng comedian ang nabili niyang bahay noong panahon na nasa MTB pa siya para mapag-aral ang anak sa London. "Di bale mag-aaral naman siya," he averred.

There was a time na nagkaroon ng issue tungkol sa nasabing pag-aaral ni Meryll kung saan misinterpreted siya sa kanyang sinabi tungkol kay Willie.

Plano ni Willie na sasamahan muna si Meryll sa first few months hanggang maka-adjust ito sa lifestyle do’n. "Pero siyempre worried ako. Paano pag nagkasakit siya, sinong mag-aalaga sa kanya? Hindi ganoon kalapit ‘yun."

Pero ayon nga kay Meryll, bata pa lang siya dream na niyang mag-aral sa London. As in noon pa man, mahilig siyang magbasa ng books all about London at talagang ayaw niya ng showbiz. "Hindi talaga showbiz ang mundo ko," she confessed.

International studies on Arts and Design ang course na plano niyang kunin sa London Institute.

Well, ngayon ko na-realize kung gaano kabuting ama si Willie. Imagine, ibibenta niya ang bahay para lang pagbigyan ang kagustuhan ng anak?

Anyway, kasama ng comedian si Meryll sa Dish that night na proud na proud sa ama dahil sa sobrang galing mag-drums. Kahit nga si Joey Generoso, vocalist ng Side A nakatingin lang kay Willie habang nagda-drums.

Impressed kay Willie ang audience sa Dish that night.

In any case, I wish Meryll and Willie all the luck. Sana nga sa lalong madaling panahon, manumbalik ang sigla ng career ni Willie dahil totoo namang biktima siya sa mga nangyari sa MTB dahil marami pa siyang plano hindi lang sa kanyang sarili kundi sa mga taong tinutulungan niya noon at lalong lalo na kay Meryll.

ISHI

LANG

MERYLL

NIYA

PERO

SIDE A

SIYA

VANDOLPH

WILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with